Chapter 5 - Transfer

90 6 3
                                    

Pauwi na 'ko sa bahay, hindi ko alam kung anong ipapaliwanag ko kay Mama. What have I done!

Pagka-pasok na pagka-pasok ko sa bahay ay agad akong tinawag ni Manang. Pinapa-punta n'ya ako sa Library, nand'on daw nag-hihintay sina Mama.

Pumunta muna 'ko sa kwarto ko para magpalit ng damit.
Dumiretso agad ako sa Library ng matapos kong magpalit ng damit.

Kumatok ako ng tatlong beses, baka naglalandian sila charot. "Pasok" rinig kong sabi ng aking mabait na itay. Dahan dahan kong binuksan ang pinto.. Do you wanna build a snowman?

Nababaliw na naman ako dahil hindi ko alam ang ipapaliwanag ko. Huhuhu, yari talaga ako nito... Nakita ko na naka-upo si Papa sa swivel chair at nagkakape, samantalang si Mama naman ay naka-upo sa sofa at nagbabasa ng libro.

Nanginginig ang mga tuhod ko, ire-ready ko na ang tenga ko sa ratatatatat~ ni Mama. Huhu, napatigil sila sa ginagawa nila ng mapansing andito na 'ko. Biglang nag-seryoso ang mga mukha nila. Ayoko pang mamatay, Huhubels.

"Maupo ka Anak" mahinahong sabi ng aking mabait na Papa.
"Ano ang nabalitaan kong nakipag-away ka?" Tanong ng aking Mama. Hala hala, ayan na... Huhu, mahal kita eardrums ko.

"Eh Ma, Kasalanan naman ni--"
"Kahit na?! Hindi ka dapat nakikipag-away?!" Nagulat ako ng mapatayo si Mama sa upuan.
"Diba?! Sabi naman namin sayo na iwasan mo ang makipag-away?! Paano pag-nangyari ulit 'yong nangyari dati?! May magagawa ka ba?! Wala di--"
"Stop that Juliana." Malakas na sigaw ni Papa kay Mama. Hayst, Yung dati na naman.

"Actually, Ma and Pa...Na-na-na E-e-expel-led p-po a-ak-o" nanginginig kong sabi. Shukyshuky shockshock. Heto na! Ratatatatatat.

"WHAT?!" Sabay na sabi ni Mama at Papa.
"Kanina lang po" sabi ko sakanila. Humawak si Papa sa ulo na animo'y problemadong problemado.

Tumunog ang cellphone ni Mama. Agad naman n'ya itong sinagot. Siguro sa trabaho 'yon?
Binigay ni Mama ang cellphone n'ya kay Papa.

Ang tahimik ng library, umalingawngaw lang ang sinabi ni Papa na "Sige, makakaasa ka" at binaba na n'ya ang cellphone.

"Magta-transfer ka sa ibang eskwelahan Cynth" magta-transf-- WHAT?!

"Ano po Pa? Nabingi ata ako" sabi ko. Baka mali lang ako ng dinig.
"Ang sabi ko magta-transfer ka sa ibang school. You may go now. Bukas ka na lilipat sa bago mong papasukan. Ako na ang mag-aayos ng mga kakailanganin" sabi niya at bumalik sa upuan. No! Huhu, Ayokong lumipat. Tumingin ako kay Mama na animo'y nagmamakaawa. Tanging tango lamang ang sinagot niya saakin. Ayoko na huehue.

Lumabas na 'ko sa library at pumunta sa kwarto ko. Bakit ba ang malas ko?! Nasaktan ako ni Dran, Naexpelled ako, tapos ngayun magta-transfer agad ako?! Heck..

Kakaisip ko sa mga bagay bagay ay hindi ko na namalayang nakatulog na ako.....

The Nerd's SecretWhere stories live. Discover now