Chapter 1 - Bullied

180 7 4
                                    

"Guys! Look Cynth is here!"

"OMG! Hello Witch"

"You're so cute Cynth, you look like our dog"

Here we go again... Bullies everywhere.
"Cynth, regalo ko sayo para naman sa tana ng buhay mo maranasan mong pumuti" lumapit sakin 'yung babae at binuhusan ako ng harina.

Ang aga-aga naligo ako ng sanda-makmak na harina. Hayst.

Wanna' know why kung bakit nila ako binu-bully? Because, I'm Cynth Rhyan Arquez. A Nerd.

"Heto Cynth oh, dahil mabait ako at gusto kong matulungan ka" binuhusan n'ya ako ng carrot juice. "Ooops... Para sa mata yan eh, gawa pa mo yan ng Nanay ko. Sayang naman duling ka parin. Hahaha!"

Harina plus carrot juice. Nice, perfect combination.
Nanatili nalang akong nakatayo habang sila ay pinagtatawanan ako. Nagbato pa 'yong iba ng mga kamatis at itlog. May dalawang babae naman na binuhusan ako ng white sugar.

Ngayon balot na balot ako ng mga pinag-bababato nila sa'kin. Nararamdaman kong tutulo na naman ang luha ko. Sa tagal tagal ko dito? Bakit hindi ka parin masanay Cynth.

Lalakad na sana ako palayo, dahil natatakot akong umiyak sa harapan nila. Pero hinarang ako ni Athena. S'ya ang leader sa pangbu-bully sa'kin. Which means, s'ya ang laging nangunguna.

"Wait a minute Cynth. Hindi pa kami tapos, aalis ka-agad? Kailangan mong luminis kadiri ka kasi eww." Tinawag n'ya si James which is ang boyfriend niya na akala mo ay gwapo pero hindi naman. Feeling lang.

May dalang timba si James sa nakita 'kong 'yon alam ko na ang gagawin nila. Ibinuhos sa'kin ni James ang kalahating timba na ang laman ay pinag-hugasan ng mga isda. Malansa eh..

Para akong basang sisiw. So, they laugh and laugh and laugh. Mabaknal sana kayo sa sarili niyong laway.

"Hahahaha! This day rocks"
"Yeah, right. Oh! Cynth bakit hindi mo i-try maging artista. Palitan mo si Kokey since wala naman s'yang panama sayo hahaha!"
"Agree ako jan!"

Again, they laughed at me. Tumakbo ako para umuwi, I don't care kung mag cutting classes man ako ngayon. Ang baho baho ko na. I don't need a taxi since walking distance lang ang bahay namin.

"Anong nangyari sayo Mis--"
"Cynth nalang po Manang."

"Ikaw talagang bata ka. Ano na namang nangyari sayo at ang lansa lansa mo amoy kang isda."
"Nagluto kami Manang, tapos nabuhos sakin 'yong palanggana na pinag-linisan ng isda."
"Ay, jusko. Maligo ka na d'on. Wala ang Mama mo ngayon, may meeting ata s'ya at baka matagalan ang dating n'ya"
"Sige po Manang maliligo na 'ko"

Naligo na 'ko at nagbihis ng bagong uniform. Hindi ako pwedeng ma-late ngayon dahil may demo ang Teacher ko. Ako lang ang in-expect nila since ako lang ang sumasagot. Masarap mag-aral eh. Ano namang aasahan nila sa mga kaklase kong puro kagaguhan at pagandahan lang ang alam. Maganda n'ga kulang naman sa katinuan.

"Manang! Alis na 'po ako" Hindi ko na hinintay ang sagot ni Manang dahil baka ma-late lang talaga ako.

Tumakbo nalang ako dahil 15 minutes nalang ang natitira bago mag-start si Ma'am ng demo n'ya. Baka mapahiya s'ya pag-wala ako d'on.
Dumaan nalang ako sa likod ng school. Para hindi ako makita ng guard, wala namang mashadong dumadaan dito takot 'daw' kasi sila. May namatay dito na batang babae 'baka' daw multuhin sila. Pag' dumadaan naman ako dito walang nagpaparamdam. Sakin siguro natakot 'yong babae lol.

Nasa tapat na 'ko ng pinto bubuksan ko na sana pero nakaramdam ako ng kakaiba.
Tahimik, iba talaga kasi kami daw ang pinaka-maingay.

Stupids...

Hindi ako tanga para hindi malaman ang ginagawa nila.
Hindi na lang ako pumasok at sumandal sa dingding.

"Oh? Bakit nasa labas ka Cynth" narinig ko ang boses ni Ma'am Cate na paparating.
"Ang ingay po kasi sa loob. Konti nalang mabasag na eardrums ko" sagot ko sa tanong n'ya.
"Gan'on ba?" Tumango ako.

Dahan dahan naman n'yang binuksan ang pinto.
In a count of 1...

2....
3....

*splash*

Bumuhos ang isang bucket ng pintura sa ulo ni Ma'am Cate. Nagulat din ako dahil hindi ko akalaing pintura ang ilalagay nila.
Hindi ko maipaliwanag ang itsura ni Ma'am Cate, ang brown n'yang buhok ay nasakupan ng puting pintura. May bonus pa na 'yong bucket ay sakto mismo sa ulo n'ya.

Kita kong gulat ang mga kaklase ko. Para silang mga kuwago, ang lalaki ng mga mata nila lol. I know, they're expecting me but sad to say. Hindi ako tanga kagaya nila na puro perwisyo lang ang kayang gawin.

To be honest, I just want to laugh right know.

"ALL OF YOU! TO PRINCIPAL OFFICE! NOW!"

I smirked. I never taught my revenge would be this easy.

--
Nag-stay nalang ako sa canteen, wala ng demo demo lol. Dahil n'ga sa nangyari kanina. At dahil nga favorite ako ng Teachers at Principal heto ako, lumalaklak lol. Perks of being nerd.

"Masaya ka na freak? Seriously na-guidance kami dahil sayo"

Tumingin ako sa likod ko, guess what? Lahat ng kaklase ko nandito ngayon. Umuusok na ilong nila. Kasalanan ko ba? Kasalanan ko bang hindi ako tanga kagaya nila? Well, it's okay since they don't care at all.

"Kasalanan mo'to eh!"
"Oo nga! Kung ikaw sana ang pumasok ede hindi ako mapapagalitan ng Nanay ko!"
"Ang malas mo sa buhay namin!"
"Freak!"
"Witch!"
"Nerd!"

Sigawan nila sa'kin. Ako pa talaga ang may kasalanan. Hindi ko nalang sila pinansin at lumakad palayo. I don't need to waste my precious time.

"Ano ba!" Hindi ko inaasahang may mabubunggo ako. Wait! I know that voice. It's Dran, my crush. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang boses n'ya. Matagal ko na s'yang gusto dahil sa taglay n'yang talento.

Marami ding nag-kakagusto sakanya. Dahil gwapo s'ya, mayaman, cool, at sa mga talento n'ya. Ideal Boyfriend kumbaga. Pero hindi naman masama kung magkakagusto ang pangit na ako sakanya diba?

"I'm sorry Dran" sabi ko sakanya ng makatayo na 'ko.
"Ow, It's you our dearest NERD" in-emphasize n'ya talaga yung nerd. It's okay for me since gusto ko s'ya.

May ginawa akong letter, letter kung sa'n umamin ako na gusto ko s'ya. Kinalkal ko 'yon sa bag ko at mabilisang ibinigay sakanya. I don't care if I'm a nerd. Hindi naman bawal magka-gusto ang nerd diba?

"What's this? A love letter?" naka-ngisi niyang saad.
Tumango nalang ako bilang sagot. May hiya din naman ako, lalo na at si Dran ang kausap ko.

"Look guys!" Nagulat ako ng kumaway s'ya sa likod. Dahil sa curiousity tumingin ako at hindi ko inaasahang sina Athena ang mga nand'on.

B-b-bakit nandito sila? Sana mali ang iniisip ko sana mali ito.
"Si Nerd may binigay na love letter sakin. Hahaha!" Hindi ko inaasahang sasabihin n'ya y'on. Sa dami ng nasa likuran ko.

Iyong iba nandidiri, 'yong iba tumatawa at 'yong iba halos patayin na 'ko.

Tumakbo ako papalayo. I'm hurt! I'm not fine! Yes, I'm not. I can't imagine na ganito ang kakalabasan. Masama na bang magmahal? Porket nerd at pangit ako? Gan'on ba 'yon.

Naiiyak ako sa iniisip ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ngayon, takbo lang ako ng takbo. Pero sa dulo n'on naisip kong umuwi nalang sa bahay at mamahinga. I'm hurt. It's hurts. It really hurts.

Damn this life.

The Nerd's SecretWhere stories live. Discover now