Maaga namang pumasok sa school si Mavis kinabukasan. Sobrang bigat ng mata neto dahil sa pagpupuyat niya kagabi.
Bago pumunta sa classroom, dumaan muna si Mavis sa chapel. Ganon naman niya lagi inuumpisahan ang kaniyang araw sa paaralan. Dinaanan na din niya ang kaniyang locker dahil ibabalik niya ang librong dinala niya kahapon.
Nanlaki ang mata ni Mavis nang makita si Paul pagsara niya ng locker niya.
"Hi" bati ni Paul. Natawa naman si Mavis ng malakas dahil bukod sa nakasmile ito ng sobrang lapad, kitang kita mo din ang fresh netong eyebags.
"Ba't ka tumatawa? anong nakakatawa?" sagot naman ni Paul at kinapa ang mukha niya animo naghahanap ng dumi sa mukha.
"Wala, natawa lang ako sa eyebags mo." sabi ni Mavis at naglakad na.
Nakasunod naman si Paul sa likod nito. "Grabe ka naman, e kala mo naman di ganon eyebags mo." sabi ni Paul kaya napatigil naman si Mavis.
"Dahil sayo to." sabi ni Mavis at bigla namang uminit ang pisngi niya. Baka iba ang isipin ni Paul. "Ah sige, bye na." dugtong agad ni Mavis at tumakbo na papunta sa classroom.
"Oh? may humahabol ba sayo?" pagtataka naman ni Albie nang makita si Mavis na hinahabol ang hininga neto. At daretsong umupo sa upuan niya.
"Wala naman, biglang bumilis kasi tibok ng puso ko" sabi ni Mavis at humawak pa sa kanyang dibdib. Nanlaki naman ang mata niya nang marealize ang sinabi.
"Ha?" tanong naman agad ni Albie.
"Ay, wala. wala." sabi ni Mavis na parang aligaga.
Hindi talaga niya alam kung bakit ganon ang naging reaksyon niya. Unang una, hindi pwede dahil kakakilala lang niya kay Paul. Pangalawa, di pa niya gaano kilala si Paul. Ang isang gabing pag-uusap ay hindi pa sapat.
Habang nasa canteen, nakatulala lang si Mavis at ang tatlo naman niyang kaibigan ay nagbubulungan. Napansin iyon ni Mavis kaya napakunot ang noo niya.
"Anong pinagbubulungan niyo?" tanong ni Mavis sa tatlo at bigla namang naghiwa hiwalay ang tatlo na kanina'y halos magkapalit na ng mukha.
"Wala." sagot ni Che at inikot ikot ang tingin. Parang may tinatago.
"Meron ba?" sagot naman ni Kash at napasubo nalang sa pagkain niya.
"Mamaya na pag-usapan" seryosong sabi naman ni Albie at sumubo din ng pagkain.
"Sus" sabi naman ni Mavis at nirespeto nalang ang sinabi ni Albie.
Gulong gulo padin ang isip na Mavis dahil maya maya't na lumalabas sa isip niya si Paul.
Noong kagabing magkausap sila, nakita ni Mavis ang pagiging madaldal nito. Tawang tawa din siya dahil sa sense of humor neto. Lalo na kapag iniisip niya kung ano kaya ang itsura ni Paul habang sinasabi yung mga corny netong jokes.
"Baliw nga.."
"Baka inlove"
Napatingin naman si Mavis sa sinabi ni Che at Kash.
"Ano?" sabi naman ni Mavis sa dalawa.
"Friend, mamaya busy ka?" hindi sinagot ang tanong niya pero nagtanong naman si Kash.
"Hindi naman, bakit?" sagot naman agad ni Mavis.
"Daan tayong mental hospital?" halata pa sa mukha ni Kash ang pagiging concern neto.
BINABASA MO ANG
Let Me Love You
RomanceHindi natin masasabi kung kelan tayo matatamaan ng "love," basta ang akin lang, kapag dumating na siya, ayoko na siyang pakawalan at mamahalin ko siya ng buong buo.