SLY 2: Sulat

34 2 2
                                    

SUMMER EDWARDS'S POINT OF VIEW



NAPATIGIL AKO SA PAGKAIN DAHIL SA narinig kong balita. Hindi naman si Papa iyon, diba? Nagulat ako ng biglang may kumatok at sumulpot si Tina, ang best friend ko.

"N-napanood ko ang balita, Summer, Tita." Hinihingal na sabi ni Tina "Alam ko po ang hospital kung saan isinugod si Tito Mel, nanjan ba po yung sasakyan. Tara na po."

Hindi na kami nagdalawang isip at sumama na kay Tina. Bakit nagka-ganon? Imposible naman na madisgrasya si Papa kasi hindi siya naharurot (kung kinakailangan lang) at lalong lalo na, maayos lagi ang jeep niya para magka-ganon ang jeep. Dipende nalang kung... may nagsira nun?

"Summer, wag ka ng umiyak. Malapit na tayo." Sabi ng katabi kong si Tina, hindi ko namalayan na naiyak na pala ako sa mga naisip ko. Tumango ako at pinunasan ng palad ang luha ko, ilang sandali ay nakarating naman kami sa Hospital. Pagkatigil ng sasakyan ay agad kaming bumaba at pumasok. Pakarating namin...

"Nasaan po yung driver na sinugod dito kani-kanina lang? Mel Edwards ang pangalan niya." Sabi ni Mama. Kinakabahan ako.

"Kaano-ano po kayo ng driver?" Sabi naman ng nurse. Namilog ang mata ng nanay ko at padabog na hinampas ang dalawa niyang kamay sa counter o kung ano man ang tawag dun.

"Hindi ba halata!? Malamang, asawa." Sigaw ni Mama, agad rin naman siyang huminahon. "Ma, huminahon po kayo. Pasensya na po kayo, kung pu-pwede po ba, pasabi nalang po?" Kalmado kong sinabi, ayoko gumawa ng iskandalo dito.

Tumango ang nurse at may kung anong hinanap sa baba. "Nasa Third floor po Ma'am, Room 34-D." Sabi ng nurse at nag-pasalamat naman ako—kami at saka kami umakyat papunta sa nasabing room. Mas lalo akong kinakabahan.

"Sana ibang Mel ang driver na iyon. Sana nagkamali lang ang reporter." Sabi ni Mama habang nasa elevator. Kami ni Tina, tahimik na nasa likod ni Mama.

Ting!

Huminga ako ng malalim at saka nag-exhale. Hindi si Papa iyon... Pagka-labas namin ng elevator, tinanong namin sa nurse station kung saan ang room ng 34-D at itinuro nila ang room.

'Kaano-ano kaya sila ni Mang Mel?'

'Hindi ba anak niya iyon? Yun yung laging kinu-kwento satin ni Manong Mel.'

'Oo nga, ano?'

Ewan ko ba kung bulungan nila yun eh, napaka-lakas kasi ng pagkakasabi. Hindi ko nalang sila pinansin at pumunta na kami sa room kung saan nandun ang tatay ko.

Nakarating kami at ngayon nandito na kami sa pintuan, at nakalagay sa labas ay pangalan ng tatay ko.

Patient: Mel Edwards
Doctors: Mr. Enriquez
     Mr. Tan
           Ms. Johnson

Kinakabahan na talaga ako. Pumasok na kami at dumiretso kung saan nakahiga ang katawan ng tatay ko. Pero hindi pa ako sigurado kasi may nakataklob na puting kumot.

Lumapot si Mama at tinanggal iyon, at sa nakita namin ay doon na kami napaiyak ng tuluyan.

"Papa!" Sigaw ko at umiyak ng umiyak. Maya-maya lumapit sakin si Tina, "Kinausap ako ng Doctor habang nandito kayo. Pinapabigay nga pala sainyo, nakuha raw ito sa wallet ng pasyente. Mabuti raw at hindi napunit kasi yung wallet daw nasira." Paliwanag ni Tina, kinuha ko yung picture na may nakasulat sa likod, eto yung picture namin ni Papa at Mama nung last week. P-papa... Binasa ko iyong naka-sulat.

Ang mahal na mahal kong asawa at ang nag-iisang prinsesa ko at mahal ko siya. Pinapango ko na kahit na anong mangyari, ay sila pa rin ang pamilya ko at lagi silang nasa puso ko. Pangako.

-Mel

Mas lalo akong napa-iyak.

Someone like you [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon