Chapter 26.1

774 8 13
                                    

CHAPTER 26.1

 - - - B-BALL DAY - - -

[Chelly's POV]

"MY GOD Chelly! Bilis!" (Charlene)

Haaaay! Shet! Hinihingal na ako!

"Bilisan mo pa!" (Charlene)

Baka akala ninyo Marathon na. Hahaha. Hindi pa. Isa lang 'tong simpleng sitwasyon kung saan makikita ang kabagalan ko.

"Bilisan mo! Anong oras na eh..!" (Charlene)

"Teka lang teh!" tapos hinawakan ko yung chest ko to catch my breath. "Hi-hini-hinihingal na ako eh.. Di ko na kaya!"

"Haaaay ewan ko sa'yo! Kayanin mo pleeeeease..." (Charlene)

Nagtataka ba kayo kung bakit kami nagmamadali?

September 9 kasi ngayon. Schedule ng Basketball Competition ng Mary Magdalene High versus St. Claire Academy ulit.

Nitong Wednesday lang din ginanap ang Swimming Competition and sad to say, Hillsborough High School ang nanalo.

So now, since B-ball Day, todo support ang girlfriend. Eto nga oh, galing kaming Convenience Store para bumili ng kahon-kahong bottled water all for one person. OA noh? Hahaha.

"OA ka diyan! Naririnig kita! Eh kung bilis-bilisan mo na ang pagkilos di ba..." (Charlene)

"Sus.. Excited ka lang talaga. Mamaya pa naman yung laro 'di ba, bakit ka ba nagmamadali?"

"Eh basta! Wag ka nang magtanong.. Bilisan mo na ang paglalakad.." (Charlene)

"Mabigat kaya 'tong dalawang kahon ng bottled water di ba naman? Sana kasi sa LC ka na lang nagpasama bumili!"

"Haaay! Nako! Nakakainis! Ginawa ko na yan kanina pero ni-isa walang pumayag. May gagawin daw silang mahalaga... Kainis!" (Charlene)

Mahalaga? Ano namang mahalaga yun? May mas hahalaga pa ba sa pagtulong sa isang babae o pagpapakita man lang ng kahit konting pagka-gentleman? Grabe!

Pagkadating namin ng school, marami ng tao sa Gymnasium at nagsisidatingan pa yung iba.

"Tignan mo nga.. Kung hindi mo pa binilisan, baka natapos na yung laro bago pa tayo nakarating.." (Charlene) then nilapag na niya yung mga dala naming box ng bottled water sa pinakataas na level ng bleacher. Dito na lang kasi ang space na hindi pa occupied.

"Bakit ngayon lang kayo?" (Yvonne)

Tinignan ako nang masama ni Charlene then nag-smirked. "Eh kung may kasama ka ba namang pagong eh.."

Ang sama.. Grabe! Di na lang siya nagpasalamat na sinamahan ko siya.. Tssss.

"Ay nga pala, maiba ako.. Nasaan ang LC?" (Charlene)

"Ewan ko nga din eh. Si Aljen kanina pa nagpaalam sa akin na may gagawin daw siya. Di naman sinabi kung ano.." (Kriska)

"Charot teh ah.. Nagpapaalam sa'yo. Hahahaha!"

"Parang baliw nga yun eh.. Eh bakit, yung Justin mo.. Hindi ba nagpaalam sa'yo?" (Kriska)

"Tumigil ka nga! Justin ko? Hindi siya sa 'kin at lalong hindi ako sa kanya!"

"Okay..okay.. Easy! Puso mo malaglag.." (Kriska) "Ay, speaking of Justin.. Ayun siya oh.." then tinuro niya yung pinto.

Oo nga. Paparating na ang LC. At mukhang tanga si Justin na kumakaway dito sa direksyon namin. Ano ba yan? Artista ka?

"Kyaaaaaaaaah! Ang gwapo niya!"

"Tayo ba ang kinakawayan niya? Oh emm gieee!"

"Marami pa lang gwapo dito!! Dapat dito na tayo nag-aral eh! Kyaaaaaah!"

A-ano d-daw!?

HAHAHAHAHAHA! Laughtrip 'tong mga babaeng 'to na taga St. Claire ah.

"Uy teh.. Ikaw yata yung kinakawayan ni Justin oh.. Kawayan mo din.." (Yvonne)

Tinignan ko siya at mukha ngang ako ang kinakawayan niya. Kung todo ngiti pa ang bakla. Ano namang nakain nun at ganyan siya?

Imbes na kawayan, inisnab ko lang. HOHOHOHO. Yeah, ako na mean.

Nung tignan ko siya ulit, paakyat na siya sa bleachers.

"Hoy, bakit ang sungit mo ah?" (Justin)

"Ahhh.. Cutie.. Hi!" sabi nung isa sa mga babaeng taga-St. Claire na nasa harap namin then ni-reach out niya yung kamay niya. "Angel nga pala.."

"Ako naman si Louise.." sabi nung isa pa.

"Nice to meet you Angel," tapos nakipagshakehands siya dun sa Angel. "Justin naman name ko," sabi niya dun sa Louise.

Hmmmmp! >.< Kainis! Parang kanina lang ako ang kinakausap niya tapos may nagpakilala lang na babae inignore na niya ako!? Asar!

Hinila ko yung kwelyo ng uniform niya tapos pinaupo siya sa tabi ko. Nagulat naman yung mga babaeng taga-St. Claire sa ginawa ko. In return, nginitian ko lang sila.

Nag-smirk sila then tumalikod na sa amin.

"Ayy.. Sayang! May girlfriend na pala.." bulong nung Louise sa Angel.

Tse! Kala niyo di ko kayo naririnig?!

"Ay sus.. Nagselos naman si maarte..." (Justin)

"Selos your face!" then I crossed my arms. "Ayoko lang nang nakakakita ng mga naglalandian sa harap ko. So ewww. Sa labas ninyo gawin, okay?"

"Kunwari ka pa eh! Ayos lang yan. Di naman kita ipagpapalit eh.. Tsaka..." then nilapit niya yung bibig niya sa ear ko then whispered, "Nagkiss na tayo di ba?.."

W-WHAT T-THE HECK!?

Yuck! Nagkiss!? It wasn't intentional! Labag sa loob ko yun!

Sinuntok ko yung tummy niya.

"Aray ko! Sikmuraan daw ba ako!?" tapos napahawak siya sa tiyan niya.

Hehehehe.. Di naman malakas yun eh! Ang arte niya! Ang exagge ah!

"Justin! Halika na!!"

Napatingin kaming dalawa sa direksyon ng sumigaw and that was....

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[A/N]

Bitin muna :D HAHAHA :P Tomorrow, promise :D 26.2 bukas ! Hohoho.

Ayun, just wanna say hi sa mga readers :D HAHAHA. Alam ko si ThisGirlYouHate at si Heartthief lang yun. hahaha :D Hi mga teh! Miss ko na kayow. :D

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

My Lovergay (On-going Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon