Broken 😭

1.8K 29 0
                                    


*dedicated to @amekcomendador

Nararamdaman kong nag iinit ang mga mata ko at para akong maiiyak. Nakikita ko kasi sa ibang pictures na nakahawak si Kenzie sa bewang ni Cheska at nakasandal sa balikat nya habang pumipikit pa.

Ouch!! Ang sakit mula split ends hanggang ingrone! Para akong baliw na nkatulala sa mga pictures. Binasa ko ang mga comments kahit ang sakit sakit na. May nagsabi pang bagay daw sila. Yung iba naman congrats. Yung iba kailan daw ang kasal. Tas ito namang si Cheska reply lang ng reply. Di ko namalayan tumutulo na pala ang mga luha ko habang pinagmamasdan ang mga pictures.

Akala ko ba mahal nya ako? Akala ko ba ako lang? Akala ko ba forever na? Tama nga sila na walang forever! Ang tanga tanga ko at inibig ko sya. Sabi pa nya sakin na di nya ako sasaktan! Pero bakit ngayon kakasimula pa namin pinapatay na nya ako.???

Ang daming tanong sa utak ko. Hindi ko lang maintindihan kong bakit nya ako ginaganito! Pinaglalaruan nya lang ba ako?? Nag eenjoy siguro syang saktan ako!

Sinara ko nang dahan dahan ang laptop ko. Wala na akong lakas na ipagpatuloy ang sinimulan kong paghahanap ng pag ibig este music pala. Para na akong nanghihina at hindi na rin nag fufunction ang brain ko. Automatic lowbat na ako.

Kinuha ko nalang ang malambot kung pillow at niyakap ito ng mahigpit. Nakahiga na ako this time habang umiiyak. Nakita ko ang stuff toy na bigay sakin ni Kenzie.. Yung kulay pink na baboy. Human size kasi yun kaya dinisplay ko lang sa tabi ng bed ko. Kinuha ko ito at sinampal sampal. Para akong engot na umiiyak habang binubugbog ang stuff toy.

Kakainis ka Kenzie!! Bat sinasaktan mo ako ng ganito?? Sabi ko habang umiiyak at pinapalo ng malakas ang Baboy kong stuff toy. Kawawa naman sya. Binuhos ko lahat ng galit dun.

Nang maramdaman kong medyo okay na ako tinigilan ko na ang Baboy. Kawawa na kasi sya at nabugbog na. Nakita kong medyo matatanggal na ang tenga nya kaya dali dali ko na naman itong niyakap at nag sorry. Haaaay!!! Para akong baliw.

Pinili ko nalang ipikit ang mata ko para makatulog. Marami pa akong gagawin bukas sa school kaya dedma muna ako. Pero kahit nakapikit na ako nakikita ko pa rin si Kenzie na tumatawa habang kayakap si Cheska. Naglalaro sa utak ko ang mga possibilities kung anong ginagawa nila ngayon.

Tumulo nalang ulit ang luha ko. Bakit ba kasi nasasaktan pa ang tao?? Sana manhid nalang ako. Hassle naman tung mata ko parang nka unli sa pag iyak!

At nakatulog nalang ako habang umiiyak.

---

Matamlay ako ngayon at walang ganang pumunta sa room at nagmukmok sa upuan ko. Wala pa kasi ang prof ko kaya sinubsob ko muna ang mukha ko sa desk ng chair.

Eeeeehhhh ... rinig ko ang ingay sa labas ng classroom. Pero wala akong paki nu! Bahala nga sila dyan kahit dumating man si James Reid or di kaya si Daniel Padilla! Wala na akong pakialam sa mundo.

Tila tumigil ang hiyawan at parang tumahimik ang paligid kaya na curious ako. Inangat ko ang ulo at nakita ko si Kenzie na may hawak na bouque ng tulips.

Babe.. Im so sorry. Alam kong nasasaktan ka ngayon pero mali ang iniisip mo. Sabi pa nya.

I can't move sa nakita ko. Para akong kinikilig na nasasaktan. Ewan ko ba gusto ko syang yakapin at tanggapin ang sorry nya kaso pinipigilan ako ng galit. What should I do??

---- --

Cheska's POV :

Haay Salamat !! After how many years naka POV na rin ako. Naghintay kaya ako.. ang arte kasi ng author ayaw pa akong gawing bida ng story na to! Hmp!! Obvious naman na ako ang pinakamaganda dito. May reklamo ka??? Tssss. Baka gusto mong bilhin kita? Magkano kaba??

By the way Im Cheska Rodriguez! Also known as the spoiled princess of the Rodriguez herarchy. Kahit ayaw nyo sakin, wala akong pakialam. Basta akin ang moment na ito and nothings gonna change that. Hmp! (fliphair)

Kasama ko nga pala si Kenzie sa OceanView ngayon. Yes! Andito kami sa Bar dahil naging successful ang first plan ko and that is to make Kenzie follow my conditions.

Naalala nyo kanina.. naging groupmate ko sya sa punishment task namin. Diba ang blessed ko lang?  Ikaw ba naman ang maganda.. ipagpapala ka talaga! Hahaha Di tulad ng girlfriend nyang mukhang paa!! Opps.. Bad ba ako?? Hindi nu! Evil ako to be exact. Reklamo ka?? Tsss.

Sinadya ko talagang umayaw sa mga suggestions nila kahit kaya ko namang gawin yun lahat. What to expect?? Talented kaya ako. Nasa akin na ang lahat pwera nalang kay Kenzie na ultimate crush ko. But no worry.. in the right time.. magiging akin din sya. Wait nyo na lang ha!! 👿👿

Kaya inabot na kami ng 8:30 pm sa music room dahil sa kaartehan ko. Maarte naman talaga ako. Inaamin ko yun! Maganda eh! Pero ginusto ko ang lahat ng nangyari dahil nakasama ko si Kenzie the whole time. Kaya no choice nalang sila kundi sundin ang gusto ko para makauwi na kaming lahat and that is to follow my three conditions.

First .. gusto ko ako ang masusunod at ang gusto ko one act play ang gagawin namin sa Party.

Second .. gusto kung mag celebrate kami after dito. At gusto kung sumama silang lahat sakin sa OceanView.

And the last one is to drink with me.. kahit thirty minutes  lang. Okay na ako dun.

Kaya no choice sila kundi sundin ang reyna!!! Very good ang plan ko diba?? Samin ang bar natu kaya I have the authority to make things happen here.

Sinadya ko talagang lasingin silang lahat. Yung tamang hilo lang naman . Pinapalitan ko lang ang drinks namin then I add a little bit of magic kaya ayan!! Knock out na yung dalawa habang si Kenzie ko natutulog sa may couch.

And I grab this perfect opportunity and that is to steal what is really meant for me. I take some pictures with Kenzie. Pinadispatsya ko na yung dalawa. Wala naman silang kwenta sakin eh!

Pinilit kong bumangon si Kenzie kahit nanghihina sya.. at pinasandal ko sa balikat ko. Gusto ko yung sweet talaga kami tingnan. Bwahahahah

Kahit natutulog tong si Kenzie ang cute nya pa din at ang sarap halikan. Naamoy ko ang pabango nya. Nakakaadik lang! Pero kailangan ko ng kumilos para sa aking Evil Plan 101.

---- ---

Happy Reading !! 😊😊😊 Don't forget to vote and comment. ☺ Message nyo naman ako pls.. I really want to have some friends dito sa Bookworld. Lovelots!!! 😚😚

xoxo(neomaldita) 🍒

MY OBSSESED BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon