Agad na umakyat ang tatlong babae para kunin ang kanilang mga phone at wallet. Nahuli namang bumaba si Jane dahil hinanap niya pa ang wallet niya.
Nang makarating sa sasakyan ay nagulat siya sa pwestuhan nila. Silang dalawa ni Tyrone ang magkatabi. Dahan-dahan siyang naupo sa tabi nito at agad na kinuha ang phone para madistract ang sarili.
Hindi naman ganon kalayo ang Starbucks kaya nakarating din sila kaagad. Umupo sila sa terrace para makita ang view.
Palubog pa alng ang araw kaya kitang kita ang Taal Volcano mula sa kinauupuan nila. Nawala naman ang tingin nila sa tanawin nang magsalita si Marco.
"Oh! Amin na ang pera, ambagan na to oh! " pag iiskandalo niya kaya napatingin naman ang iba sa kanya. Agad naman siyang hinila ni Jasper paupo. "Manahimik ka naman pre" saway nito.
"Sorry na, diba ganon naman lagi? Ambagan? " pagdedepensa niya sa sarili. "Oo, pero di ganon ka ingay" sagot naman ni Jasper at napa tango nalang si Marco.
"Ako na ooorder, ano ba sa inyo? " tanong ni Jabe kaya sinabi nila ang order nila. "Ops! Teka lang! Chill, mahina ang kalaban" saway nito nang magsabay sabay na ang daldal nila.
Matapos ang ilang minuto ay natapos na rin sila sa paglista at pagbigay ng pera para sa order nila. Bumaba naman si Jabe kasama si AC para mag-order.
Nangpicturan naman ang tatlong babae para may maipost sa social media nila. Matapos ang ilang minuto, dumating na ang order nila, bitbit nila Jabe at AC.
"The best talaga ang strawberries n creams nila" sabi ni Marco nang makasipsip na siya na kanyang inumin. "Iba parin lasa nung sa Coffee Project" pangongotra naman ni Jasper.
"Hindi talaga pwedeng di mo siya kinokontra e no? " singit naman ni Andrea kaya natawa sila. Nanahimik naman si Jane at Anna, dahil ayaw nilang matalo sa laro.
Habang nag-uusap sila ay biglang nagbago ang mukha ni Jasper, napansin naman iyon ni Jane kaya tinignan niya ang tinitignan ni Jasper, pero hindi niya alam kung sino.
"Wait lang mga pre, babalik ako" sabi nito bago nagmamadaling tumayo. Nacurious naman si Jane sa insal ng kaibigan kaya niyaya niya si Andrea na samahan siya.
"Huwag mo naman akong kaladkarin" pagmamakaawa ng kaibigan nang makalabas sila ng SB. "Need kong kaladkarin ka kasi need natin to catch up with Jasper"at hinanap ng mata niya si Jasper. "Infairness, improving" sabi ni Andrea.
Nakita niya si Jasper sa hindi malayo. Nakatayo lang habang nakatingin sa isang babaeng nakaupo sa bench.
Akamang lalapitan na ni Jasper ang babae nang may batang tumakbo papalapit sa kanya. "Mommy! " natigilan si Jasper sa narinig.
'What the hell? '
Takang-takang si Jasper sa narinig. Limang taon na ang nakalilipas, paano nangyaring may anak na siya? Gulong-gulo na siya samantalang ang dalawa naman ay nakatingin lang sa kanya.
"Jusko naman Jasper! Pati ba naman may anak pagnanasaan? Kakaloka! " sabi ni Andrea. "Tara na Jane" yaya nito sa kaibigan pero pinauna lang siya.
Nang makaalis si Andrea ay bumalik ang tingin ni Jane kay Jasper. 'There must have been something between them in the past' isip ni Jane habang pinagmamasdan ang kaibigan.
Ilang minuto pa ay napagdesisyonan na ni Jasper bumalik. Nagulat siya nang makita si Jane, di malayo sa kinatatayuan niya.
"Nakita mo yun? " nahihiya niyang tanong kay Jane sabay iwas ng tingin. "Yeah, pero dont worry. Di ako mag tell sa iba" sabi ni Jane.

YOU ARE READING
Diary ng Bitter
Teen FictionMary Jane. The girl with many break ups. Broken from her recent break up she came back from America, she met her brother's friends and met new friends. Especially, Tyrone. The guy who accused her on her first day in the Philippines. He is a friend o...