Alas siyete ng gabi ng dumating ako sa bahay namin ng "Dark Quijano na" na yun. Kahit na medyo crush ko siya di ko talaga maiwasang magalit sa kanya dahil sa nangyari kanina, supposedly siya ang magsusundo sakin, eh ang magaling kung fiancee di ako sinundo pinag antay pa ako ng limang oras!
"Bitch andito ka na pala" bungad sakin ni itim o Drak tss. Gusto ko siyang tanungin kung bakit di niya ako sinundo pero baka ano lang ang pumasok sa kokote nito, kaya minabuti ko nalang na pumasok sa guest room "kahit may sarili may nakalaan ng kwarto namin". Di naman kalakihan ang bahay, tamang-tama lang to sa limang tao, eh sa dalawa lang kami tss> Apat ang kwarto, ang masaklap mga bes wala kaming katulong huhuhu icri
Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga damit ko ng biglang may kumatok sa pinto. Ano kaya ang kailangan ng itim na ito? "Bitch! Buksan mo ang pinto!" agad ko namang binuksan ang pinto, nakakatakot naman ang sigaw niya parang lalapa ng tao, sabagay gutom na hahahahaha
"Gutom na ako" wika niya.
"Drak may pasok pa ako bukas, kailangan ko ng mapahinga" Yes! You've heard it right! Nag-aaral pa lang ako, balita ko itong mokong na ito ay nakapag-tapos na at siya ang namamahala ng isang kompanya nila.
"Anong pakealam ko?! Nagugutom na ako! Ano bang silbi mo sa bahay naito?!" malakas na sigaw niya sa mukha ko. Di naman talaga ako ganito, pero pag siya ang kausap ko parang lahat ng pagka pilosopa ko sa katawan ay nawawala. "Wag ka ng magalit Dark, ipagluluto na kita" Eh sa wala naman akong magagawa kundi sundin ng utos niya, baka bugbugin pa ako nito pag nagkataon.
Adobo nalang ang aking lulutuin, ito ang specialty ko. Baka magkatapos kainin ni Dark ito tumino na siya sakin kahit konte. Ilang minuto lang at natapos na akong sa niluluto ko at hinanda ko na ang mga gamit niya pang-kain. Akmoang aakyat na ako sa itaas ng tawagin niya ako. "Bitch, where do you think your going?" taas kilay niyang tanong sakin. "Sa taas Dark, magpapahinga na" maamo kong sagot sa kanya.
"At sinong magliligpit at mag-huhugas nito? Ako?!" na bigla naman ako sa pag-sigaw niya, ganito ba talaga siya? "H-h-hi--" di ko na natuloy ang sasabihin ko ng gawaran niya ako ng isang malutong na sampal "Ang pinaka-ayaw ko ay yung sinasagot ako!" Bulyaw niya "Tumayo ka sa gilid ko at hintayin mo akong matapos kumain! Gaga!"
-------
Kinabukasan maaga ako gumising at naghanda para sa school at sa makakain. Haaay, kung di lang sana nalugi ang kompanya nila papa siguro hindi ako mapipilitang tumira dito kasama si Dark. Saktong kakain na ako ng dumating siya sa kusina "At ikaw pa talaga ang unang kumain?" sabay hila niya sa buhok ko, imbis na magpaliwanag di ko nalang ginawa at agad naman niyang binitawan ang buhok ko, hinintay ko muna siyang matapos kumain bago ako pumasok sa eskwela.
"Beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeees! Anyare sa beautiful eyes mo?!" Masiglang bati sakin ng bestfriend kong si Beanna. "Wala ito bes! Nanunuod lang ako ng Kdrama kagabi, eh sa nakakaiyak edi umiyak na din ako" haahaha sabay tawa ko ng mapakla.
"At sino namang niloko mo?" Haaaay.. Kilalang-kilala talaga ako ng baabeng to kaya wala akong nagawa kundi sabihin sa kanya ang buong dinanas ko sa kamay ni Dark.
---------------------------------------
Haruuuuuuuuuuuuuuu! Kawawa naman si Shane T.T Bad dark! Bad! Abangan niyo po abg susunod na nagbabagang kabanata hahahahaha XOXO
BINABASA MO ANG
Fixed Marriage
Fiksi PenggemarSi Dark Quijano at Shane Estrada ay produkto ng arrange marriage o fixed marriage, ano kaya ang mangyayari sa dalawa pag nagka-kilala na sila? A B A N G A N.