Chapter Two: Loner

27 2 0
                                    

Chapter 2- Loner
---

Sometimes you feel alone, but there's someone who will be there with you and makes you smile when sadness comes in you.

________

"Heto po yung ipinapadala niyo sakin, Tita." Inilapag ko sa lamesa ang dala kong art materials na kailangang gamitin ni Tita para sa pag p-paint niya. Isa kasi siyang painter at sa totoo lang, napakagaling niya mag paint.

Tumayo si Tita mula sa pagkakaupo niya sa sofa at lumapit sa freezer.

"Ilagay mo lang diyan, pwede ka nang umalis, ayaw kong makita 'yang pagmumuka mong napaka pangit! Alis na." Napayuko ako at naglakad ako ng mabagal palabas sa bahay niya. Paglabas ko ng pintuan, naupo ako sa mahabang upuan na nasa tabi lang ng pintuan.

Bumuntong hininga ako at pinaglaruan ang daliri ko.

Nasabi ko na ba sa inyo na nakikitira lang ako sa Tita ko? Wala na akong mga magulang. Iniwan nila ako nang makatuntong ako ng grade 1, at doon nila ako pinamigay sa Tita ko. Noong una, mabait sakin ang Tita ko, pero nang umabot ako sa edad na labing apat, naging ganito ang turing niya sakin.

Katulad ng pagturing sakin ng iba, ganun din ang turing ni Tita sakin. Pero, hindi ko magawang mainis sa kaniya dahil siya naman ang nagpapakain sakin, siya rin ang nagbibigay sakin ng pambaon ko sa araw araw, at siya rin ang nagpaaral sakin (I mean yung kalahati lang.) Kaya pasalamat parin ako dahil kahit na ganun siya, binuhay niya parin ako sa pamamagitan ng pag p-paint niya.

Nang medyo naboring ako, naglakad lakad muna ako sa labas para naman hindi ako maboring. Para naman kasing mamamatay ako dahil wala akong magawa doon. Wala rin akong cellphone o kung ano man para manlang sana pampalipas ng oras.

Tuwing gabi, ganito ang routine ko. Ang maglakad lakad nang wala akong kasama. Sanay naman ako at hindi narin ako natatakot, bakit pa ako matatakot? Eh wala naman magtatangka sakin 'no, sa pangit kong 'to?

Hayy. Tuwing makikita ko ang itsura ko sa salamin, hindi ko naman maiwasan na sisihin ang mga taong nakapaligid sakin na mapang asar. Sa ganitong muka ba naman eh? Makapal ang kilay, puros tigyawat at wala na yatang mapagpwestuhan dahil dikit dikit, sabog sabog ang buhok at halata mong hindi nagsusuklay, pero maayos naman ako sa pananamit.

"Akin na 'yang pera mo, holdap 'to! Wag kang magtangkang pumalag, isasaksak ko sa'yo 'to!" Napalunok ako nang may marinig akong isang boses ng lalaki. Paglingon ko sa malapit sa isang bangketa, nakita ko doon ang lalaki na tinutukan at kinukwalyuhan nung isang lalaki. Hindi ko nga lang masyadong makita ang muka nito pero alam kong may katandaan na ito, siguro nasa 50's na.

Sa takot ko, nagtago ako sa pader at sinilip ko sila kung ano na ang ginagawa nila.

"Eto na, i-ilalabas ko na.. W-Wag mo lang akong p-papatayin, maawa ka." Pagmamakaawa nung lalaki. Nagpintig ang tenga ko nang marinig ko ang boses na iyon. Nakita ko siya kung paano nilalabas ang wallet niya sa bulsa niya. "Heto! Heto! Maawa ka, wag mo kong papatayin!"

Opposite Attracts? (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon