Chapter 7.5

173 8 2
                                    

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 7.5

Patrick's POV

andito kami ngayon sa Tree house namin at eto kami lang dalawa dito.. dito na rin kami kumaen.. muka atang nag-enjoy naman sya sa pinag-gagawa ko namin.. nakakatuwang ngumingiti na rin sya.. hindi ko na nga gugulatin tong babaeng to napaka-violent nito konting gulat lang manununtok na.

gusto niyang malaman ang lahat ng tungkol sakin as in lahat.

*sigh

mahaba habang kwento to. pero siguro yung importante lang maikwekwento ko sa kanya. buhay ko lang naman di ba? ok 

*flashback*

mga bata pa ako nung nakilala ko sila Jefferson at Renz. siguro kung hindi ko sila naging kilala nun masasabi kong hindi ako kung ano ngayon.

I never trusted anyone especially mga mayayaman na tao.

Malaki talaga galit ko sa mga mayayaman. dahil sa pera marami kang pwedeng gawin. kaya mong bilhin ang lahat kahit tao pa man.

nakatira kami dati sa Mindoro, lumipat lang kami dito sa Pasig dahil yung lupa namin dun ay binili basta basta ng mga mayayaman kaya napilitan kaming lumisan dun. tanda ko pa kung pano nagmakaawa ang nanay at tatay ko para lang hindi kunin ang bahay namin pero walang nagawa ang pagmamakaawa niya at basta basta nalang to binugbog at nasaksihan ko yung pangyayari yun.

kahit papaano naman nung lumipat kami sa Pasig ay nakaraos din naman kami pero yun nga lang di ganun kalaki ang kinikita ng magulang ko kaya nag-aral akong maiigi para lang sa pag-aaral ko masusuklian ko yung paghihirap nila para sa akin.

mag hihigschool na ako, sumali ako sa isang liga dun sa barangay namin. ang premyo dun kung sino ang manalo dun at mapiling mvp ay magiging scholar sa Mckenzie university at kukuning varsity ng school. medyo sikat yung school kasi puro mayayaman dun.

sa magandang pagkakataon nanalo naman yung team namin at ako napiling mvp nun. ginalingan ko talaga yun para din naman sa magulang ko. Alam ko magiging proud sila sakin pag ginawa ko yun

pero kung titignan mo wala akong naging kaibigan ni isa samin kahit ka-teammates ko. hindi ako matiwala sa tao. nakakausap naman nila ako pero hindi tulad ng isang magkaibigan na nagbabatian, nagtatawanan, hindi matinong usapan, biruan at iba pa.

kada umaga lagi akong naglalaro ng basketball sa court dun. isang araw habang naglalaro ako.

"pwede bang sumali?" at eto dumating ang kinaiinisang kong si Jefferson itong mayabang na mayaman na pinagkakaguluhan din ng mga babae.

hindi ko lang sya pinansin at patuloy pa rin ako sa paglalaro ko. habang pasugod na ako sa ring biglang humarang sya sakin at nasteal yung bola ko. nagkatinginan kami na parang may kuryente sa pagitan namin at sya naman ay nakangiti na parang hinahamon niya ako.

~challenge accepted

"ah ganun ah, hinahamon ako? tignan lang natin" sabi ko habang nakadefense ako

"gusto ko lang naman makipaglaro sayo at makipagkaibigan na rin"

"ayoko sa kagaya mo!!"

"suplado mo" bigla syang sumugod at nalusutan ako at naglay-up sya

"tss" nasa akin naman yung bola 

"ganito nalang kapag nanalo ako magkaibigan na tayo ah" sabay nakapeace sign sya.

di ko lang to pinansin at nagshoot ako sa three-point area buti hindi niya to napigilan at nashoot ko yung bola.

"If a Song Could Make Us Together" - On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon