Vote.Comment.Be A Fan.
~
Mabilis na lumipas ang mga araw. Isang linggo na lang bago ang Preliminary exam namin. Kung tutuusin ay hindi sapat ang isang linggo para mag-review lalo na kung may isang tao dahilan para hindi ka makaconcentrate sa pag-aaral.
"Jimiiiiiiiiiinnnnn!" Sigaw ko
Tumawa lang ito dahil sa pagsigaw ko ng pangalan niya. Nakakabanas itong lalaking to! Kanina niya pa sinusundot ng daliri niya yung pisngi ko. Hindi ako makapag concentrate!
"Ayaw mo kasi akong pansinin." Nakasimangot niyang sabi
"Can't you see Im busy reviewing here? Kung alam ko lang na mangungulit ka e di sana si Jin na lang ang pinatulog ko ngayon dito para samahan ako." Nakabusangot kong sabi sa kanya
Natahimik naman siya. Good.
Lumipas ang oras na nasa tabi ko lang siya at nakatukod sa baba niya ang isa niyang kamay na nakapatong sa lamesa. Hindi na siya nagtangkang mangulit. Sinilip ko siya. Nakakunot ang noo nito at mukhang malalim ang iniisip.
Sunod kong tiningnan ay yung wall clock. 11PM na pala ng gabi. I think we need to rest.
"Lets sleep now." Sabi ko habang inililigpit yung mga libro ko at mga highlighters
Hindi siya sumagot at iniligpit na din ang mga gamit niya. Ngayon naman napakatahimik niya.
Nababaliw na ata ako! Kanina gusto ko siyang patahimikin. Ngayon naman gusto ko siyang magsalita. Seriously, Jennie?
"Speak up." Utos ko sa kanya at hinarap siya
Hindi niya ako pinansin at naglakad patungo sa kusina. Ano nanaman bang problema nito?
Sinundan ko siya sa kusina at naabutan ko siyang nagtitimpla ng gatas. Ibinigay niya iyon sa akin at lalabas na sana ng kusina nang hawakan ko siya sa kamay niya.
"Jimin?" Tawag ko sa kanya na may paawa look pa
Nagagawa ko ang mga bagay na ito dahil sa kanya.
"Speak up please." Sabi ko pa
Umupo lang siya sa tabi ko pero hindi naman siya nagsasalita. Ano bang nagawa ko?
Dahil hindi ko na kaya ang pagtahimik niya ay tumayo ako sa stool at pumunta sa likod niya. I hug him at the back. Iginapang ko ang mga kamay sa bewang niya at isiniksik ang mukha ko sa leeg niya.
"Im sorry." I said. Dahil sa kanya natuto akong magpacute. Dahil sa kanya natuto akong maging sweet at vocal sa nararamdaman. I suddenly feel warm nang yakapin ko siya. Ang sarap sa pakiramdam.
Nilingon niya ako at inangat sa counter at inupo roon. Mas mataas na ako sa kanya dahil nakaupo na ako sa counter. Nakaupo pa rin siya sa stool habang nasa pagitan ng hita ko siya. I feel awkward because of this position.
Ang init ng pisngi ko!
Tiningnan ko siya sa mata at nakita kong tinititigan niya na pala ako. Nagpout ako. Hindi pa rin siya nagsasalita.
YOU ARE READING
My 7 bodyguards & Me
RomanceBTS and Blackpink united here in this story. Seven bodyguards that will surely break the hearts of the girls. Jennie Kim De Costa was the famous girl in their University. How did these 7 bodyguards change her college life?