xxv.

327 17 3
                                        

Soonyoung Kwon
Active Now

11:34pm

Soonyoung: BEBEFAAAAAAANS

Jihoon: gising ka pa?

Soonyoung: hindi, bebefans. tulog na ako. tingnan mo nga oh, nagtatype ako habang tulog. hindi talaga ako tulog, bebefans

Jihoon: lintek ka

Soonyoung: hehe

Soonyoung: labuyo, bebefaaaans

Jihoon: che

Jihoon: oh? ba't gising ka pa?

Soonyoung: kasi di ako tulog

Soonyoung: bebefans naman. akala ko ba matalino ka?

Jihoon: ./.

Soonyoung: hoy bad yan. bastos kang bata ka ah

Jihoon: matulog ka na nga!

Soonyoung: ehhhhhhhh

Jihoon: soonyoung

Soonyoung: mamaya naaaaaa

Soonyoung: ayoko pang matulog :<

Jihoon: diba sabi mo matutulog ka na lagi ng maaga?

Soonyoung: oo. pero ano kasi

Jihoon: ano?

Soonyoung: may gusto lang akong sabihin sayo

Jihoon: ano yun?

Soonyoung: mahal kita :)

Soonyoung: mahal na mahal kita, jihoon

Soonyoung: sana mapatawad mo ako

Jihoon: kinakabahan ako sayo ah

Jihoon: wag ka ngang maging seryoso!

Jihoon: saka anong "sana mapatawad mo ako"? gago ka. ano bang ginawa mo?

Soonyoung: wala akong ginagawa, jihoon. bigla na lang kasi siyang dumating

Soonyoung: natatakot ako, jihoon

Soonyoung: ba't kasi ako pa

"Tangina. Ano bang nangyayari sa lalaking 'to? Matawagan nga."

Jihoon: answer my call, okay?

Soonyoung: sige

You are calling Soonyoung Kwon on Messenger...

[beep]

"Jihoon..."

"Umiiyak ka ba?"

"H-hindi, Bebefans. Nagbabalat lang kasi ako ng patatas."

"Patatas? Ba't ka naman maiiyak sa pagbabalat ng patatas?"

"'Di ko rin alam eh."

"..."

"..."

"Matulog ka na."

"Ayoko."

"Matulog ka na nga."

"Ayoko nga."

"Edi wag. Sabihin mo na lang sa 'kin kung bakit ang seryoso mo kanina at kung bakit para kang takot na takot. Ano bang nangyayari, Soonyoung?"

"Arte-arte lang yun, Bebefans. Ang galing kong mag-acting, no? Hehehe."

"No, Soonyoung. 'Di ako naniniwalang nag-aacting ka lang kanina."

"Okay, Bebefans. Kung ayaw mong maniwala, edi wag. Matutulog na ako. Bye!"

"Soonyoung---"

[beep]

katol »soonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon