CHAPTER 6: Pool Thing (Part 1)

30 2 0
                                    

Bianca POV:

Nasa kusina ako ngayon at naghahanda ng almusal, 3 am ako nagising dahil masyado kaming maagang natulog kagabi kaya maaga din ang nagging gising. Pinagsasabay kong niluluto ang hotdog, bacon, itlog, at fried rice. Habang nagluluto ako nakarinig ako ng mga yapak pababa ng hagdan, siguro si manang lang 'yan 4 am na din kasi at iyon ang wake up call niya.

"Good morning Biancs (yawn), aga mo din pala." mali pala si Sam pala iyon. Himala ang aga.

"Kailan ba ako nagging late?" sarkastiko kong tanong habang nilalagay sa mga plato ang mga niluto ko.

"Smells good, mukhang mabubusog tayo neto ah" komento niya. Saka kumuha ng fresh milk sa fridge.

"Well its all set" sagot ko nang natapos na ako sa paglalagay ng mga niluto sa mga plato.

"Oh thank goodness" para akong nawalan ng kaluluwa nang biglang lumitaw si Mhaye sa baba ng mesa. Nalaglag ko pa ang basong malapit sa akin at mabuti na lang ay nasalo ni Sam.

"Why do you have to do stuff that is freaking me out?" sigaw dala ng pagkagulat.

"Oh I'm not, you're the one who freaked out, it wasn't my intention and besides I've been here about 20 mins ago." paliwanag niya, at ano 20 minutes nang hindi napapansin ang presensya niya? Ok sige siya na magaling.

"Fine. Mabuti kumpleto na tayo--" hindi ko naituloy ang dapat sanang sabihin ko nang biglang sumingit si Sam.

"Wait hindi pa ba umuuwi si Tito?" hay nako, nag-aalala na naman sa love of her life niya.

"Dunno, pero better not to wake him up kasi parang late na siya umuwi," pagsisinungaling ko pero baka nga natutulog pa siya sa taas.

"Ganun ba?" biglang naging blanko ang mukha ni Sam, halaka nag-eemo.

"Kain na tayo habang mainit-init pa." suggest ni Mhaye.

Kumain kami nang kumain habang nagkukwentuhan at nagtatawanan which is rare dahil minsan lang kami magkaroon ng ganitong oras kada umaga. Nang natapos na kami sakto namang malapit na mag 5 am kaya napagkasunduan namin na magjogging muna. Umakyat muna kami at naligo para masrefreshing sa ulo habang dumadampi sa katawan namin ang malamig na simoy ng umaga. Nagkitakita kami sa labas ng gate kung saan bawat isa sa amin ay nag-sstreching. Bawat isa sa amin ay nakasuot ng midriff na blue, scarlet, and purple at shorts na black with belt pockets kung saan nakalagay ang phone na source ng music ng earphone namin habang tumatakbo and maskara in case lang naman, kailangan lagi naming dala ang maskara namin all the way. Nang nagsimula na kaming tumakbo, magagandang mga halaman ang bumungad sa amin pati na ang dahan dahan na paglitaw ng araw. Nang nakarating kami sa may bandang park, nakita ko ang grupo ng apat na lalake na tinatadyakan ang isang batang walang muwang, wala pa masyadong tao sa labas at ang bata ay nakatira lamang ata sa malapit. Hindi na ako nakapagtimpi at nilapitan ang bata, pinagpag ko ang damit nito, pinunasan ang luha at kusa itong tumakbo.

"Ano bang problema mo miss? Gusto mo bang ikaw ang pumalit sa paslit na iyon?" guy 1

"Easy bro, sexy pa naman" guy 2

"Tapos na kayo?" taas kilay kong tanong habang nakayuko at nakaluhod parin sa damuhan.

Ang aga-aga ganito agad ang magiging bungad nila? ano dito siguro sila natulog. And FYI I hate cheap street gangsters na tulad nila and yeah sobrang halata. Binuksan ko ang pocket ko at sinuot ang maskara ko bago ako humarap.

"Ano bang paandar neto?" guy 3

"Teka pare, ang maskara niya..-- maskara ni Fire ng pinakamayaman at makapangyarihan na gang sa Pinas, ang Wild Flower" pagpapaalam ni guy 4 sa mga kasamahan niya. Ang maskara ko ay may nakaukit na flame sa gilid na may stem para magmukhang flower.

What A Gangster Princess Can DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon