Chapter One: Better to be alone? or not?

35 2 0
                                    

Chapter 1- Better to be alone? or not?
---

We enter the world alone,
We live the world alone
So it's better to be alone.
©owner

___________

"Grabe tignan mo yung babae oh!" Girl 1

"Bakit ganyan siya manamit? Muka siyang.. Basahan, girl!" Girl 2

"Correct ka diyan, Shiena! Saka ngayon ko lang nakita ang isang 'yan ah!" Girl 3

"Is she a transferrie?"Girl 2

"I think yes! She's newbie! Bagong muka siya eh." Girl 1

"Oo nga! Bagong mukang basahan! Hahahaha!" Girl 3

Bago ko pa maiyukom ang kamao ko dahil sa mga naririnig kong usapan ng tatlong babae, nag iba nalang ako ng way ng daan palayo sa kanila. Hangga't maaari, ayokong maging laman ng usapan ng karamihan kaya iiwasan ko ang mga grupo grupo.

Sa tuwing nagta-transfer ako sa iba't ibang school, ganito nalang palagi. Kung dadaan ako sa hallways, pinagtitripan ako, kapag papasok ako sa room ko, aasarin ako at pagtatawanan, kapag papasok ako sa dean's office, palagi akong utusan, kapag dadaan ako sa mga fields, sinasadya nilang ipatama ang bola sakin para lang pagtawanan ako at ipahiya sa maraming tao. Basta kung ano ano pang klaseng pamamahiya.

That's immune for me. Araw araw mo ba namang nararanasan sa tanang buhay mo magtataka ka pa? Magtatanong ka pa kung bakit nila iyon ginagawa? Siguro sayang saya ang mga kaluluwa nila kapag may isang tao silang napapahiya sa isang araw.

"Eyy hello miss! Anong name mo? Can I get your number?" Pagdaan ko palang sa mga rooms, iyan agad ang bungad sakin nung mataba habang natatawa tawa pa. Mayroon siyang dalawa pang kasama pero wala akong pakialam.

Tuloy parin ako sa paglalakad dahil wala naman akong balak na lingunin siya at isa pa, hindi ko sila kilala.

"Miss!" Hindi ko pinansin ang pagtawag nung mataba. Alam kong siya yun, kaboses niya eh. May iba rin akong naririnig boses, isa yata sa mga kasamahan nung mataba.

"Miss, sandali!" Mas binilisan ko pa ang lakad dahil nararamdaman kong may sumusunod sa akin.

"Miss!" Binilisan ko pa lalo hanggang sa maglakad takbo na ako. Hayy! Ano bang kailangan nila?!

"Miss Yu!" Napahinto naman ako sa pagtawag niya saking Miss Yu. Sandali, what did he say? Miss Yu?





Napalingon ako sa kaniya ng nakakunot ang noo, "Paano mo nalaman ang apelido ko?"

Opposite Attracts? (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon