AUTHOR'S POINT OF VIEW
SA ISANG NORMAL NA BUHAY AT BAHAY, hindi man gaanong maliit pero hindi rin naman malaki pero katamtaman lang, doon nakatira si Summer Edwards o mas kilalang Summer. Nag-iisa lang siyang anak at ang nanay niya ay nagtatrabaho bilang labandera habang ang tatay niya ay jeepney driver.
"Ma, ano pong ulam ngayon?" tanong niya sa nanay niyang nagluluto, lumingon sakanya si Aling Martha at bumalik ulit ang tingin sa niluluto niya bago siya nito sinagot.
"Paksiw na muna ang ulam natin ngayong gabi, anak. Pasensya na ha? Mahina kasi kagabi ang kita ng tatay mo." paliwanag ng nanay niya, naiintindihan naman ni Summer ang sitwasyon nila ngayon. Iba na ang sistema ngayon, mas humirap ang mahirap, sa tingin nila kasing hirap na nila ang daga.
Napangiti si Summer sa sinabi ng nanay niya. Proud siya sa nanay niya kasi kahit gaano kahirap ang buhay ngayon, naitataguyod pa rin siya ng nanay niya gayong nasa Grade 10 na siya sa isang araw dahil pasukan na naman.
"Nako naman po Mama, kahit ano pa po iyan. Hinding-hindi po ako magrereklamo, kahit ba tuyo lang i-ulam natin, ayos lang po yun." Naka-ngiti na sabi ni Summer, napangiti si Aling Martha sa sinabi ng anak. Tinulungan na ni Summer ang nanay niya sa paghahanda para sa hapunan dahil daw sa malapit na dumating ang tatay niya galing sa pamamasada.
Simple lang naman ang buhay nina Summer, pero inaasar siya ng mga schoolmates niya dahil wala itong TV sa bahay. Nakiki-nood lang sila sa kapit-bahay nila na siya namang best friend ni Summer, na si Tina. Malapit ang dalawa dahil bata palang ay mag-kaibigan na ito at magka-klase pero isang beses silang nagkahiwalay ng section, yun ay nung Grade 2 sila.
"Nagbabagang balita, isang jeep sumalpok sa isang convenience store na naging dahilan ng mabigat na trapiko. Alamin ang nangyari sa pagbabalik ng Radyo Balita."
"Mabuti nalang hindi ganon si Mel, maingat kasi siya sa pagmamaneho " sabi ni Aling Martha pagkatapos niyang marinig ang balita galing sa cellphone niyang nokia na nakasabit ang earphone sa may pako para makasagap ng magandang signal.
Kumain na sila dahil hindi pa nadating ang kanilang padre de pamilya, hihintayin na lang ni Summer ang tatay niya sa sala pagkatapos niyang kumain.
Nasa kalagitnaan na ng kanilang pagkakain ay narinig nila ang balita at natigilan ang dalawa.
"Jeepney driver, sugatan matapos sumalpok ang pinapasada nitong jeep sa convenience store. Nakilala ang driver bilang si Mel Edwards, mula sa nakitang driver's license at isinugod ito sa hospital pero dead on arrival... Muli, ako po si Glen Mersosa, nag-uulat mula sa lungsod ng Quezon City."
Tila ba'y huminto ang mundo ng mag-ina sa narinig na balita.
BINABASA MO ANG
Someone like you [Completed]
Short StoryYung araw na uso sayo ang salitang "let-go", nagparaya ka. Kahit na alam mong mahal mo yung taong iyon, kaso ang problema, hindi ka naman mahal ng mahal mo. Ang masaklap ay, mahal niya 'siya.' Hanggang sa araw na suko ka na. Started and Finished : A...