"Saan kaya maganda pumunta this weekend?" pagiisip ng malalim ni Kash habang nagbabasa ng libro ang mga kaibigan niya sa loob ng library.
"Something adventurous?" sagot naman ni Che habang ibinubuklat ang librong hawak niya.
"Dami pa gagawin ngayon e!" mukha namang stress na stress na sagot ni Mavis. May pagkamot pa sa ulo.
"Bat kailangan may gala, Kash?" seryosong tanong naman ni Albie kay Kash.
Napatingin naman yung tatlong babae kay Albie. Animo nagtataka kung bakit napakaseryoso lagi ni Albie.
"Alam mo minsan naiisip kong babae ka at meron kang menstruation e." Sagot naman ni Kash kay Albie at tinuturo pa niya ito gamit ang lapis na hawak niya.
"Tss, di naman kasi kailangan pang lumabas ng bahay niyo kada weekends. Stay with your Fam will be fine." sagot ni Albie kay Kash.
Pero habang nagtatalo ang dalawa, nasa malayo ang tingin ni Mavis. Tinitignan niya kasi ang isang lalake sa kabilang table. Familiar kasi sa kaniya ang mukha ng lalakeng ito.
"I think..." sabi ni Mavis at unti unting lumilingon sa kanyang mga kaibigan.
"ano?" sagot naman ni Che na katabi niya lang.
"Nevermind." agad na sagot naman ni Mavis.
Pakiramdam niya'y ang lalake sa katabing table ay si Paul. Pero di na niya ito sinabi sa kaniyang mga kaibigan dahil para saan naman at sasabihin pa niya ito.
Mukhang nagsawa na sa pagbabasa ang magkakaibigan kaya naman naisipan nilang lumabas ng campus at doon kumain sa mga tuhog-tuhog.
"Kuya isang kwek-kwek po." sabi ni Che sa nagtitinda ng streetfoods.
Binigyan naman siya ng bagong init na kwek-kwek at agad na nilagyan ng sauce.
Naging libangan na din ng magkakaibigan ang kumain ng kwek-kwek o kaya ng streetfoods tuwing bakante ang oras nila.
Hindi mapakali si Mavis dahil nakikita nanaman niya ang lalakeng nasa kabilang table nila sa library kanina. Hindi niya alam, pero pakiramdam niya'y sinusundan siya nito.
"Che," lumapit si Mavis kay Che, "yun ba yung Paul?" sabi ni Mavis at tinuro gamit ang nguso.
Tumingin naman si Che sa itinuro ni Mavis, at nakita niya ang lalakeng matangkad, di naman masyado kaputian, tila nakakatusok ang panga neto kapag lumapit ka, makapal ang kilay at perpekto ang ilong nito.
"Oo yata?" sagot naman ni Che habang nakatingin padin dun sa lalake.
Lumaki naman ang mata ng dalawa nang mapansin na nakatingin sa kanila yung lalake at nginitian pa sila nito. Agad naman na tumalikod ang dalawa at pinipigilan ang tawa.
"JUSKOLORD!! HAHAHAHA" tawa ng tawa si Mavis at humahawak pa ito sa tyan niya.
"Hoy tumigil ka na, hahaha" sabi ni Chelsea pero tawa padin ng tawa. Hindi na ata talagang mapigilan ng dalawa ang pagtawa dahil sa kahihiyan na ginawa nila.
Maya maya ay nagkayayaan nang bumalik sa campus dahil malapit na ang susunod na klase ng magkakaibigan.
Habang papasok sa classroom, nakita nanaman ni Mavis ang lalake sa labas ng classroom nila. Hindi niya alam dahil bumilis ang tibok ng puso niya. Dahil siguro it sa takot dahil medyo nacr-creepyhan na si Mavis sa lalakeng ito, dahil lagi niya itong nakikita kahit saan man siya pumunta.
Nakatingin lang sa kaniya ang lalake habang papasok na si Mavis sa kaniyang classroom. May mga kasama itong lalakeng ito, mga kaibigan niya.
Nang malapit na sa classroom, nakikita ni Mavis na nagtutulukan ang mga lalake. Kaya naman napatingin siya dito at agad naman na napahinto ang mga lalake sa pagtutulakan.
Animo nagbubulungan ang mga ito.
Papasok na sana si Mavis nang bigla niyang narinig ang isang lalake na tinawag ang pangalan niya.
Napalingon naman si Mavis, at nakita nga niya yung lalakeng lagi niyang nakikita. Sinasabi na nga ba nito. Malakas talaga ang pakiramdam niya na si Paul ang lalakeng ito.
"Hi," palapit na sinasabi ng lalake at nakangiti pa ito. Tumango naman si Mavis.
"I'm Paul." nilahad niya ang kamay niya na para bang gustong makipag shake hands kay Mavis.
"Hello. Mavis." sabi naman ni Mavis at inabot din ang kamay. Naisip niya kasing baka sabihin suplada siya kung hindi niya iaabot ang kamay niya. Matapos makipag shake hands ay, nagngitian ang isa't isa.
"I decided to face you kasi baka isipin mong trip lang kita." sabi naman ni Paul. Nagtaka naman ang mukha ni Mavis. "Don't make me wrong, haha. Baka kasi isipin mo I'm like other guys na makikipagusap sa chat and then di naman balak makipagusap in person." Pag-clear ni Paul.
"No, actually it's okay. Hmm, sorry I have to go. See you around." magsasalita pa sana si Paul pero huli na dahil pumasok na agad si Mavis sa classroom neto.
"So siya nga?" sabi agad ni Che pagupo ni Mavis sa kaniyang upuan.
"Yup, lakas talaga ng radar ko. Hahaha." pabirong sabi naman ni Mavis at tumawa ang dalawa.
-
Nang makauwi ng bahay si Mavis, agad niyang binuksan ang laptop niya at as usual, nageedit nanaman ng film.
Nakita niya ring may notification sa kaniyang messenger. Si Paul ulit.
You're cute in person - Paul
Bigla namang namula ang pisngi ni Mavis dahil sa nakita niyag message.
Oops, then Thanks. -Mavis
Hindi alam ni Mavis pero bakit ganito ang nararamdaman niya. Parang naguunahan tumakbo ang mga kabayo sa loob ng tyan niya.
Can we have lunch tomorrow? libre ko! - Paul
So bilis naman. I don't know because I'm with my friends. - Mavis
Gawa mo? - Paul
Hindi nanaman natapos ni Mavis ang videona ineedit niya dahil sa tuloy-tuloy na pag-uusap nila ni Paul.
Alas dose na ng madaling araw pero heto't hawak padin ni Mavis ang kaniyang cellphone dahil hindi parin sila tapos ni Paul magusap.
I think you're about to sleep na? - Paul
Yes, Goodnight. (smiling emoji) - Mavis
Natapos ang paguusap nang dalawa. Nakaramdam naman ng saya ang puso ni Mavis. Bukod kasi sa galing lang siya sa break-up, alam niya rin sa sarili niya na ang mga broken hearted na tao ay madaling ma-fall.
BINABASA MO ANG
Let Me Love You
RomanceHindi natin masasabi kung kelan tayo matatamaan ng "love," basta ang akin lang, kapag dumating na siya, ayoko na siyang pakawalan at mamahalin ko siya ng buong buo.