Part 1

1.7K 22 14
                                    

"Ian! Nasaan na tayo?" humawak ako sa balikat niya.

"Nasa Lipa na tayo, pare. Bakit ba?" tinignan niya ako mula sa driver's seat.

"Naiihi na raw itong katabi ko." pangungulit ko sa katabi kong si Alyssa. Pinalo naman niya ako.

"Titigil ako, gusto mo?" nakisama sa akin itong kumag na ito.

Hahahaha. "Diyan na tayo sa may damuhan! Dali! Ayos na diyan!" sabi ko naman.

"Kababaliw talaga ng mga lalakeng ito ah." ayan na nga! Sumabat na nga si Boss Sheila. May kasama pang palo sa balikat. Kaasar.

"Pakelam mo ba?" sagot ko naman sa kaniya. Malakas loob ko. Akala niya sa akin? Weak? Scared?

"Psh. Ano ba? Ang iingay niyo. Nakakayamot." nagising na rin itong si Elaine. "Bwisit. Ang ganda-ganda na ng panaginip ko eh."

"Edi ituloy mo nalang pagdating ng hotel." - Cherluth

"Teka. Saang hotel nga tayo magchecheck-in?" - Ian

"Sa Makati pa yung hotel. Malayo pa." sagot naman nitong si Micaela. Nakaupo siya sa tabi ng ating mahiwagang driver.

"Eh? Eh nasa Lipa pa tayo ah!" nakakagulat nga naman talaga. Ang layo-layo pa eh.

=_____= "Kung gusto mo edi matulog ka nalang diyan. Wala namang pumipigil sa iyo eh." - Micaela

"Tapos itatapon ka nalang namin diyan sa tabi-tabi." - Ian

Diyan lang magaling yang dalawang yan eh. Pagkaisahan ako. Badtrip lang. Psh. Kaasar talaga. Bakit ba kasi pumayag pa akong sumama?

"Madilim na rin. Mas maganda kung magpahinga pa nga muna tayo. Saan ba pwede magpahinga dito?" titingin-tingin itong si Cherluth sa mga nadadaanan namin. "Ayaw ko matulog dito sa van. Baka masuffocate pa tayo."

"Alam ko meron diyan sa may SM." - Alyssa

"Aba! Bakit mo alam?! Nakoooo. Ikaw ha. Kaya ka pala nawawala." ngingiti-ngiti kong sabi sa kaniya habang mahina ko siyang tinutulak.

"Hoy, tat@nga-t@ngang Glenn. Wag mo nga pairalin yang kabobohan mo dito. Tutulungan ko pa sina Micaela sa pagtapon sayo sa daan eh!" sagot naman niya sa akin.

Tawa naman yung dalawa sa unahan. Psh. Talaga naman. Lagi nalang ako ang kaawa-awa. Bibihira na nga lang magsalita.

"Oh ayan! Dun nalang tayo sa hotel na sinasabi ni Alyssa ha?" lingon sa amin ni Ian.

"Ala sige! Dun na nga tayo! Antok na rin ako eh!" - Cherluth

"Psh. Basta siguraduhin mong mura dun at maganda!" - Elaine

"Oo! Ako pa!" - Alyssa

Psh. Mag-ingay lang kayo. Basta ako... Mananahimik nalang dito.

...

Nakalipas na ang ilang saglit at nakarating na nga kami dito sa aming destinasyon. ****** Hotel. [Censored. Bawal magpromote :) ]

"So... Dalawang hotel ang pupuntahan natin..." sabi ni Micaela. "Dun sa Makati nga lang eh... Maggagala tayo."

Paakyat na kami ngayon papunta sa kwarto namin. Psh. Antaas. Nakakaasar nanaman.

"Oo. Ayos lang naman. Madami naman tayong ipon diba?" - Ian

"Psh. Bahala kayo. Basta ako mayaman!" - Mary Ann

"Ehhh. Bahala ka, Ate. Mayaman ka nga diba... Ikaw na!" - Sheila

"Oo! Bahala ako sadya! Ako na rin lahat!" - Mary Ann

"Edi ikaw magbayad para sa akin ha?" - Sheila

The HotelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon