Chapter Three - Vice Mayor (The Past)

4.1K 94 8
                                    

"Come again, Papa?" gulat na tanong niya.

Nasa kumedor silang lahat upang maghapunan nang may i-anunsyo ang tatay niya.

Her dad sighed, "I said I will be running for Vice Mayor this coming election, sweetie." Oh how she loves her daddy's sweetness! But, did she hear it right?

"But Papa, hindi po ba kayo nagiging padalus-dalos lang?" nawawala ang pagiging konyo niya rito ah, "I mean, you're just having your first term as a town counsilor. Hindi kaya mag-alangan kayo?"

"Sabrina, hayaan mo na si Papa. Besides, ang tao rin naman ang nag-suggest na tumakbo si Papa, e." wika ng kuya niya.

"Pero, kuya magulo ang pulitika. Maraming handang pumatay para manalo."

"Sabrina Cariaga! Nothing bad will happen, okay? Lalong-lalo na sa tatay nyo." wika ng nanay niya.

"Mama, I'm just stating a fact. Handa silang kumapit sa patalim for them in order to win."

"Lady, nothing bad will happen. Besides, kampo natin si Mayor. He will take care of me."

Hindi pa rin siya pabor dito, "Pero daddy, magastos. Baka kulangin ang dalawang milyon diyan."

"Nasabi ko na iyan sa mga aunties at uncles mo and they are willing to help me finacially."

"But..." she looked at his brother para sana makahingi ng tulong. Pero ang magaling just shrugged his shoulders! "...what if you lose, papa?"

He shrugged his shoulders too and sighed, "It's okay. Sa buhay naman ng tao minsan talaga kailangan ding matalo. Life is just a matter of winning or losing something, you know. If I lose, so be it. Baka may plano ang Diyos sa akin na mas higit pa roon. If I win, then good. Very good."

"I'm still not convinced." she heaved a sigh, "But if you really love to run, sino ako para pigilan kayo, 'di ba? So, go on..." wika niya sa ama kahit na hindi pa rin siya pabor sa pagtakbo nito.

Her papa smiled at her. "Thanks, sweetie." tumango siya at nguniti rin...ng alanganin nga lang.

-----------

"Problem, dude?" tanong sa kanya ni Toni nang makita siyang nakasimangot.

Nasa canteen sila ngayon para magtanghalian kaso hindi pa niya ginagalaw ang pagkain niya dahil naiisip pa rin niya iyong mga nangyari kagabi nang maghapunan sila. Hindi niya alam kung paranoid lang siya pero masama talaga ang kutob niya.

Umiling siya, " Si papa kasi gustong tumakbong vice mayor."

"So?" tanong ni Cheska habang ngumunguya. "Mommy will be running for town councilor too. And I heard they will be on the same team."  Mahilig din kasi sa pulitika ang nanay nito kagaya ng tatay niya. Sa palagay niya ay mana-mana lang dahil pati ang mga lolo nila ay pulitiko rin. Pero kung siya ang tatanungin ay ayaw niya sa pulitika.

"I have a question for you, Ches. Since you came from the family of politicians, do you wanna be a politician too?"

"No." mabilis nitong sagot, "Wala akong hilig. Isa pa, masyadong magulo ang pulitika dito sa Pinas."

Naihampas niya ang kamay sa mesa, "That is exactly my point! I know how immortal the politics work here that's why I am not in favor sa gustong mangyari ni papa."

"Immortal talaga?" then Toni chuckled, "Sabagay may point kayo."

"Bakit hindi mo pigilan si Tita?" tanong niya kay Cheska na ngayon ay punong-puno na ang bunganga sa pagkain.

She shrugged her shoulders pagkatapos ay iminum, "Kasi doon masaya si mother dear. Sino ako para pigilan ang kasiyahan niya, 'di ba?" tanong nito na nagpa-isip sa kanya. "Hey, aren't you going to eat your lunch? Pahingi ng atay." wika nito sa adobong ulam niya.

Mabilis niyang iniwas ang pagkain niya rito, "Hoy!" sigaw niya pagkatapos ay mahinang hinampas ang kamay nito.

Lumabi ito, "Damot!"

"Madami ka ng nakakain. That's enough. Baka hindi magkasya ang uniform mo." Hindi lang iyong uniform ang inaalala niya. Siyempre, pati na rin health nito.

"Pwede namang i-adjust eh." bulong nito na narinig naman niya.

"Don't you want to look sexy? Just like me?" tanong niya rito sa pagka-arte-arteng boses.

Nabulunan ito, "Pwede bang just like Toni nalang?" alanganing ngumiti ito. "He-he."

Nag-init ang ulo niya, "Hey! What are you trying to say, ha? That I am not sexy? Hoy, excuse me, Cheska, darling, I have a perfect figure, for your information."

Itinaas nito ang isang kamay habang ang isang kamay ay may hawak na kutsara at papasubo na, "I didn't say anything like that." wika nito habang ngumunguya, "What..I..mean..ish....wala. Never..mind..nalang.." saad nito habang punong-puno ang bibig.

Inabutan naman ito ni Toni ng tissue na kanina pa tahimik kumakain sa tabi niya.

"Ikaw, Toni. Aren't you gonna say something?" tanong niya rito.

"Tungkol saan?"

She rolled her eyes upward. "Duhh! You know what guys, tatanda ako agad sa inyo, e."

Napangisinang mga ito, "Ikaw naman pinakamatanda eh. So why reklamo ba?" gaya ni Cheska sa pagsasalita niya.

She rolled her eyes again, closed it and counted  one to ten. Kaso nagkulang, ginawa niyang hanggang twenty. Gossh! I going to have an early wrinkles with these two.

Pagkatapos kausapon ang sarili ay nagsimula na siyang kumain. She was at the middle of her food nang biglang pumasok ang kinabwibwisitan niya kahapon pa.

"Toni!" kinikilig na wika ni Cheska, "Look, it's Toby baby!"

Napatingin si Toni sa itinuturo ni Cheska tapos bigla ring kuminang ang mga mata nito, "Oo nga! Jeeez, ang gwapo."

Hindi na niya sana papansinin pa ang mga ito kung hindi nga lang niya na nakita ang paglingon nito sa gawi nila.

Their eyes met. Para silang nagsusukatan ng tingin. Walang nag-aalis ng tingin sa kanila until she saw him smirk. His signature smirk. Hmppp! Pangett!

She lifted her chin para ipakita ritong hindi siya natatakot rito. Bring it on, boy.

Ilang minuto na silang nagtititigan nang bigla nitong iniwas ang mga mata sa kanya dahil ito na ang mag-o-order ng pagkain sa counter. She secretly smiled and congratulated herself. Good job, Sab. One point for you.

Teka, parang gusto niyang kumanta ng "Ako ang nagwagiiiii!"

----

02/20/14

The Virgin's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon