Chapter:3

1.2K 34 0
                                    

SKY'S POV

Sa hindi inaasahan ay hinatid ako ni Mark pa uwi sa bahay ng mga Lola ko. Tahimik lang naman kami lalo na ako buong biyahe. Hanggang nag mamaneho siya ay biglang bumuhos ang malakas na ulan kasabay naman nun ang biglang pag tigil ng sasakyan.

"What Happen?" Tanong ko habang naka tingin sa labas.

"Wait lang titingnan ko kung anong nang yari" Sabi niya saka lumabas. Nag lakad siya likod nang sasakyan para icheck ang gulong sa likod pag katapos ay nag lakad siya pabalik sa harap nang kotse medyo nagulat pa ako nung hampasin niya ang harapan ng kotse gamit ang kamay niya saka lumapit sa pintuan ng driver's seat.

"Sira yung gulong" Naiinis na sabi niya saka pabagsak na sumandal at pumikit. Napa awang naman ako ng bibig dahil pano kami makakauwi kung sira yung gulong. Ayaw ko mag lakad sa ulanan. Napansin niya siguro na tahimik ako kaya nag mulat siya nang mata saka ako tiningnan. Medyo napatagal ang pag iwas ko dahil masasabi mo talaga na gu- Erase that! basta tumingin siya.

"Hindi ko ginusto ang nangyari" Sabi niya kaya napa buntong hininga ako. Kung hindi siya nag bida-bida na ihatid ako baka nasa bahay na ako. Bahagya akong nag isip saka nag salita.

"Mag lakad na tayo" Sabi ko at akmang mag bubukas na nang pinto nang mag salita siya.

"Are you sure?" Tanong nito

"Yes, Dahil kung mag aantay tayo dito na tumila hindi parin tayo makakaalis dahil sira yung gulong. Wag kang mag alala sa kotse mo walang mangingialam niyan dito" Sabi ko saka bubuksana ang pinto nang pigilan niya ako ulit.

"What now?" Masungit na sabi ko

"Yung bag mo baka mabasa may plastik ako dito. Hindi mo naman puwede iwan yan dito, Right?" sabi niya saka kinuha yung plastik bag sa may compartment ng sasakyan nila saka nilagay dun ang gamit ko at yung gamit niya. "Tara na" Sabi niya saka bumaba ng kotse.

Hindi naman malayo ang aming nilakad pero one thing is for sure basang basa kami dahil sa lakas nang ulan. Agad kaming sumilong sa bahay nila Lola at kakatok na sana ako nang makita ko ang note na naka dikit sa pinto.

Sky,
Hindi kami makakauwi dito sa bahay nang ilang araw dahil guto ng Lolo mo na mag karoon kami nang oras para sa isa't isa. Pasensya ka na Sky babawi nalang kami saiyo. Take care apo We Love You

                          -Lola

"Tsk!" Inis na sabi ko pero hindi ako galit na umalis sila naiinis lang ako na isipin na kami lang dalawa dito sa bahay. Bigla akong napa lingon sa kasama ko nang bigla siyang bumaheng. Nilalamig na siya kaya naman nag salita na ako. "Tara nang pumasok" Sabi ko saka kinuha ang susi sa isa sa halaman ni Lola saka binuksan ang pinto at pumasok.

 "Pumunta ka na sa restroom at maligo ka na" Sabi ko at akmang mag lalakad na nang mag salita si Mark.

"Sky walang akong dalang damit, Naiwan sa kotse yung damit ko" Sabi niya sabay kamot sa ulo napa irap naman ako sa hangin.

"Tumaas ka tapos kumaliwa ka yung unang pinto sa kaliwa pumasok ka dun. Kuwarto yun dati ni Dad may mga damit pa siya dun baka kasya sayo yun nalang gamitin mo" Sabi ko saka na una ng tumaas sa kanya.

Pag taas ko agad kung sinara yung pinto at pag kasara ko ng pinto ay napasandal ako at saka nag buntong hininga. Aanhin ko ang lahat ng meron ako kung hindi ako masaya? Lagi nalang sila ang nasusunod sa gusto nila. It's been year's pero paki ramdam ko hindi parin nila nakakalimutan yung pangyayari. Naramdaman ko na parang papatak ang luha ko kaya agad akong tumayo nang ayos saka pinunasan ang mata ko. Maliligo nalang ako kesa umiyak nanaman nang dahil sa kanila. Kinuha ko na ang towel ko saka pumasok sa banyo nang kuwarto ko, Nag hubad ako saka naligo.

My Campus QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon