Chapter 13 - Kidnapper

950 16 4
                                    

CHAPTER 13

- - - KIDNAPPER - - -

[Zeki's POV]

Wait.. Is that Chelly?

I thought bukas pa siya papasok? Bakit nandito siya sa labas ng back gate?

May tinataguan ba siya?

Papasok na sana ako nang may daanan pa akong store dito sa likod ng Mary Magdalene High.

Kaysa naman umikot pa ako ulit, I decided na sa back gate na lang pumasok.

Bigla kong naalala si Chelly. Kamusta na kaya siya? Sabi ni Anton, sa thursday pa daw siya papasok.

I've heard the reason din kung bakit siya nagkasakit. Siraulo talaga 'tong si Justin. Wala na namang magawa sa buhay. Pinagtripan na naman ang kawawang si Chelly. To the extent na umabot pa sa pagkakasakit niya ah. Mokong na yun..

Anyways, naisip ko na mangamusta. I was about to dial her number nang magulat ako at makita siya sa likod ng puno at may kausap din sa phone niya.

Magaling na ba siya? Bakit siya nandito?

Tapos bigla siyang lumabas sa puno. Naglakad siya at nagpakita sa isang lalaki na nakatalikod..

Humarap yung guy at....

at.....

at.....

Justin!?!

Teka nga... Ano bang merun? Nako.. Magkasama na naman sila. Baka kung ano namang gawin ng lalaking 'to.

Meters away from them, I decided na lumapit. Bigla-biglang may humintong kotse kaya napatigil ako.

Then biglang pumasok si Chelly sa loob. At sumunod din si Justin. Tapos umalis na yung kotse.

O-oka-a-y? What was that?

Gymnasium: PE Class (2:00 pm) 

Wednesday

"Haaayy.. I badly miss her.." (Kriska)

"Ako ba, hindi mo namimiss?" tapos nagpaawa effect si Aljen.

"Stop it Aljen! Paano kita mamimiss, araw-araw kang nakabuntot sa akin!?" (Kriska)

"Ouch.. Tagos yun.. Waaaahh.. Ayaw mo talaga sa akin ;("  tapos nagwalk-out siya.

"Hoy.. Hindi yun ang ibig kong sabihin...!" sigaw ni Kriska.

Wondering why kasama ko sila?

Every PE Class, magkasama ang klase ng Archimedes and Bernoulli. Classmates ang dalawang ESEP sections tuwing MAPEH time.

"Hahabulin ko ba 'yun?" (Kriska)

"Wag na.. Babalik din yun. Di ka na nasanay. Lagi kang iniiwan bigla nun di ba?" tapos napatawa ako.

"Oo nga. Tama si Zeki. For sure mamaya ayos na ka'yo nun na parang walang nangyari.." (Janina)

"Nice one.. Kilalang-kilala.."

"Ex niya eh. Wahahahaha!!" (Art)

"Shut up Zeki and Art! Hindi kayo nakakatulong 'di ba naman?! Si Kriska yung bida dito 'di ba?" (Janina)

"Sus.. Kahit naman papaano nagustuhan mo yun.. Sa'yo na lang siya ulit?" (Kriska)

Then biglang kinurot ni Janina si Kriska sa braso.

My Lovergay (On-going Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon