Chapter Four: Am I in Love?

11 2 0
                                    


Chapter 4- Am I in Love?
---

It's easy to fall from the people who are handsome from in and out.

___

"Dito ka lang ah? Maghahanda lang ako ng inumin." Tinanguan ko lang si Link at umupo sa sofa nila. Napansin ko yung bahay nila, luma narin at ang dami nang sira. Yung sofa rin nila, may butas na. Pero ayos lang, sanay naman na ako. Hindi ako katulad ng iba na ang daming kaartehan sa katawan, hindi naman nila ikinagaganda.

Napukaw ang atensiyon ko nang makita ko ang picture frame na nakasabit sa pader nila malapit sa TV. Hindi ko alam kung bakit parang may nag uudyok sakin na lumapit doon kaya lumapit nga ako at pinagmasdan iyon.

May nakita akong isang bata na kasama nung isa pang sa tingin ko ang edad nito ay 25 na pataas. Pinagmasdan ko yung muka nung lalaki na nakaakbay sa bata. Nanliit ang mata ko nang may maalala ako.


Parang may kamuka siya. May cut ito sa bandang gilid ng mata niya.

Saan ko nga ba ito nakita? Parang familiar ang muka sakin nung lalaki, pero hindi ko matandaan kung saan ko nga ba nakita ito.

"Sino ka?!" Mabilis akong napatingin sa nagsalita, nakita ko ang lalaki na kamuka nung nasa picture na may cut sa bandang malapit sa mata nito. "Anong ginagawa mo sa bahay ko?! Magnanakaw ka ba?! Ha?!"

Nakakatakot siya. Napalunok ako dahil papalapit na sana siya sakin pero biglang nagsalita si Link. "Tito! K-Kaibigan ko po siya!"

Mabilis siyang tumakbo papunta sa gitna namin at pumwesto siya sa unahan ko na para bang pinoprotektahan ako nito.

"Ahh, kaibigan mo pala ang babaeng 'yan. Hindi ka marunong pumili ng kakaibiganin mo, hindi masarap."

"Tito!"

Nanlilisik ang mata nitong tumingin sakin kaya naman napakapit ako sa uniform ni Link.

"Nagbibiro lang ako masyado kayong mga seryoso." Ngumisi ito at naglakad palayo samin, "Hoy! Magsaing ka! Dapat pag uwi ko may sinaing na. Kapag wala, alam mo na ang kahahantungan mo!" Babala nito kay Link at lumabas na siya sa pintuan. Mabilis naman na tumakbo si Link papunta sa pintuan at nilock iyon. Lumingon siya sa mga bintana at sinarado iyon.

Nanatili lang akong nakatayo habang malakas ang pagkabog ng puso ko. Natatakot ako. Eto ang unang beses na natakot ako ng sobra pagkalipas ng maraming taon.

Opposite Attracts? (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon