CHAPTER 4 - Kilig moment sa falls

1K 29 0
                                    

Narating na rin nila ang kinatatayuan ng bahay nila Hector.

May kalakihan nga ang bahay, ngunit makaluma ang desenyo na animoy minana ng kanilang Pamilya.

Reggie: "ba't dito kayo nakatira Hector?" Takang tanong niya habang nasa labas pa sila ng hause na iyon.

Hector: "Minana pa ni Lola ang bahay na iyan sa kanyang Lolo, sayang naman kung hindi namin mapapakinabangan,"

Trisha: "Kaninong bahay naman 'yung nasa kabilang dako," sabay turo niya sa bahay na iyon.

ang dalawang bahay ay may pagitang ilog, ngunit may tulay naman iyon.

Hector: "Ahh 'yun ba!, bahay ng Tito Ador ko at ang asawa nyang si Tita Delia."

Shane: "Hindi ba kayo natatakot rito?, at bakit wala kayong kapitbahay?!"

Hector: "Noon meroong naninirahan rito, ngunit dahil sa unti-unting dumarami ang naninirahan dito sa Sta Monica, eh nagsilipatan na sila roon sa mataong lugar.
Halikayo sa taas at ng makapagpahinga muna kayo."

at Umakyat sila sa bahay na iyon.

Hector: "Lola, si Trisha po pala!, 'yung kababata ko noon, na kapitbahay natin sa San diego."

Habang nakahiga ang matanda sa kanyang Kama.

At tinitigan ng malalim ang Limang Girls.

Trisha: "Lola!, kumusta na po kayo!."

Manang Corazon: "Mabuti naman mga iha, ito't nirarayuma na naman akot inuubo!"

"Kayo!, Kumusta na kayo!, aba't anlalaki niyo nah," habang patuloy pa ding nakaratay sa kanyang kama ang matanda.

Lumapit si Trisha at hinalikan ang matanda, gayun din ang mga kasamahan nya.

Matapos silang makapagkumustahan ng saglit ay sinabi nila sa kanya ang kanilang pakay.

Manang Corazon: "Aba'y pagpasensyahan niyo na muna ako ahh!, baka mamayang gabi ko pa kayo matulungan sa inyong kailangan."

Trisha: "Ganoon po ba Lola!, wala pong problema."

"so Hector, mauna na kame upang makapaghanap ng hotel o Lodging house na matutuluyan namin," pamamaalam niya sa binata.

Manang Corazon: "Dito na kayo magpagabi iha! May bakante pa namang silid rito," paanyaya nito habang bakas sa mukha ang pagnanais na doon sila magpagabi.

Trisha: "Wag na po Lola, nakakahiya naman sa inyo," tanggi niya rito.

Manang Corazon: "Abay ba't ka pa nahihiya, eh para mo na akong tunay na Lola."
'Di ba't noong mga bata pa kayo, eh madalas kayo noon sa bahay ko, minsan pa'y nakatulog kayong magkasama ni Hector sa kanyang silid diba?!"

Shane: "Couzz may ganoon!?, ba't hindi mo man lang chinika sa amin?!" biglaan niyang tanong.

Siniko na lang siya ni Trisha, upang matigil.

Reggie: "Girl! May nangyari ba?!," nakangiti niyang tanong.

Trisha: "isa ka pa! Magsitigil nga kayo! Nakakahiya kay Hector!," panggigigil niyang bulong sa dalawa.

"Gosh naman si Lola oh, napakatsismosa, pinakaiingatan ko ngang lihim, ibinulgar pa", inis niyang wika sa sarili.

Habang nakangiti lang si Hector na nakatingin sa kanya, dahil dinig niya ang ibinulong niya't sinabi ng dalawa.

Nagtama ang mga mata nilang dalawa, ngunit kaagad umiwas si Trisha.

para kasi siyang natutunaw.

PAMILYA DE KANIBALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon