CHAPTER 13 - Pagkasawi ni Hector

914 16 0
                                    

Pumasok si Reeza ulit, na may dalang malaking Plastic na may takip.

At inilagay sa gitna ng Lamisa, kung saan niya kinatay si Reggie.

Habang nakakalat pa din doon ang dugo ng kaibigan ni Trisha.

At kanyang Hinila ang mahabang upuan at inilagay sa harap ng Lamesa.

habang panay ang masid ni Trisha at Leslie ukol sa ginagawa ng babaeng ito.

Reeza: "Hector! Ilabas mo na ang babaeng iyan," sabay hagis kay Hector ng Susi ng bakal na Rehas na iyon.

Halos magkandarapa naman sa paggalaw si Trisha at Leslie na makalabas sila agad sa kulungang iyon.

Muling lumabas si Reeza.

At kaagad hinablot ni Hector ang Susi na nasa sahig.

At mabilis na ipinasok sa kandidong iyon.

At tuluyan na nga niyang nabuksan ito.

Humakbang na ang dalawa upang lumabas.

nanabik na silang makatakas sa impyernong lugar na ito.

Nang biglang bumukas ulit ang Pintuan.

Natigil si Trisha at Leslie sa gulat habang nakatanaw sa kinatatayuan ni Reeza.

may hawak-hawak itong mahabang Palakol.

Kumabog ang kanilang dibdib, at natigil sa pananabik na makalabas, bagkus isa na namang panganib ang susunod sa kanila, 'yun ang kaagad pumasok sa utak nila.

Reeza: "Ooooppss! Si Trisha lang ang maaaring lumabas!" wika niya.

Trisha: Ahh! B-b-bhakit?" taka niyang tanong. at napatitig na lang siya kay Hector.

tila nagtatanong kung ano ang gagawin sa kanila,Pero umiiwas ang binata sa mga titig nito.

Kaagad itinuon ang tingin sa kanyang kapated.

Takot na takot si Leslie habang pumapatak ang mga Luha.

Labis namang naawa si Trisha sa kanyang kapated, Ngunit batid niyang siya ang nanganganib.

Tila maglalaban sila ng babaeng mamamatay taong ito, 'yun ang pinuputak ng kanyang utak.

"Dapat ko siyang talunin!, para sa kaligtasan namin," matapang niyang wika sa sarili.

kahit 'di niya alam kung paano.

Kanyang tinitigan ang kapated,
Umiiyak ito, bakas na bakas ang takot sa mukha.

muling pumatak ang mga luha niya
at mabilis na niyakap ng mahigpit ang kapated.

Trisha: "Leslie!, Tandaan mo! Mahal na mahal ka ni Ate ahh! Lahat gagawin ko, upang maitakas ka lang dito, kahit buhay ko pa ang kapalit," madamdamin niyang wika sa Kapated.

Leslie: "Ate mag-iingat ka sa kanya ahhh."

muling tinitigan si Hector, samantalang hawak ni Hector ang Pintuan na iyon.

Tila 'di rin niya hahayaang makalabas ang dalawa.

Ayon na rin sa kakasunod niya sa nakakatanda niyang kapated.

Ngunit 'di maipinta ang mukha ni Hector,
Tila gulong-gulo ito.

Binuksan ni Hector ang Pintuan upang makalabas si Trisha, at kaagad hinila ni Trisha si Leslie, upang maisama niya sa paglabas.

Nang biglang umalingawngaw ang isang Putok.

Thhhoooonngggg!....

kaagad sila natigil, at tiningnan si Reeza.

PAMILYA DE KANIBALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon