Nikko POV:
Nagka-POV din sa wakas. Lilinawin ko lang sa inyo, hindi ko niloko si Bianca. Sige kung panloloko nga yung ginawa kong makipaghalikan sa ibang babae edi manloloko na nga ako, pero, sinikap kong itama ang pagkakamali ko at hanggang ngayon pinagtatabuyan niya parin ako, kahit na may amnesia siya hindi ko iyon pinagsamantalahan para tumigil ako sa paghinggi ng tawad dahil guilty ako in the first place.
Ngayon naman pinaghihinalaan ko kung sila ba 'yong mga babae kanina na nakamaskara na tumalo sa grupo ng napag-initan ko. Hindi ko lubos maisip na may chance na isa si Bianca doon, kung si Sam lang siguro pwede pa.
Samantala, ang kotseng sinasakyan ko ay lumihis ng daan at habang tumatagal kinakabahan ako sa kung ano man ang malalaman ko.
"First thing first" humarap si Sam sa akin at pinalapit ako sa kanya na nasa likod niya, bigla niya akong hinampas sa may batok ko at nawalan na ako ng malay.
"Why did you do that?" rinig ko pang tanong ni Mhaye.
"I don't want him to know the way" at hanggang doon lang ang itinapang ko.
____________
Nagising ako nang may nagbuhos sa akin ng tubig sa mukha, halos malunod ako, ubo lang ako nang ubo nang napagtanto kong hindi ko kilala ang mga nakamaskara na mga taong ito.
"Gising na sya, dalhin na natin sya." inambush ba kami habang wala akong malay? KIdnap for Ransom ba 'to?
Hinawakan nila ako sa magkabilang braso ko at kinaladkad palabas ng kwadrang pinanggalinggan ko. Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko, kada kuadra may iba't ibang mga facility: may shooting facility, bow and arrow, kunai handling, katana, body art, at iba pa. NI hind ko maisip na military 'to dahil wala namang ganito sa military. Alam ko 'yon dahil minsan na akong nakapasok doon nang binisita namin si lolo.
Napahinto ako sa paglibot libot nang huminto din sa pagkaladkad sa akin ang mga nakamaskara, nasa harapan ko may lintik na trono at may lalakeng demaskara na itim na buong mukha niya ang natatakpan, puro stem na may tinik ang tangging desenyo ang nakaupo. Nang binitawan nila ako, nakatameme lang ako dito, kinikilabutan ako sa aurang nararamdaman ko sa kanya, parang mamamatay tao na lagi na lang natatalsikan ng dugo. Nangingilabot ako sa pagtingin niya sa akin. Lahat ng atensyon ko nasa kanya, at halos matumba na ako dahil sa panginginig ng tuhod ko sa bigla niyang pagtayo at dahan dahang lumapit sa akin. Akala ko bababa pa talaga siya sa dalawang pitch ng hagdan papunta sa akin ngunit tinaas niya ang dalawa niyang kamay at bahagyang pinagtama para makagawa ng tunog na isang beses. Biglang may lumitaw na tatlong babae, teka galing saan sila? Pero namumukhaan ko ang mga maskarang suot nila, ngayon bumabalik na naman ang paghihinala kong sila 'yan.
"Hayaan mong malinawan ka Nikko." meron siyang malamig na boses at nakakakilabot, at kilala niya ako? "Bago ka magtanong hayaan mong magpakilala kami isa-isa at ipagkatiwala ang totoong anyo namin." napalunok na lang ako, pinilit kong igalaw ang mga paa ko para tumakbo pero di ko magawa. Para akong nakaharap kay kamatayan.
Nanatiling tikom ang bibig ko at ramdam ko din ang dahan dahang pagdaloy ng pawis sa noo ko. Ang alam ko lang sa ngayon, o di kaya'y ang hinala ko mga gangster 'tong mga 'to o di kaya mafia.
"Ako si Thorn, leader ng Wild Flower Gang." mga gangster nga talaga sila, bago siya nagpatuloy hinawakan niya muna ang maskara niya saka niya ito dahan dahang tinanggal....
UNBELIEVABLE
Si LOLO?
"L-Lo?" pero ba't parang tumangkad ata siya. At bakit balot na balot ata siya ng kapa para tuloy siyang si dracula.
"(chuckle) Hindi ito ang mukha ko." may kinapa siya sa leeg niya at binuklat ANG BALAT NIYA?! "Joshua Nick Jeric Zafra" Siya?
Tiningnan ko ang mga babae sa gilid niya na tinatanggal din ang mga maskara nila.... Unbelievable.... mas lalo lang akong naguluhan.
"You already know me, but in this world, I am Cathlea(Cathleya) of Wild Flower." ano ba 'tong napasok ko.
"Mix of Wild Flower" kalmadong sabi ni Mhaye.
"Fire of Wild Flower" pati siya and for the 3rd time...UNBELIEVABLE... pero ako lagi ang nagtatanggol sa kanya noon at wala siya gaanong lakas.. Ganito na ba siya simula nong naghiwalay kami o noon pa talaga?
Ibang iba sila sa nakakaharap ko, ang mga mata nila, puro nakakatakot.
"Ngayon pwede ka ng magtanong." nakangising sabi ni Jeric.
"Na-nasan ako?" pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko.
"Nasa main HQ ng Wild Flower at sa oras na pumasok ka dito kaharap mo na si kamatayan" napaka-cold na pagkasabi ni Sam na mas lalong nakapagsindak sa akin. "At sa oras din na nalaman mo ang tunay na identity namin, nasa black list ka na ng gang na ito."
"At ang tangging makapagliligtas sa iyo ay ang pagsali at pagsumpa ng katapatan na wala ni sino man ang makakaalam ng tungkol dito." -Mhaye, hindi siya ang Mhaye na kilala ko.
"At kung pumayag ka man, asahan mong hindi mawawala ang mga banta sa iyo lalo pat, ito ang rank 1 Gang sa Pilipinas at pangalawa sa mundo" napalunok ako at parang naninikip ang dibdib ko. At ang Bianca na nakilala ko ay ibang-iba.
"Meron ka lang dalawang araw, at kung maisipan mo mang tumakas o magtago, mas mabuti pang mauna mo nang harapin si kamatayan lalo pa't bawat galaw mo ay may nakatinggin. Nakikita kita. Pinapanuod kita. Binabantayan kita."
"Nakikita kita."
"Nakikita kita."
"Nakikita kita."
"Pinapanuod kita."
"Pinapanuod kita."
"Pinapanuod kita."
"Binabantayan kita."
"Binabantayan kita."
"Binabantayan kita."
Paulit-ulit sa ulo ko ang mga katagang iyon.
BINABASA MO ANG
What A Gangster Princess Can Do
ActionKung isa kang babae, iisipin nila na mahina ka. Ang mga babae ay mas pinaiiral ang kanilang emosyon. Kaya kung may lakas ka ng loob para itapon ang kahinaan ng isang babae.... To be a gangster, you need to prove you are worthy. Kailangan hanggat maa...