Kabanata Seven

3.7K 143 11
                                    

Nakatitig lamang si Maria sa bintana kung saan tanaw niya ang buong Manila. Wala si Isko sa condo nila ngayon dahil kasama nito ang mga kaibigan niya.

Malalalim na nag-iisip sa Maria dahil sa mga pinag-sasabi ni Miguel. Hindi ito makapaniwala na mayroong nga talagang ganuong tao, sino ang lalaking iyon para angkinin siya? Napailing na lamang si Maria at kinuha ang bag niya tska nag-tungo sa kotse. Tinuruan siya ni Isko kung paano mag-maneho dahil bawal kay Maria ang lumakad sa isang lugar na hindi naman siya pamilyar, baka maloko lamang ito.

Nag-tungo siya sa mall na medyo malapit lang sa condo niya, gusto nitong magpahangin. Nang makapag-park ito, nagtungo siya sa Department Store, pero napa-kunot ang noo nito nang makita ang isang pamilyar na lalaki. Si Miguel! Ang professor nitong ubod ng hot na kung angkinin siya ay akala mo kung sino, gayun namang may girlfriend pala ito. Nasa women's section sila at naka-palibot sa bewang ng babae ang kamay ni Miguel na minsan ay dumadaan-daan sa pang-upo nito.

Napailing si Maria at nag-tungo na lang din sa women's section. Number 1 advice kasi ito ni Isko na kung bored si Maria ay mag-shopping na lamang ito. Nagpalinga-linga pa si Maria at naghahanap ng magandang mabibili, nakita naman nito ang isang puting maxi dress na sobrang nipis, pero ang pagkakagawa nito ay napaka-ganda, bagay na pang top sa beach. Natipuhan niya ito kaya agad niya kinuha pero may kamay na humawak rin dito. Napatingin siya sa babae, at laking gulat niya nang si Miguel ito at ang nobya niya.

"Nauna ako."- Maarteng saad nito.

Hindi nakapag-salit si Maria at napunta ang atensiyon kay Miguel na napaka-lalim ng tingin sakanya. Ngumiti na lamang si Maria sa babae tska binitawan ang dress at umalis na. Hindi naman ito makikipagtalo para lamang sa dress na iyon.

Nag-tungo na lamang ito sa cashier at nagbayad na. Nang matapos ito, nag-tungo siya sa kotse niya tska ipinasok sa loob ang mga binili niya pero laking gulat niya ng may humila sakanya at isinandal siya sa kotse niya paharap sa nilalang, laking gulat niya ng si Miguel ito. Bumilis ang pag-tibok ng puso ni Maria dahil sa biglang paglitaw nito sa harap niya. Ang kanang kamay ni Miguel ay nasa bewang niya, at ang kaliwa ay nasa bubong ng kotse nito at nakasandal, malalim itong nakatingin sa dalawa at nakangisi.

Amoy na amoy ni Maria ang pabango nito, nakakalunod, sa sobrang bango nito, parang ang tubig niya ay pabango.

"A-Anong ginagawa mo rito ginoo?"- Magalang na tanong nito Maria na hindi makatingin ng diretso kay Miguel. Bahagyang napatawa muli si Miguel dahil sa pananalita nito. Tska niya bahagyang napisil ang bewang ni Maria, napasinghap si Maria at napa-kagat sa ibabang labi.

'Gorgeous' sa isip ni Miguel.

"What are you doing here. Hmm?"- Saad ni Miguel tska inayos ang ilang hibla ng buhok ni Maria na nakaharang sa mukha nito.

"A-Ako ay namimili lamang."

'The fuck! Her language, it's sexy.'- Sa isip muli ni Miguel.

Tila natauhan naman si Maria at bahagyang naitulak si Miguel.

"A-Ang nobya m-mo, bakit ka nandito? Baka mhuli niya tayo at may masabi siyang hindi kanais-nais."- Nanginginig na saad ni Maria. Hindi ito mapakali sa presensya ni Miguel. Pero mas natutuwa pa si Miguel, napaka-ganda ng dalaga gayundin ang pananalita nito, puno ng respeto.

Inilapit pa ni Miguel ang mukha sa dalaga at konting galaw nalang ay maglalapat na ang mga labi nila. Nakatingin ito sa labi ng dalaga at napa-kagat ito sa loob tska ibinaling ang paningin sa mata ng dalaga.

"Why do you make things hard for me?"- Saad ni Miguel tska inilapat ang labi sa gilid ng labi ni Maria tska ito dumulas patungo sa mismong labi na ng dalaga, napasinghap si Maria at kumabog ng napaka-bilis ang puso. Humiwalay si Miguel at nginitian si Maria.

"Go home now love, it's already getting late."- Seryosong saad ni Miguel at bago pa ito lumisan pinisil muna ang bewang ng dalaga.


PUMASOK si Maria sa loob ng condo na lutang.

"Maganda gabi bini --- Maria! Hoy Maria!"- Sigaw ni Isko at kumaway-kaway pa ito sa mukha ni Maria pero para siyang multo na hindi nito napansin. Kumunot ang noo ni Isko at tska kinurot ang maputing braso ni Maria, nagising na ito sa realidad.

"Okay ka lang ba?"- Nag-aalalang tanong ni Isko. Napa-buntong hininga si Maria at tila sasabog na ang utak dahil sa kakaisip sa Miguel na iyon, hindi siya makapaniwala sa nangyari kanina, professor niya ito at hindi iyon nararapat pero bakit ganun niya ito tratuhin. Gustong mag-kwento ni Maria pero natatakot siya, pero mababaliw na siya.

"Isko. May sasabihin ako saiyo."- Pag-uumpisa ni Maria, naupo ang dalawa sa sofa tska ito nagkwento, sa umpisa hanggang huli, ang nangyari sa probinsya at dito sa Manila, walang siyang pinalampas ni kahit isa, detalyengdetalye ang pagkaka-kwento niya, si Isko ay todo kinig at ni hindi nagawang magsalita, bumuntong hininga si Maria tska tinapos ang kwento.

"KYAAAAH!"

"Ay Isko!"- Sa gulat ni Maria. Sumigaw ba naman si Isko at heto siya ngayon, tumatalon-talon at kinikilig. Ang buong akala ni Maria ay pagsasabihan siya nito, pero nagkakamali siya dahil tuwang-tuwa pa nga ito.

"Maria, nagkaka love life ka na."- Pumapalakpak na saad ni Isko.

"Pero hindi siya ang tipo ko, ubod siya ng guwapo pero wala sakanya ang katangian ni Ibarro."

"Ano ka ba Maria! Kalimutan mo na yang si Ibarro, hindi naman nag-eexist yan eh. Burado na siya sa mundo."- Lumukot ng tuluyan ang mukha ni Maria. Nagpaalam na lamang ito na magpapahinga na dahil may klase pa siya bukas.


NAGSUSULAT ngayon si Maria ng activity na pinagawa ng professor niyang si Miguel, nang dumaan ito sa gilid niya at huminto, nailipat si Maria sa pinaka-likod dahil sa kagustuhan ni Miguel. Nagsusulat si Maria at hindi napansin si Miguel dahil titig na titig ito sa papel. Tinignan naman ni Miguel si Maria habang naka-tayo ito at kitang-kita niya ang cleavage ng dalaga, nakaramdam kaagad ito ng kakaibang sensasyon at nag-init ang ulo nang maisip niyang may ibang nakakita nito.

Yumuko ito at nagulat si Maria dahil nasa harapan niyang muli si Miguel.

"Fix that or else I'll fix it for you."- Bulong ni Miguel tska tinignan ang bandang dibdib nito. Napansin ito ni Maria tska inayos ang damit, luminga siya sa paligid at lahat ay naka-yuko at busy sa pagsagot. Ngumisi si Miguel at laking gulat na lamang ni Maria ng humalik si Miguel kay Maria tska ito lumakad papuntang harap.

'My favorite lips fuck! What the hell is happening!?'- Sa isip ni Miguel.

Nakatitig lamang si Maria sa likod ni Miguel, napa-hawak siya sa labi niya at nakaramdam ng kakaiba sa loob niya, nakikiliti siya.

Napa-kagat siya sa ibabang labi.

'A-Anong nangyayari sa akin?'- Sa isip ni Maria.

***

Kyaah, nawawala na ba ang pagiging Maria Clara niya? Haha

Next Chapter ...


Modernong Maria ClaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon