SLY 5: Stalker

26 3 1
                                    

SUMMER EDWARDS'S POINT OF VIEW

NAPATIGIL AKO SA PAG-HIKAB. TOTOO BA iyon? Baka naman hindi ako yun?

"Sigurado ka ba jan sa sinasabi mo?" Paninigurado ko sakanya, mahirap na. Mamaya nyan eh, binibiro lang pala ako niyan.

Tumango siya ng ilang beses bago sumagot, "Oo, realtalk. Hindi mo ba nakita sa bulletin natin? Magna cum laude si Kevin Love ng room A-1, Summa cum Laude ka, at Cum Laude si Perri Stones." Paliwanag niya.

Perri Stones? Ah, yun yung ka-klase ko na matalino. Sa tingin ko nga, lagi niya akong kino-kumpitensya eh pero hindi ko na lang siya pinapansin.

"Oh..." Na-speechless ako run ah? "Aray! Ano ba?" sabi ko dito sa katabi ko na nagulat, pa-inosente. Hinawakan ko yung noo ko, ang sakit kaya nun, very very light.

"Oh ano? Ginagawa ko sayo?"

"Hinagisan mo ako ng papel..." Pinulot ko yung papel at pinakita sakanya "eto oh!"

Kumunot ang noo niya sakin, "Edi sana kung ako ang bumato sayo, sa tenga tatama yan hindi sa noo. Haler, magkatabi tayo."

Inirapan ko siya at binuklat nalang yung papel. "Ano daw sabi?" Napalingon ako sa katabi ko na nagsalita, may lahi talaga itong chismosa. Nagkibit-balikat ako at binasa yung sulat.

Oh, Summer.
Pwede ko bang mahingi ang iyong number?
Para maalala ko tuwing summer
Dahil pareho tayong pinanganak ng December
I like you and please remember.

-K

"Okay?" Nagtataka ako sa naka-sulat. Pareho kaming december? Paano niya nalaman yun?

"Mr. Tulaers." Sabi nitong isa. May sapak na talaga ito sa ulo.

Bakit niya hinihingi number ko? Bakit kilala niya ako? Bakit alam niya birth month ko? Bakit gusto niya ako? Bakit nagsulat siya nito? Bakit?

"Alam mo? Magpa-salamat ka nalang kasi may nag-isip na mag-bigay sayo. Ang suplada mo kasi, bawas-bawasan mo. Minsan nga, iniisip ko. Baka sa future, maging matandang dalaga ka."

"Eto gusto mo?" Pinakita ko sakanya yung kamao ko.

"Hehe, ano ka ba? Parang binibiro ka lang eh."

"May sinabi ba akong biruin mo ako?"

Umiling siya at nag-basa nalang ulit.

Sino si K?

Katniss? Kath?

Eh teka puro naman babae yung mga naiisip kong pangalan eh. Dapat lalaki, jusko.

Eh paano pala kung tomboy yun? Diba? Hay, dibale na nga lang.

Teka, letter K diba? Baka naman...

Hindi. Hindi. Napaka-imposible naman ng naisip mo.

Bahala na nga. Nababagot na ako sa inuupuan namin kaya niyaya ko si Tina sa canteen slash cafeteria slash shooting area. Canteen kasi yun naman talaga tawag, cafeteria kasi yun yung tawag ng iba, shooting area kasi more on commercials, mga 45% lang, ay dito sila nag-shoo-shoot.

"Ma-ano ka?" Tanong ni Tina. Huminga ako ng malalim at nag-exhale, masasapak ko na talaga ito eh. Pasalamat siya, kaibian ko siya at mahal ko siya. Eew. Joke.

"Malamang, kakain. Ano ba naman yan Tina? Seriously? Naumpog ba yang ulo mo sa kung saan at napaka- inosente mo ngayong araw?"

"Hehe, gutom na kasi ako kanina pa. Pasensya na."

Tumuloy kami at pumila para mag-order. Pagkatapos namin mag-order nagtaka pa ako ng may nilagay si Ateng nagtitinda ng rose na may nakatape na papel.

Nung umupo kami sa table, binasa ko yung sulat na naman.

Buenas tardes, Mi Amor. ¿Cómo está usted?
-K

"Kunyari naintindihan ko." sabi ko sa sarili ko at nilapag sa table, kinuha naman ito ni Tina at binasa.

"Omg, Summer. Ang sweet naman nito kahit papaano. Finally, may stalker ka na!" Sabi ni Tina.

"Hindi ko nga maintindihan eh, alam mo namang mahina ako sa Spanish. Good afternoon my love lang naintindihan ko." Nagkibit-balikat ako at kumain nalang.

"Eto ang sabi, Good Afternoon, My love. How are you?" Okay, tinranslate na niya. Ngayon, may taga-translate na ko.

Nag-thank you ako sakanya at nag-welcome naman siya, kakain na sana ako ng mahagip ng mata ko na nakatingin siya sakin at naka-ngiti.

Someone like you [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon