Part 4

151 4 1
                                    

Pagpasok ko palang sa school nakaabang na agad si Vince sakin.

"Sabihin mo sakin, kilala mo ba si Kier Hance? Magkakilala ba kayo?" halos lumuwa yung mata nya sa sobrang excited sa isasagot ko

"Oo." 

"Talaga?! Yes! magiging kaibigan ko na din si Kier!"

"Ano?! Magkakilala lang kami. Hindi kami magkaibigan" Naputol ang pag-uusap namin ng dumating na yung professor namin sa Geology. 

"Before anything else. You have a new classmate." syempre excited na lahat. 

"Lalaki po ba? sanaaa" sabi naman ni Krystal.

Maya-maya pumasok na yung bago naming classmate. 

"Hi. I'm Kier Hance." Yun lang ang sinabi nya, pero parang gumuho ang mundo ko. Naiiyak na naman ako. 

Nag volunteer si Vince na umupo sa tabi nya si Kier, kaya ayun magkatabi sila. 

Pagkatapos ng klase, pinuntahan ko si Kier at dinala ko sya sa may terrace ng school. 

"Nananadya ka ba? Anong ginagawa mo dito? Gusto mo ba talagang sirain ang buhay ko!"

"Hindi. Gusto kong patawarin mo ko."

"Hindi ganon kadali yun! Umalis ka nalang dito! Wag ka na saking magpakita!"

"Ano bang kinakatakot mo?"

"Yung nangyari! Pag nalaman nila ang nangyari satin, pano pa ko makakaharap sa kanila! Anong iisipin nila sakin?" bigla nalang akong napaiyak, pero bigla din nya kong niyakap.

"Bakit kailangan mong isipin ang sasabihin ng ibang tao sayo? Ang mahalaga kilala mo kung sino ka talaga" umalis na ko sa pagkakayakap nya.


Hanggang sa bahay hindi pa rin ako makapaniwala na araw araw ko ng makikita ang pagmumukha ng lalaki na yun. Gusto ko syang sirain, gusto kong magulo din ang buhay nya. 

"Sei, kanina ka pa tulala dyan" napatingin ako kay mama. Kahit stepmother ko sya, nasanay na din akong mama ang itawag sa kanya. 

"Sei..patawarin mo ko hah? Hindi ako naging mabuting stepmom sayo. Pinangako ko dati sa papa mo bago kami ikasal na aalagaan kita at ipagtatanggol, pero hindi ako naging mabuti sayo." 

"Hindi po. Naiintindihan ko naman kung bakit hindi nyo na tinuloy yung kaso. Ayaw nyong makulong si papa sa utang nito sa Hance family, kaya inurong nalang natin yung kaso ni Kier, kaya hindi natin nabigyan ng hustisya yung ginawa sakin ng lalaki na yun."

"Patawad anak. Pagbabayaran din ng Kier na yun ang ginawa nya sayo."

Ngumiti lang ako. Siguro oo, pagbabayaran din nya ang ginawa nya sakin. Sana.

"Ah may sulat pala para sayo." May inabot saking letter si mama. 

"Kanino po galing?"'

"Walang sinabi yung messenger e. Buksan mo, baka nandyan nakalagay kung sinong nagbigay." 

Binuksan ko na.

It's another challenge! Hope you pass it and start a new day with smile :)

the fairy boy

"Sino ba tong fairy boy na to? Pero salamat na din sa kanya, pinapalakas nya ko" hindi ko alam, pero pag nababasa ko yung sulat nya napapangiti nalang ako. 


Pagpasok ko palang sa school nakita kong kinakausap ni Vince si Kier at tawa sila ng tawa. kelan pa sila naging close?

"Hoy! Ms. Sandoval!" 

"Danica?! Bat ka absent kahapon? hindi mo tuloy nabalitaan."

"ang ano?"

"Classmate na natin si Kier."

"Kier...? KIER HANCE??!!! YUNG GUMAWA SA..." hindi ko na pinatapos yung sasabihin nya. Tinakpan ko yung bunganga nya.

"Wag kang maingay! wala dapat makaalam nun."

"Pano pag sinabi nya?"

"Hindi naman siguro. Kapag ginawa nya yun..sya na talaga ang pinakamasamang hayop sa buong mundo"

"Sei! Danica!" Napalingon kami pareho sa sumigaw. Papalapit na si Vince at kasama nya si Kier.

"At sino naman yang kasama mo Vince?" halata ang pagkainis ni Danica kay Kier

"Si Kier Hance ang bago nating classmate at bago din nating kaibigan" masayang sabi ni Vince. Pano kaya pag nalaman nya ang kahayupan ng pinagmamalaki nyang kaibigan?

"Don't us Vince. Hindi kami makikipagkaibigan sa rapi..." pinutol ko na ang sasabihin ni Danica

"Halika na! male-late na tayo sa klase" hinila ko na si Danica at nauna na kaming dumiretso sa room.

Umupo na kami, tahimik parin si danica at halatang inis na inis na.

"Hindi mo dapat sinabi yun. Hindi alam ni Vince ang nangyari."

"Sorry. Naiinis lang talaga ko e! Ang kapal ng mukha nya! Sei pano mo nakakaya to?"

"Kinakaya ko. Ayoko ding makita ang mukha nya, pero wala e. Susunod at susunod parin yan."

"Hoy Danica, bat mo naman ginanon yung tao? Hindi mo man lang inisip na masasaktan yun kase ayaw mong makipagkaibigan sa kanya" bigla bigla nalang sumusulpot tong vince na to -_-

"Wala akong paki! Ayoko sa kanya! atsaka pwede ba umalis ka nalang dito! Kung gusto mo pumunta ka nalang sa mars at dalhin mo na yung bestfriend mong si Kier!" 


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon