Chapter 1:"Ma, san na tayo, malelate pa ako"
"Oo anak naandito na tayo".
"Waah oo nga ang bilis"
"Sabi ko sayo anak eh, tulala ka lang kasi".
"Ma, ako?!?"
"Oo anak kanina pa kita napapansin dahil ba yan kay Xand-"
"Ma anong sabi mo kay Xander?!?" Sabi na eh ayan tuloy na kinig ni Kuya ang lakas talaga ng pandinig nito eh nakaheadset nat lahat kinig parin.
"Hindi ah.. Yun ewww".
"Kainin mo nga yang sinabi mo. Eww bagang tingnan mo nga yang sarili mo mahiya ka nga"
"Wag na kayo mag-away kanina pa tayo andito"
"Sige na Ma alis na kami"
"Alis bagang eww mo sarili mo". Hanggang ngayon ba ganito si Kuya Hindi sya makapag move-on sa sinabi ko bakit bawal ba magkagusto..huhuhu
"Ouch" aray nako!! Sino namang tong nakabangga sakin?!
"Pahara-hara kasi". Ayan na nga ba eh ayan tuloy napag-usapan ako ng mga tao dito. Bigla namang may lumapit sa aking babae
"Ate ang swerte mo". Tama ba ako ng narinig.. Swerte talaga. Anak ng tinapa naman oh. Kung hindi lang Heartthrob ng school tong si Klein hay nako baka tinawanan na ako ng mga tao pero swerte talaga. Pambihira.
Agad akong pumasok sa room walang kwentang umaga, una si Kuya, kasunod si Klein, pangatlo swerte.. Umagang umaga stress na agad bumungad sa araw ko.
"Ah Jamie pwede magtanong?" Nagtatanong ka na nga, mag tatanong ka pa ulit.. Ah ah namang umagang to.
"Oh ano nanaman"
"Diba kapatid mo si Red". Anak ng.. Ilang beses ko bang sasabihin na OO
"Oh Oo bakit?!?"
"Ah eh pwede favor?" Wahh ako pa talaga, kung hindi lang talaga sikat Kuya ko maayos yung buhay ko.. SANA Hindi na lang sya sikat.T-T
"Oh ano yun?" With matching Kunot ng Noo. Eh sino bang Hindi maiinis ang dami agad PANGIT na naranasan ko sa araw na to.
"Ah pwede paki abot nito sa Kuya mo or should I say paki bigay". Wow inutusan talaga ako eh. Kilala lang naman akong kapatid ni Kuya kasi ako Hindi ako Famous and I do not Care.
"Bahala na". Sabay halbot dun sa papel na may chocolate sa loob.. Haysss
"Omo salamat ha, Love Lots".. Daming kaartehan.
Teka umalis na sya makain nga tong chocolates gutom na ako eh si Kuya kasi nag mamadali.
Habang kinakain ko yung chocolates, biglang dumating si Ma'am, kasama yung dalawang asungot at isa na roon si Klein.
"Okay class since maunti ang section nyo I dadagdag ko lang si Third at Klein".
Wahh totoo yung nakinig ko huhu ang malas naman ng araw na to oh.
"Okay sit there" Sabay turo sa tabi ko nung adviser ko. Huhuhu ang daya section FL to Hindi pwede ang daya.
Oh sabi na ineexpect ko na to. Andaming nakatingin sa akin puro babae Hays sabi na eh kaya ayaw kong makatabi ang isa sa Heartthrob ng school buti nalang si Third ang katabi ko.. Hindi yung Klein na yun Hindi man lang nag sorry.
"Ang swerte ni Jamie"
"Hayssss wag mo pansinin Hindi sya magugustuhan ng mga yan"
Bulong dito, Bulong doon, Bulong everywhere.
BINABASA MO ANG
The Dream Project- Six: ( Sacred University )
FantasyAnim! Lima! Apat! Tatlo! Dalawa! Isa! ~~~