Part 2

765 5 1
                                    

Part 2

-- Elaine's POV --

"Aba. Kaya may karapatan ka ng mahiga nalang diyan sa kama ni Micaela?" nakapamewang kong sabi kay Glenn.

"Aba. Kasalanan niya eh. Siya nagpapunta sa amin dun. Yun pala sarado na." yinakap pa niya ng mahigpit yung isang unan.

"Glenn! Alis na diyan! Putik! Antok na ako!" si Micaela naman nakatayo samay paanan ng kama.

Parang magkapatid lang itong si Glenn at si Micaela eh. Lagi nang nagkulitan.

"Ayoko." nagtaklob ng kumot si Glenn. Aish.

"Ayaw mo umalis ha?!" *bogsh* Dinaganan ni Micaela si Glenn. LOL.

"Alissssss na kasi!" sigaw ni Micaela.

Hay. Kung nandito si Alyssa ngayon sigurado mahahampas pa niya si Glenn dahil matigas nanaman ang ulo. Kaso... Naliligo siya eh.

*bogsh* "Aray." Wew. Nahulog na si Micaela. "Bwisit ka talaga!"

Tss. "Sumunod ka nalang kasi! Hay. Papahirapan mo pa kaming dalawa ni Micaela eh!" hinila ko na paa ni Glenn. "Kakaladkarin kita! Sige!"

"Kaya mo?!" biglang siyang umupo sa kama.

Yun na nga. Hinila na siya ni Micaela pababa ng kama. Ha! Sige! Mag wrestling kayo diyan!

"Aalis na nga ako." sabi ko na may kamot sa ulo. "Bahala na kayo diyan."

"Iiwan mo ako?!" biglang iniwan ni Micaela si Glenn at lumapit sa akin.

"Ay hindi." sabi ko sarcastically. Pero tuloy-tuloy parin ako sa paglalakad papuntang pinto. "Uy, Ian. Bantayan mo nga itong alaga mo." sabi ko kay Ian na nanonood lang ng TV.

Galing niya noh? Nakakapagtiyaga siyang kasama ang dalawang ito sa kwarto habang nanonood ng TV. Natitiis niyang hindi pagsabihan.

"Sure." ngiti niya sa akin...

Tapos bigla siyang naging serious. "Ingat."

Bakit naman kaya?

Lumabas na ako ng kwarto at iniwan na ang Micaelang walang tigil sa pagsasalita. Hay. Kanina naman sa kotse di siya ganun. Nasapian ata ngayon. Hahaha.

Ha. Ha. Ha.

"Ah..." yun nalang nasabi ko.

May babae kasi sa may dulo ng corridor eh. Ewan ko lang kung bakit pero... Nakatayo lang siya dun at nakaharap sa hagdan.

May hinihintay lang ata. Ewan ko. Hindi ko naman business yan eh.

Lakad. Lakad.

Parang may nakatingin sa akin. Ihhh. Wag mo sabihing pinapanood na ako nung babaeng yun? Baka akala niya artista ako. LOL.

Macheck nga.

...

...

Ohmahghad. "Ah... Ayos lang po ba kayo?"

Familiar sa akin yung damit niya eh.

Parang siya yung nakasalubong namin kaninang babae sa may hagdan.

Hehe. Buti nga nun di niya kami napagsabihan sa ingay namin kanina.

"Ah... Miss? Okey lang po kayo?"

Bakit siya umiiyak?! Ano naman ang nangyayari dito?! Ano naman kaya iniiyakan niya samay hagdan?!

*bogsh* bigla nalang siyang napaluhod.

At...

Nahulog pababang hagdan.

Ewan ko ba pero parang hindi yun aksidente or whatsoever.

Parang... May tumulak sa kaniya.

What the hell?! Ano naman kaya yun?!

Ihhhh. Good thing at yung kwarto namin ay two rooms lang away dito kena Micaela.

Tatakbuhin ko na sana kaso may narinig akong parang...

Naglalakad ata? Ewan ko. Iba yung tunog eh. Basta yung tunog ay parang may...

GUMAGAPANG PATAAS NG HAGDAN!!?

Hala!! Paano naman-?! ito yung babae kanina ah! Tapos... Duguan na siya at... Ohmygosh! The face! Her face! Para siyang binalatan sa face!? Noooooo.

Tapos ang bilis pa niyang umakyat ng hagdan!!!!

At ngayon ay nasa corridor na talaga siya!!!

Mga... Ten feet away nalang siya from me!!!

Aba! Takbo Elaine!!!!

One room away nalang ako sa kwarto namin!!!

Yan! Nandito na ako!

Kaso... Nung bubuksan ko na yung pintuan biglang...

"Ahhhh!" may humawak sa ankle ko!

Yung babae! Nakahawak yung babae sa ankle ko!!!

Sa sobrang takot ko at dahil sa instincts ko...

Sinipa ko siya.

Kaso... Dalawang kamay pa yung humawak sa akin!!!

"Noooo!!!" sinipa ko siya ng sinipa hanggang bitiwan na nga niya ako.

Pagkakataon ko na ito!!! Pumasok na ako at linock ang pinto.

Pagkapasok ko... Tumumbad sa akin si Shaira na nanonood ng TV.

"Aba. Parang windang na windang ka diyan ah." tawa niya sa akin.

Hinihingal pa ako kaya hindi ko masabi sa kaniya.

"Ano naman kaya yang ginawa mo at hingal na hingal ka?" tumayo siya at kumuha ng tubig sa ref. "Tumakbo ka ba diyan sa corridor?"

"May babae." kailangan ko siyang iinform. Kailangan niyang malaman ang tungkol sa mga nangyari sa akin. "Hinabol niya ako sa corridor."

-____- "Baliw? Nang hahabol nalang ng kung sinu-sino?"

"May baliw ba naman na nahulog sa hagdan tapos gagapang pataas ng hagdan na duguan na at binalatan na ang mukha?" diretsuhan kong sinabi sa kaniya.

o____o "Ah... Ano?"

"May multo."

=______= "Ayoko ng ganiyan."

"Totoo. Meron. Sa hallway. Kanina lang."

"Ehh. Saan ako dadaan bukas kapag umalis na tayo? Sa elevator?"

"Try mo. Kung makakaabot ka din dun."

"Elaine naman eh."

"Basta. Sabi na nga ba meron dito sa Hotel na ito eh. Di ko lang inakala na ganito kagrabe."

"Alam ba nila Alyssa?"

"Kakagaling ko lang dun nung nangyari sa akin yun eh."

"Edi hindi?!"

"Oo."

"Ala. Bahala na tayo bukas."

"Teka... Nasaan si Mary Ann?"

"Nasa CR. Naliligo."

"Okey."

Baka naman meron din diyan sa CR.

_________________________________________________________________

Weak tong part na ito. 

VOTE & COMMENT

The HotelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon