Kabanata Four

3.9K 136 13
                                    

"Ina, ako ay pinapayagan niyo na matungtong sa Manila upang tuparin ang aking pangarap? At kasama ang aking kaibigang si Isko?" Puno ng pagka-bigla ang boses ni Maria pero sa kabila nito ay napupuno ng tuwa at excitement.

"Oo Maria. Sasama ako patungong Manila, pero kailangan ko pa ring bumalik rito sa probinsya dahil hindi ko pwede pabayaan ang ating kinabuhayan. May tirahan tayo sa Manila at doon ka na titira kasama si Isko." Hinawakan ni Imelda ang kamay ng dalaga. Tumayo si Maria at yumakap sa ina.

"Maraming salamat ina. Salamat sainyo sapagkat matutupad na ang pangarap namin ni Isko." Yumuko si Maria at nag-mano ito bilang pasasalamat. Napa-ngiti si Imelda sa inasal ng masunuring anak pero ramdam naman nito ang lungkot at takot. Pag-umuwi kaya rito si Maria galing Manila, ganito pa rin ba siya? Dala niya pa rin kaya ang katangian ng isang Maria Clara?

NAPATINGIN si Maria sa mga nag-tataasang gusali, pero ikinagulat nito ang mga nag-tatakbuhang mga bata na naka-hubad sa pang-itaas at kumakatok sa bintana ng mga nag-daraang sasakyan.

"Ina, ano ang kanilang ginagawa? Bakit sila hinahayaan ng kanilang mga magulang na magpakalat-kalat rito na puno ng mga nag-daraan na mga sasakyan? Maaari ba tayong bumaba at bigyan sila ng pagkain na ating dala?" 'Jusme Maria! Ibabato lang nila sa pagmumukha mo iyang pagkain na ibibigay mo! Mas gusto nila ang pera!' sigaw ng isipan ni Isko. Nagkatinginan sina Isko, Imelda at gayundin si Manuel na siyang nag-ddrive ng kotse na pag-aari ng Clemente.

"Ahm Maria! Hayaan mo na sila, bata pa yang mga yan! Nag-eenjoy sila." Sarkastikong tugon ni Isko. Hindi na sumagot pa si Maria, iniisip niyang namamalimos ang mga ito, pero bata pa naman sila at masyadong delikado. Pinanuod lang ni Maria ang kanilang mga nadadaanan. Masaya siya at naka-tung-tong na siya ng Manila pero puro gusali ang nakikita niya, walang matanaw na natural view. At puro usok na rin ang nakikita niya na nag-lalabasan sa mga tambutso ng sasakyan. Napa-iling siya at pumikit na lamang.

"INA, napaka-ganda rito." Namimilog ang mga mata ni Maria habang naka-tingin sa kabuoan ng condo na binili ng Clemente, binili na nila ito noon. Dito sila nanunuluyan kapag lumuluwas ang Clemente sa Manila. Si Isko ay halos hindi mapakali, tumatalon-talon ito sa tuwa. Modernisado ang condo, lahat ng kagamitan ay halatang mamahalin at babasagin. Ibang-iba sa bahay nila sa probinsya. Malawak at maganda rin naman ang loob ng kanila bahay sa LaFilipina pero mas maganda ang tinutuluyan ngayon nina Isko.

"Para saiyo ito anak. Para mas komportable kang makapag-aral." Tugon ni Imelda.

"Hindi ba't kayo ay babalik sa LaFilipina ngayon na? Maaari bang dumito muna kayo at samahan kami ni Isko, bukas na kayo lumuwas ina." Hinagkan ni Imelda ang anak.

"Gusto kong dumito muna anak pero kailangan ako sa LaFilipina. Okay lang ba saiyo anak?" Malungkot na tanong ni Imelda. Ni-respeto naman kaagad ni Maria ang desisyon ng ina at hindi na siya pinilit na dumito muna hanggang bukas. Tumulo ang luha ni Maria at niyakap ang ina, gayundin si Imelda.

"Mag-iingat ka rito Maria, kumain ka sa tamang oras at huwag kang papagutom. Huwag kang lalabas ng hindi kasama si Isko, pamilyar na yan rito sa Manila, kausapin mo siya kung gusto mong lumabas. Dalawang linggo nalang ang pasukan, alam kong mag-aaral ka ng mabuti kaya hihingiin kong mag-iingat ka rito ha? At huwag ka kaagad mag-tiwala sa mga tao, maging wais ka. Hmm? Luluwas kami rito sa susunod na buwan. Ang kotse nga pala na gagamitin ninyo sa pag-pasok sa klase ay darating na raw maya-maya."

"Masusunod ina. Kayo rin ay mag-iingat roon, kumain at matulog sa tamang oras. Huwag kayo mag-bababad sa bukid." Tumango-tango si Imelda tska humiwalay sa anak at hinalikan ito sa noo at muling nagpaalam.

"Manuel, ikaw na ang bahala sa aking ina, kayo ay mag-iingat pauwi." Yumuko si Manuel at ngumiti.

"Mahal kita ina."

"Mahal rin kita anak." Binalingan nito si Isko. "Isko ang bilin ko sayo."

"Masusunod po tito Imelda, ako na ang bahala kay Maria, tatawagan ko po kayo kung may problema man."

"MARIA ang ganda mo talaga!" Pumapalakpak na sigaw ni Isko.

"Salamat ginoo. Napag-alam kong pag-tatawanan ako ng mga tao rito kung gagamitin ko ang mga damit panlabas ko na ginagamit ko sa probinsya, kung kaya't si Gerlyn na ang nagpa-hiram ng kasuotan na kahit papano ay ginagamit rin naman ng ibang kababaihan rito." Hindi kailanman nag-suot si Maria ng shorts o pantalon tska blouse, dress na mahaba na maitatago ang balat ang kanyang mga sinusuot. Isang kulay asul na long dress ang kanyang suot na sobrang bumabagay sa kanya at babagay sa society.

Lumakad na silang dalawa patungo sa parking lot. At lahat ng bumabati sakanila ay binati rin ni Maria ng 'Magandang gabi rin binibini.' Natutuwa nanaman si Isko sa inaasal ng kaibigan. Masayang namasyal sina Isko at Maria sa mall, bumili na rin sina Isko ng mga damit para kay Maria na babagay sa lugar na kinabibilangan niya ngayon.

***

CM 

Modernong Maria ClaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon