Happiness

1.3K 26 5
                                    

Hindi ako makatingin ng diretso kay Kenzie habang nagmamaneho nung sasakyan nya.Hindi na rin ako masyadong nagsasalita. Nag rereplay pa kasi sa utak ko yung nangyari kanina. Para akong mababaliw. Ihahatid na nya kasi akong pauwi sa amin. Yung mama ko kasi ang OA kanina habang tumatawag sakin. Baka daw napano na ako at mag alas 9 na ng gabi at di pa ako nakauwi. Nakalimutan kong ipaalam sa kanya tungkol dun sa dinner. Nawala sa utak ko eh dala ng sobrang nerbyos.
Kaya heto kami ngayon at sya na raw magpapaliwanag sa mama ko.


" Babe .. " mahinang tawag nya sakin.



"Oh?! " sagot ko.


" Sorry na .. binibiro lang naman kita kanina eh. " sabi nya at hawak nung kamay ko.


"I know .. nabigla lang ako . " tugon ko pa



"Wag ka nang mabibigla .. palagi na nating gagawin yun. Masanay kana Babe." sabi nya na ikinalaki nung mata ko habang nangingiti pa ang loko!



"Tse! Manyak ka!" Sigaw ko sa kanya.


" Pero love ka ng manyak natu!" Pang aasar nya sakin habang nka killersmile.



"Behave ka nga dyan Kenzie .. yang daan tingnan mo. Wag ako!! " sagot ko sa kanya. Pano kasi tinitingnan na naman nya ako ng malagkit.



"Pakasal na tayo Babe .. " seryoso nyang tugon na nagpawindang sa akin.



"Kasal kasal ka dyan .. Wala pa tayo sa tamang edad nu!" Ikaw talaga Babe .. " sagot ko.


"Para maging akin kana talaga .. " sabi nya at kiniss ako sa noo.


Hayy Kenzie!! Wag kang mag alala sayong sayo lang ako. In the right time sabay nating sasabihin ang Yes, I do! Takte!!! Ano na naman tung pinag iisip ko.


Nakarating na kami sa bahay at nakapagpaliwanag na rin sya kay mama. Umalis na rin sya kasi gabi na rin at may pasok pa kami bukas.


Para akong bolang pagulong gulong dito sa kama ko. Di ako makatulog kakaisip nung mga nangyari. Nakilala ko na ang family nya at naging close ko pa. Hindi ko na kaya pang mawala sya or iiwan nya ako. Baka ikamatay ko na.


------- --


"Kyaaaaaaah !!!" Sigaw ni Ace

"Hoy gaga .. wag kang maingay may nagka klase oh!" Sita ko sa kanya.


Ang OA  nya mag reak!! Kinwento ko sa kanya lahat kaya napasigaw sya. Tsk! Parang baliw. Andito pa naman kami sa Hallway. Malalagot pa kami sa mga teacher na nagtuturo pa.


"Congratulation Besh .. your on the next level of  your relationship!" sabi nya na parang robot ang tinig na para nung sa mga virtual games. Sira talaga tung kaibigan ko.



"Besh .. nkaka stress pala pag first time mung ma meet ang mga parents nila" Para kang naglalakad lang sa hangin." Sabi ko.



"Kailan kaya ako ipakilala ni Neptali sa parents nya?" Saad nito na tila nag daydreaming pa ang porma habang nakatingin sa langit.



"Darating din kayo dyan Besh .. Kaya kung ako sayo mag iipon na ako ng sako sakong lakas ng loob." Advice ko sa kanya.





~~ Kriing Kriiing ~~




"Halika na Besh at nag ring na ang bell. May quiz pa naman tayo sa Mythology1" hila ko sa kanya papuntang classroom namin.



Pumasok kami agad at diretso sa upuan namin ng may mapansin akong bulaklak sa desk ko at isang paperbag. May note yung paper bag kaya binasa ko.

    Hi Babe 😊 Happy morning! White rose for you. It symbolizes my clear and pure intentions on you. Iloveyou.

PS: Share mo kay Ace yang pinabaon ni mama sayo.



Napangiti ako mula eardrum sa laki! Ang sweet nya. Nakaka inlove lalo. May pa ganito pa sya. Hmp! Kinikilig na naman ako. 


Dali dali kung binuksan yung paperbag only to find out na lunchbox ito at may lamang crema de fruta!! Pagkain na naman. Yeeeey!





--- ----


"Hoy Besh .. bigyan mo pa ako. Ang damot nito!" Reklamo ni Ace dito sa cafeteria.


Kinain na namin yung bigay nung mommy ni Kenzie .. Kaso itong si Ace naging matakaw bigla at parang ayaw na nya akong pakainin. Hmp! Ako pa naman ang binigyan.


"Ako pa tung madamot .. eh halos ikaw na nga ang umubos nyan. Kay Tita Mommy pa nman to!" Saad ko.


"Hehe .. ang tagal mo kasing kumuha nung order nating iced cofee eh .. ayun na tripan ko to!" Ang sarap pala nu?" Sabi nya nang nkangisi pa. Tss! Sarap sabunutan! Kung di pa ako dumating di ako makatikim nung isang slice.




"Ikaw magbayad nitong ice coffee ko ha.. ! Matakaw ka . ! Nasabi ko nalang habang tumatawa sya. Ganito lang kaming maglambingan. Yan ang true friends walang halong plastikan kaya nga love na love ko tung sira kung kaibigan kahit walang kwentang kausap minsan.



"Hi Lhubs ..  ! Uy Barbie . " sabat ni Neptali habang umuupo dun sa tabi ni Ace.



"Libre mo kong Ham sandwich dali!" Utos ko kay Neptali. Hehe


"Ba't ako pinapalibre mo? Ang yaman yaman mo tas ako pa pineperwesyo mo" tanggi nya habang sumisiksik sa gilid ni Ace. 


"Yang girlfriend tanungin mo! Inubos nya pagkain ko. Kuha muna ako dali.!!" Sabi ko .. Hehe Naging close ko na rin kasi tung si Neptali. Nakakatuwa nga tong kasama eh kaya pala napamahal ang bestfriend ko sa ungas natu!


"Tss .. pag ako nakaganti sayo! " sabi nya at tumayo na papuntang counter. Natatawa nalang akong tiningnan sya habang kamot ang ulo nya. Hehe


"Hey Babe .. !" Sundot sakin ni Kenzie mula sa likod. Napamura tuloy akong wala sa oras.


"Pag inatake ako sayo .. lagot ka talaga sakin Babe !" Sabi ko habang kinikiss nya ako sa cheeks.

"Buti nga yon nang maparusahan mo ako. Tas papipiliin mo ako Babe .. kung hirap o sarap. !" Natatawang sabi pa nya. Loko tung si Kenzie ah. Sarap batukan.


"Manyakis ka talaga! " bulyaw ko sa kanya.



"Joke lang .. ito naman!" Sabi nya habang iniinum yung ice cofee ko. Iisang straw lang yung gamit kaya kinikilig ako ng slight! Hehe Ako na maharot!



"Uy Bro .. kanina ka lang?" Tanong ni Neptali kay Kenzie habang lapag nung Ham sandwich namin ni Ace.



"Ngayon lang din Bro .. Ikaw ah. Lupet mo pare . Nakuha mo si Ace agad!" Sabi ni Kenzie.



"Lam mo namang gwapo ako.. Diba problema natin yun.?".. sabi pa nito


"Hassle talaga!" At sabay pa nilang sabi kaya nagtawanan kami .



Ang saya ko lang ngayon kasama ang mga taong mahal ko. Sana hindi nalang matapos ang araw na ito. Para palagi kaming nagkakasundo at masaya.


------ ---

Short UD's lang .. Sorry! 😔 Magpapa enroll pa kasi ako bukas for summer class. Bawal ma stress ang brain at beauty ko. Charot charot lang! Hehe Sana na enjoy nyo. 😁😁😊   Please vote and comment pa rin. Thank you nang marami sayo at binabasa mo pa rin to!  ILY 😘😘.


xoxo (neomaldita) 🍒

MY OBSSESED BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon