SN - 3

57 3 0
                                    

Chapter 3 : P H I L I P P I N E S

                       Philippines. The place where I was born. The place that I abandon for how many years. The place where they last breath~

                      Kung titingnan sa mapa ng mundo, malapit lang ang Pilipinas sa Japan. Ngunit aabot ng ilang oras bago mo pa maitapak ang mga paa mo sa teritoryo nito. Ilang oras pa bago mo makita ang bahagi ng bansang ito.

            Nasa eroplano na sila Sasuke, ang nakakatandang kapatid ni Suzuna. Mabait, maalalahanin, makulit, at mapagbiro ngunit minsan ay tamad at madalas ang katigasan ng ulo. Nakasandal s'ya sa upuan niya at tahimik na nakapikit lang. Ilang minuto na rin ang lumipas simula ng lumipad ang eroplanong sinasakyan nila at sa bawat stewardess na dumadaan sa tabi niya ay hinaharang niya muna para makita kung ano ang dala ng mga ito. Ang buong pangalan niya ay Sasuke Mochizuki, labing walong taong gulang. Ayon sa kanya; 'Kung gusto mo akong makalaro kahit saan ka man hanggang may dilim makakalaro mo ako.'

                  Dumilat si Sasuke at tumingin sa seryosong katabi na si Suzuna Mochizuki, labing pitong taong gulang. Simula pagkabata ay humanga na s'ya rito. Bukod sa matalino ay mabilis itong matuto. Palagi itong nangunguna sa paaralan man o pagsasanay. Tahimik, malamig at mababa man ang pasensya  pero may mabuti naman itong ugali na tinatago. Hindi man sinasabi pero kahit papaano'y batid niya sa kilos nito na importante ka sa kanya. Palihim kasi kung kumilos kaya masusurprisa ka nalang. 

                  At ngayon, papunta na sila sa Pilipinas at nag-aalala sya. Hindi mawari ang reaks'yon at mga plano nito. Mahirap basahin ang iniisip at kilos nito. Nababahala s'ya.

"Tama na 'yan, Suzuna. Kailangan mo ring magpahinga." Nag-aalala niyang sabi rito ngunit parang walang narinig ang dalaga at patuloy lang sa ginagawa. Kaya may mahabang katahimikan sa pagitan nila bago ito sumagot ng tipid.

 "I'm fine." Tipid na sagot ni Suzuna kay Sasuke. Apat na oras lang kasi ang tulog ni Suzuna, gayon pa man sanay na s'ya. Bukod pa doon, marami pa s'yang kailangan tapusin lalo na't kumikilos na naman ang kalaban n'yang kompanya para patumbahin ang kompanya niya. Bagamat nagpapadala nanaman ito ng mga tauhan para magmanman. Ilang beses na ba itong nangyari? Hindi na mabilang. Hindi na sila natuto. Mabuti na lang at palagi s'yang pinapaalam ng tito n'ya na pansamantalang namamahala dito. Sa pagkakaalam ng lahat wala ng tagapagmana ang kompanya. At isa ito sa alas n'yang hawak para  kumilos ng palihim sa likod ng anino. May malaki pa s'yang problema tungkol sa misyong ibinigay sa kanila ni Shi Kenji. Hindi n'ya alam kung paano ito sisimulan. 

 

"Pero-- Aish! Bahala ka. Basta magpahinga ka mamaya." Ginulo nalang ni Sasuke ang buhok due to frustration, add to the fact na hindi man lang s'ya tinapunan ng tingin ng kapatid. Nagtatampo s'ya. Masyado kasi itong seryoso at mabilis ang kamay nito sa pagsusulat sa kung ano mang sinusulat ni Suzuna. Napag-isipan na lamang n'yang mas mabuting h'wag nalang itong abalahin upang matapos agad. Kilalang kilala n'ya si Suzuna, kapag may nakita itong problema ay gumagawa agad ito ng paraan. Simula palang ng sakit sinusugpo na agad nito upang 'di na kumalat ang bakterya.

             Sinulyapan  ni Suzuna ang natutulog na katabi at nagpatuloy sa ginagawa. Lumipas ang ilang minuto ay natapos s'ya. Sinubukan n'yang matulog ngunit bigo s'ya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Shadow NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon