Chapter 3 - The Gay meets the Princess

1.3K 23 5
  • Dedicated kay Jaxzie Myrrh Garcia
                                    

CHAPTER 3

- - -THE GAY MEETS THE PRINCESS - - -

[Justin's POV]

It's a bad day to start the week. 

Napalabas ako ng classroom sa last subject namin, ICT. Isa ring terror teacher si Ms. Corpus a.k.a Ms. Carpa eh. By the way, Ms. Carpa ang nickname namin sa kanya. 

Nakakatakot siya na nakakabuwisit. Lahat yata kami sa section namin eh may galit sa kanya. Grabe makapagbigay ng assignments. Halos everyday merun ka nyan. Projects din malupit. Kapag hindi niya nagustuhan, ipapaulit niya. Leche. Kakainis.

So bakit nga ba ako napalabas? 

Supposed to be, sa Computer Laboratory dapat kami magkaklase. Nasurpresa kami nang magklase si Ms. Carpa sa classroom namin. Kainis talaga siya. 

Nabadtrip ako nung sa classroom siya magklase. Kala ko kasi may ipapagawa sa Photoshop eh. Ready pa naman din ako. Wala, naglecture ang bruha. 

Hindi ko trip makinig kaya tumitig na lang ako sa bintana. Iniisip ko yung nangyari kaninang pagkatapos ng breaktime.

                                  "Ang ganda mo kapag nakaheadband...." (Zeki)

"Tss.. Maganda? Maganda mo mukha mo..." 

"Hoy.. Ano na naman yan? Nagsasalita kang mag-isa? Aning 'to." (Kriska)

Si Kriska, seatmate ko. Isang GG yan at BESTFRIEND nung maarteng Chelly na yun. 

"Huh?! Wala ah.. Wag mo na lang akong intindihin.."

Nasabihan lang siyang maganda, nagpacute na kaagad sa harap ni Zeki. Pakaarte talaga. Akala ba niya maganda siya kapag nakaheadband? Di noh.. 

Well.. Actually.. Maganda nga siya.... PERO KONTI LANG. KONTI LANG TALAGA. Mga.. 5% WAHAHAH.!!

"Ah.. Kriska.." 

"Yes?!" (Kriska)

"Yung kaibigan mo... si ano.." 

"Sino sa kanilang walo?" (Kriska)

"Yung maarte.. Si Chelly. Ganun ba talaga yun?!"

"Maarte ka diyan.. Sumbong kita.. Sama ne'to. If I know.. Mas maarte ka pa.." (Kriska)

"Ano?!" 

"HAHAH!! Joke lang.. 'To naman.. Di mabiro.. Anong ganun lang talaga siya?!" (Kriska)

"Laging nakasimangot.. Parang laging badtrip.. Lalo na kanina. Pinalo pa ako nun. Sinabihan ko lang na baka mahulog yung mga mata niya.. Kasi nakatingin sa 'kin nang masama.. Wala naman akong ginagawa.."

"AHEM!!" (Ms. Carpa)

SHIT! Lagot ako. SI CARPA!!

"Mr. Reyes? Mukhang hindi ka na naman interesado sa klase ko.." (Ms. Carpa)

"Ma'am.. Hindi naman sa ganoon.." 

"AHH.. HINDI SA GANOON!? Baka sa labas maging interesado ka.." (Ms. Carpa)

"Pero Ma'am.."

"LABAS!!!" (Ms. Carpa)

 ANDAYA! Bakit ako lang? Kadaldalan ko rin naman si Kriska ah.. BWISIT NA TEACHER TO. May favoritism.. Porke nanalo lang si Kriska ng 2nd Place sa Webpage Making.. Bwisit. Pakaduga. Pfft.

Ako lang tuloy ang napalabas. 

Pagkalabas ko.. NAKITA KO YUNG BABAENG DAHILAN KUNG BAKIT AKO NAPALABAS. Bakit naman kasi siya pa ang mapagkukwentuhan eh. Nako naman oh.

As usual, napakaarte niya.. AT ANG SUNGIT SUNGIT SA AKIN. Wala naman akong ginagawa ah.. Ano bang kasalanan ko sa kanya?

Niyaya kong maupo na lang sa sahig dahil halos isang oras pa kaming maghihintay na lumabas yung mga teacher namin. Kaso ayaw niya. PAKAARTE. Ano bang merun sa sahig? Magkakasakit ba siya dahil sa germs sa sahig? PUTEK!

Kung hindi ko pa hinila, hindi pa yun bibigay. Buti nga at naupo na rin kung hindi isang oras ko pa siyang maririnig na magngangangawa. 

Tinanong ko siya kung bakit parang ang laki ng galit niya sa akin.. YUNG SAGOT NIYA NAKAKATUWA! Lalo pang nagalit. PUTEK.! Saang planeta ba 'to nanggaling at ganyan ang ugali niya. Nagagalit nang walang dahilan.

 Hinayaan ko na lang siya at nagsoundtrip na lang ako. Buti nga at nadala ko yung cellphone at earphones ko eh.

Nung nagsosoundtrip ako, napansin kong tumigil siya. Nakaupo lang siya dun.. Tahimik.. SALAMAT NAMAN SA DIYOS. Akalain mo ngang may pahinga din pala ang bibig niya.

Bumalik na kami sa kanya-kanya naming mga classroom nung lumabas na yung mga teacher.

"TEKA! Justin.." (Chelly)

ANO NA NAMAN BANG SASABIHIN NIYA?

"Sorry nga pala.. Dun sa kanina... Badtrip lang talaga ako.. Di ko sinasadya." (Chelly)

Sorry...WHAT?!

Tama ba naririnig ko?! HAH! Nagsosorry siya sa akin oh. Akalain mo nga namang marunong din magsorry tong babaeng 'to.

Dahil sa natuwa naman ako sa ginawa niya, nginitian ko na lang siya. 

"Okay lang 'yun.. Pumasok ka na rin.." 

Nauna na akong pumasok ng room sa kanya. 

PERO HINDI PA RIN AKO MAKAPANIWALA EH. May kabaitan pa rin pala sa maarte 'to. Akala ko PURONG KAMALDITAHAN lang eh.

"Oh 'dre.! Kamusta sa labas, hah? HAHAHA!!" (Aljen)

Tapos nakipag apir siya sa akin. Loko to. Lakas pa mangatyaw.

"Ewan ko sa'yo.!" 

Napatingin ako bigla kay Kriska at napansin kong iniwas niya yung tingin niya sa akin.

HAH! Sabi ko na nakokonsensiya din to eh. Dapat kasi siya rin napalabas eh. Kadugaan ng Carpang yun.

Nilapitan ko si Kriska.

"HOY!" 

"ANO?! Di ko kasalanan yun ah.! Nauna kang makipagdaldalan sa akin eh.." (Kriska)

Tapos tumalikod siya bahagya sa akin.. Parang may binubulong..

"Kalalaking tao kasi nakikipagdaldalan. Sabagay.. Hindi ka nga pala lalaki.. Hihihi.." (Kriska)

"Uluts.! Ako bakla? Asa ka.."

"UMAASA KAMI.." (Aljen, Anton, Nigel, Borj)

AY PUTEK.!! Kanina pa pala sila sa likuran ko.

Parang hindi kaibigan tong mga 'to.. SIGE MANG-ASAR PA KAYO. Lakas pa ng mga tawa nila.

"Siraulo!!" 

Tapos nagtakbuhan silang apat. 

Hindi ko na lang sila pinatulan. Lakas nilang mantrip eh. Ganyan naman sila lagi. Kahit na sigurado naman akong lalaki ako....

Na parang hindi?!

HAHAHAH!! At syempre JOKE lang yun. Ako pa?! 100% to.

My Lovergay (On-going Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon