Kabanata 5

1 0 0
                                    

"Thank you about last night. Good morning, this is Mavis :)" ilang beses pinagisipan ni Mavis kung isesend ba niya ang text message na yan kay Paul. Nahihiya kasi ito, baka kung ano ang pa ang isipin ni Paul.

Biglang nag ring ang telepono sa condo niya kaya naibato niya ang cellphone niya sa pagkagulat, agad naman siyang tumakbo sa telepono niya.

"Yes?" sagot ni Mavis.

"Miss Mavis, may bisita po kayo dito sa baba." sabi ng babae sa linya.

"Sino daw?" dahil walang natatandaan si Mavis na pinapunta niya sa condo niya.

"Kash daw po ang pangalan." sagot naman ng babae.

Bakit naman kaya pupunta si Kash? alam kasi ni Mavis mamaya pa ang exam nila dahil isang subject lang naman ito.

"Paakyatin mo nalang. Thank you" sabi ni Mavis at ibinaba na ang telepono.

Pagbaba ng telepono ay tumakbo agad siya sa cellphone niya, nanlaki ang mata niya ng makita na nagsend ang message.

"Oh shocks!!!" sigaw nito.

Narinig niyang may kumakatok at alam niyang si Kash iyon kaya binuksan niya ang pinto.

"Mygad Mavis, ikaw ba yung narinig kong sumigaw?" bungad na sabi ni Kash.

"Hehehe, narinig mo pala?" sabi nman ni Mavis at napahawak pa sa batok.

"Oo, girl! bakit?" sabi nito at umupo sa sofa.

"Wala naman." sabi ni Mavis. Iniisip pa kasi niya kung ikwekwento ba niya ang tungkol kay Paul.

"Sure?" sabi naman ni Kash at hindi naman mapigilan ni Mavis na mailang sa titig ni Kash dahil nga may tinatago siya.

"Okay," sabi ni Mavis at inumpisahan na ang kwento. Sinabi niya ang lahat ng nararamdaman niya na naguguluhan siya pero kinakabahan.

"So? kinikilig ka ba sa kanya?" tanong naman ni Kash matapos ikwento ni Mavis nag lahat simula sa unang pag-uusap nila hanggang sa text message kanina.

"Di ko alam kung kilig e. Pero natutuwa? nakakatuwa siya kasama, seriously. And I don't feel awkwardness sa kaniya since di naman kami masyado magkakilala. He is different, I think." sabi naman ni Mavis. Iyon talaga ang masasabi niya. Kakaiba si Paul dahil mabilis ang pangyayari pag dating kay Paul.

"Pero, alam mo naman na masakit masaktan diba? You're too different when your heart get broke. You know what? after what happened to you and Troy? di ko alam kung may mga matitino pa ba talagang lalake e. But I guess, yes? It will be Albie if ever." sabi ni Kash. Napaliit naman ang mata ni Mavis nang sabihin ni Kash ang bandang dulo. Pakiramdam kasi talaga niya ay may something kay Kash at Albie.

"Tell me, what is between you and Albie?" tanong ni Mavis at naka-cross armed pa ito.

"Nothing. At kung meron, don't worry sasabihin ko agad." pagkindat at nakangiting sabi ni Kash.

"Nako, kayo ah!" sabi na lamang ni Mavis. At nang matanto, "Bakit pala ang aga mo dito?" tanong ni Mavis kay Kash.

"May news kasi ako sayo." sabi ni Kash at sobrang lawak ng ngiti nito.

"Ano?" tanong naman agad ni Mavis.

"Tungkol ito sa studio ni Tita, she wanted to sell it. Pupunta na kasi siya sa Paris dahil may big project siyang gagawin don. And I know that your dream is to have your own Studio Picture. Sinabi ko na kay Tita na may kilala ako at friend ko kaya ginawa niya, libre nalang!" Mukha namang sobrang saya ni Kash sa balitang sinabi niya kay Mavis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Let Me Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon