I

44 21 0
                                    

Friar

"Rafri, let's talk later." Mabilis na tumayo ang unggoy na si Ash at lumabas ng silid. Sinundan ko sila dahil nakakabagot dito. "Sama ako, teka!"

Mukhang ayaw niya ako isama, pero wala na siyang nagawa. "Nido! Where is your twin?" I asked. Hindi ko na kasi nakikita si Lactum "Ah, Nasa shop siya ni ate." Hingal nitong tugon. Kaya hindi ko na siya kinausap ulit kasi mukhang babagsak na siya dahil kanina pa siya tumatakbo. Ang laki kasi netong bahay ni Ashton.

"Sir!" Bumati kay Ash ang isa pa niyang apprentice pagpasok namin sa isang kwarto at nag-salute. "He was asking for you, sir. And miss Imperial." He said, while he glanced at me. Sa lahat ng apprentices ni Ash, eto yung pinaka seryoso. Unlike Lactum and Nido, medyo nakakabiruan ko pa.

"TM." Matigas na usal ni Ashton na parang inis na inis. Alam kong terorista 'tong kausap niya pero hindi ko parin magets kung bakit parang ang personal ng galit ni Ash kay TM.

Bakit parang kinakabahan ako nung makita ko nanaman siya. Tumawa siya at parang may tinignan.

"Oh, my Friar~" Malambing niyang sabi, tila nanigas ako nang sabihin niya ang pangalan ko. Pakiramdam ko kilala ko talaga siya. Pero hindi ko alam kung sino siya. Napa-ehem nalang si Ashton nang tumagal ang pagtingin sakin ng kausap niya.

"Okay, I won't get distracted by your beauty Raphaella." Biglang naging seryoso yung boses ni TM. "Let's get this straight, Lopez. Saakin lang si Friar. Bakit kinukulong mo siya sa bahay mo? Nilalamangan mo ako eh. Gusto mo bang bombahin ko yang bahay mo?" Para siyang bata magbanta. Teka, paano niya nakilala si Ash? Sabagay, sikat na detective ang papa niya noon.

Napangisi si Ash. Parang naging ibang tao siya, wala akong makitang emosyon, "Sa'yo siya? Eh hindi ka nga niya kilala." Malamig niyang tugon na parang ikinalungkot ni TM "A-ah basta! Saakin siya, Miguel! Saakin lang! She's mine before, she's still mine, now! Keep that in mind." Pagalit niyang sigaw. Huh?

"Wait nga, anong sinasabi mo? Bakit mo ba sinasabing kilala mo 'ko, at sa'yo ako? Ngayon naman si Ash din? Kalokohan." Siningitan ko nalang sila. Ang dami nang tanong sa utak ko.

"Kase--" magsasalita na sana si TM nang biglang sumabat si Ashton. "Ako nang magpapaliwanag. Sa ngayon Rafri, pwedeng sa labas ka muna?" Ngayon ko lang nakita ganitong kaseryoso si Ash kaya sinunod ko nalang.

Ashton

"Hintayin nating siya mismo ang makaalala, Thoren." Maotoridad kong bulalas nang makalabas si Raf ng opisina. "Magugulo lalo ang isip niya 'pag ngayon natin sinabi."

Sarcastic siyang tumawa, "Bakit hindi mo nalang sabihin na para hindi ka niya iwan? Diba totoo naman? Kapag naalala ako ni Friar, iiwan ka na naman niya. Tulad dati." Pinigilan ko yung luha at inis ko nang maalala ko ang nakaraan.

"Kapag nakaalala na siya, kapag naalala ka na niya, hindi ko na hahayaang iwanan niya pa ako ulit." Walang emosyon kong tugon na siyang ikinainis niya.

"She loves me, Lopez. And she promised to love me, only. Can't you just give up?" Proud niya pang sabi.

"How can I give up now that she doesn't even remember you?" Nabawi ang ngiti sa mukha niya sa sinabi ko. "Rest assured I will do whatever it takes to keep her from you. Even when she remembers you."

"As if you have the power to do that? Same old, Ashton. Pretending that you can do everything. News flash, Miguel. You can't." He smirked.

"Bakit? Sa tingin mo, mapapatawad ka pa niya sa mga nagawa mo?" I didn't want to bring this up, pero pinilit niya ako.

Hindi na siya nakapagsalita dahil malamang alam niya ang ibig kong sabihin, kaya nagsalita nalang ulit ako. "Remember that, you are no longer the Thoren she knows back then. You are now TM, the chief of Solid Blaze, the terror group that has caused the death of her parents." Nakita ko pa ang panlulumo sa mukha niya bago tuluyang pinutol ang tawag.

I won't ever lose to you again, Thoren. I'm sorry.

Maya maya, may nag email.

Surrender Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon