Chapter:14

744 20 0
                                    

SKY'S POV

Nag madali akong pumunta sa bahay nila Mom and Dad alam kong ayaw nila akong makita don pero kailangan malaman nila ito.

"What do you need Sky? gabi na ah"pataray na tanong ni Mommy pero dedma lang ako dun

"Sky bukas mo na sabihin yang sasabihin mo mag papahinga na kami"sabi ni Daddy at akmang isasara na ang pinto kaya pinigilan ko ito

"si Miles na kita na sya ni kuya Gheo"sabi ko sabay abot nang picture sa kanila

"Mag kamukha kayo"naiiyak na sabi ni Dad

"Kung sasama kayo sakin mapupuntahan natin sya ngayon"sabi ko

"teka magbibihis lang kami"sabi ni Mommy kaya umakyat na sila para magbihis

Ang saya nila! pero bakit ganon ang sakit sakit sa loob parang hindi ako okey! pero masaya ako dahil na kita nanamin si Miles makakasama na namin sya ay hindi pala sila lang ang mag kakasama sama

"tara na!"nagulat ako sa biglang pagsasalita ni Dad sa tabi ko

"sasakay ba kayo sa-"

"No! Hon gumamit tayo nang kotse ayaw kong sumama diyan"sabi ni Mom sabay lakad papalabas mag lalakad na rin ako nang mag salita si Dad

"pasensya ka na sa Mommy mo"sa totoo lang okey naman kami ni Dad kaso dahil pala away ako yun pati sya sumuko na sa ugali ko

"pasensya? Dad sanay na ako nihindi ko na nga maramdaman na masakit pala ang itakwil nang sarili mong mga magulang"sabi ko habang nakatalikod hindi ko na hinintay ang sagot ni Dad. Lumabas na ako at agad pumasok sa kotse ko at nag ready na nang okey na sila pinaandar ko na ang kotse ko

To:Detective Gheo

kuya gheo nasan ka na?

-sent

alam kung bawal gumamit nang cellphone pag nag mamaneho pero heller ako Si Sky Mendoza wala akong sinusunod

From:Detective Gheo

nandito na ako sa bahay pero hindi pa ako napasok iintayin ko nalang kayo

nagreply nalang ako nang okey tapos binaba ko na ang cellphone ko

nang makarating kami sa bahay nila Kim at agad lumapit sakin si kuya Gheo

"Sky sakto nandiyan yung mga magulang nya"sabi ni kuya Gheo kaya tumango ako at lumabas

"Gheo thank you dahil hinanap mo si Miles"sabi ni Mommy kaya bahagyang ngumiti si kuya Gheo

"Ang dapat nyo pong pasalamatan ay si Sky sya po ang pumilit sakin na mag patuloy sa paghahanap-"

"Oh what ever! tara na"tumingin sakin si Kuya Gheo at ngumiti kaya ngumiti nalang din ako. kumatok kami at agad namang binuksan yun nang isang babae

"Sino sila?"tanong nya sakin

"ah nandiyan ba si Kim?"tanong ko sa kanya

"Anak! may tao dito!"sigaw nya at agad kaming nakarinig nang mga yabag papunta samin

"Oh Sky!"gulat na sabi nya

"Kim we need to talk"sabi ko at agad kumunot ang noo nya

"talk about what?"balik nya sa tanong ko

"About your lola"sabi ko at nag iba ang itsura nang mommy nya parang kinabahan

"okey pumasok kayo"sabi nya at agad kaming pumasok at naupo"Dad may bisita tayo"sigaw ni Kim inantay lang namin yung daddy nya at mag uumpisa na kami

"Mr.andMrs. Tolentino im detective Gheo Alcantara"sabi ni Kuya Gheo at nakipag kamay dun sa mag asawa

"Im Sky Mendoza"pagpapakilala ko sa sarili ko

"Ako po si Kimberly Tolentino"sabi ni Kim

"eto si Mom-"

"Mrs.Santos"sabi ni Mommy sabay abot nang kamay ni Kim"Mr.Santos"dagdag ni Dad

"Bakit ba kayo nandito?"tanong ni Kim

"Nandito kami para itanong na ikaw ba talaga si Kimberly Tolentino?"pag uumpisa ni Kuya Gheo

"huh?"bakas sa mukha niya ang pagtataka

"ito oh"ipinakita ni Kuya Gheo ang picture ni Kim nong bata pa sya na kasama nya si Lola Melda

"si lola to"sabi nya at agad namang inilabas ni Kuya Gheo ang isa pang picture na kasama kami ni Kim

"ano to?"gulat nyang tanong

"nung pumunta ako sa bahay ni lola melda ay ipinag tanong ko kung may nakita syang batang babae at ipinakita ko ang picture na to"sabay turo dun sa picture na galing samin"nong araw na yun itinanggi nya pero noong nakaraang taon lang ay sinabi nya na nasa kanya yung batang babae pero huli na bago pa nya masabi kung nasaan yung bata eh namatay na siya"sabi ni Kuya Gheo may luhang pumatak sa mata ni Kim at puno nang pagtataka yung reaksyon nya

"at napag alaman ko na ikaw lang pala ang apo ni Lola melda dahil isa lang ang anak nya at si Mam yun"dagdag pa ni Kuya Gheo kaya napatingin kami kay Mrs.Tolentino na naiyak na din pala

"Mom totoo ba?"tanong ni Kim

"sorry Kim kung tinago namin yun sayo at alam na din amin na ang mga Mendoza ang tunay mong pamilya"naiyak na sabi ni Mrs.Tolentino

"Alam mo na? eh bakit hindi nyo binalik ang anak namin huh!"galit na sabi ni Mommy

"Mr. and Mrs. Mendoza kung kukunin nyo si Kim okey lang dahil kayo naman ang tunay na magulang pero sana wag nyo syang igaya kay Sky na hindi magawa yung gusto nya"sabi ni Mr.Tolentino

"anong sabi mo?!"iritang tanong ni Dad

"Tunay naman diba? isang pamilya ang kailangan nang anak nyo pero hindi nyo maibigay! dahil lagi kayong wala sa bahay at ang masmasaklap kulang nalang eh patayin nyo si Sky dahil sa pag kawala ni Miles!!"pasigaw na sabi ni Mr.Tolentino

"wala kang alam kaya puwede ba manahimik ka!!"sigaw din ni Dad

"siguro nga wala pero alam ko ang pakiramdam nang anak nyo hindi man sya nag sasalita pero nasasaktan din yan bata parin yan!"sabi ni Mr.tolentino

"puwede ba wag mong sigawan ang asawa ko!"sigaw ni Mommy sabay tulak kay Mr.Tolentino

"HOY!! wag mong itulak asawa ko ano tayo nalang mag away ?"sabi ni Mrs.Tolentino tapos para silang manok na nagsabong nag sasabunotan na sila pinipigilan ni Mr.Tolentino at ni Kim si Mrs.tolentino si Dad naman at si kuya Ghoe ay si Mommy

" puwede ba tumigil kayo!"sigaw ko kaya napatigil silang lahat"Mr.Tolentino wala kayong dapat ipag alala dahil kaya kong controlin ang emostion ko! kaya kong magpigil at wala na kayo dun kung sumabog man ako"sabi ko kaya napatungo sya"Kim kung sasama ka edi ayos kung hindi ewan ko nalang sa mga magulang mo!"sabi ko

"Sky mga gulang mo din sila?"sabi ni Kim kaya napatawa ako tawang peke

"magulang? naririnig mo ba yang sinasabi mo? 12 years akong walang magulang kim at sa tingin ko mas maganda kung ako ang nawala at mas maganda kung namatay nalang din ako!"sigaw ko lumapit si mommy sakin at sinampal ako

"Hon!"sigaw ni Dad

"Sky mas maigi nga kung ikaw nalang ang nawala"sabi ni Mommy

"oh diba! yan diyan kayo magaling ang saktan ako ang sisihin ako mas maigi na ring siguro na hindi nalang kayo ang naging magulang ko"akmang sasampalun ulit ako ni Mommy nang mahawakan ko ang kamay nya"dont you dare mom! hindi mo ako kilala kahit sayo ako galing!"sabi ko at binitawan ko nang marahas ang braso ni Mommy at nag lakad na ako palabas

Paglabas ko dun ko naramdaman ang panglalambot ko hindi ko pa nasisigawan nang ganon si Mommy kaya parang ang sama sama ko gusto kong maging okey kami pero BUWISIT! lang talaga.

My Campus QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon