Part 3

748 5 6
                                    

Part 3

-- Mary Ann's POV --

"Liligo nalang ako. Wewewew." Dito ko nalang idadaan ang gutom ko. Sabi ni Micaela bumubili daw sina Ian ng pagkain eh. Baka pagkatapos ko na maligo nandiyan na yung pagkain.

"Sheila, ligo muna ako!!!" sigaw ko ulit mula sa CR.

Wew. Ang ganda ng hotel na ito!! Hehe. Nakakaloka lang ang lamig! Grabe! Wahh! Ang lamig talaga! Maliligo ba talaga ako? Maliligo o hindi maliligo? Hindi o Oo? Oo o Hindi?

Oh. Ano itong nasa salamin? Aba. Aba. Ang ganda. Ang ganda ko talaga. LOL. Wait. Magtutooth brush na ba ako? Psh. Wag muna. Pero hmm. Ano itong nasa loob ng medicine cabinet?

O_____O

Ano yun?!

Pagkabukas ko parang may naaninag akong reflection ng tao samay bintana ng banyo. Parang nakasilip ba na kung ano.

Hala... Oh my God.

Hinga. Hinga Mary Ann. Namamalikmata ka lang. Dahil lang yan sa mahabang pagbyahe. Maligo ka na ng mawala na yan.

"Oo, sige maligo ka na! Ako sunod ha." may nagsalita. Hindi ko mabosesan. Parang hindi si Sheila eh, parang hindi rin naman sina Elaine o si Cherluth. Sino kaya yun?!

Ano ba Mary Ann wag mo nga takutin ang sarili mo! Baka gawa lang ng pinto kaya nag-iba yung boses. Maligo ka na nga!

"Wahh! Ang sosyal naman ng banyong toh may bathtub pa, pero magshashower lang naman ako. Bukas na lang ako maliligo dyan! No. Magsiswimming nalang pala ako! Hahaha. Enjoy! Echos." tumatawa ako sa sarili ko at pumasok na ako sa shower para mawala ang kaba.

Wohh!! Shower, Shower! Haha ang bangag lang...

"La La La~"

Ano yun? Mahina pero may narinig ako.

"Lahhh lahhh lahhh~"

"May tao ba dyan? Sheila?" hala. Nakakatakot na ha! Di ko carry ang ganiyan.

Biglang tumigil yung kumakanta. Natatakot akong lumabas, pero mas nakakatakot dito. Lalabas na sana ako ng may...

"Ate, tapos ka na ba?" may nagsalita, parang pabulong lang.

Hala! Ako ba kinakausap nun? Sigurado akong hindi si Sheila yun o kahit sino sa kasama ko sa kwarto. Iba ang boses eh.

"Ate, tapos ka na ba? Ate? Ate, tapos ka na? Ate? Ate? Ate?"

Palakas ng palakas yung boses.

Palakas din ng palakas yung tibok ng puso ko..

*badump badump badump*

Ihhhhh. Ohmaghad.

"Ate?"

May nakita akong anino na nakatayo sa may kabilang bahagi nung translucent door. Maliit, parang bata.

"Ate?"

Di ko na kaya. Hindi ako makasigaw. Hindi ako makagalaw. Hala! Paano ako hihingi ng tulong?!

*tak.*

"..."

Wag kang lilingon, Mary Ann. Wag. Ihhhh. Oh em.

*creeeek*

Hala! Nagbubukas na ang pinto.

"A-a-a-a-te?"

May malamig. Malamig na bagay.

Biglang nagbukas yung pinto at bigla ring nawala yung something cold.

"Ate Mary Ann, makiki wee-wee lang ako haaaaa?" tanong ni Sheila, sure na sure na ako ngayon na sya yun. Walanjo. Bigla-bigla nalang pumapasok eh.

The HotelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon