IV

20 20 0
                                    

Friar

Pinilit kong dumilat, kahit na napakasakit ng ulo ko. Nasa isa akong kwarto, magandang kwarto. Tumayo ako para tignan kung nasaan ako, nagulat ako sa malaking portrait sa ibabaw ng kama. Picture ko ito nung bata pa ako na may kasamang batang lalaki na hindi ko kilala. Pero napakalaki ng ngiti namin sa litrato.

"My Friar~" parang nanigas ako sa kinatatayuan ko, bakit... paano? Dahan dahan akong umikot para makasiguradong siya nga yon. "I'm glad you're awake. Hihi" Thoren Mavis..

"N..nasaan ako? A..anong g..ginagawa ko di..dito?" Nanginginig kong sambit, papatayin na ba niya ako. Huhu Lord wag naman sana.

Lumapit siya at hinawakan ang magkabila kong balikat, "Relax lang, Friar. Nasa base ka ng AA1. Wag kang matakot, walang mananakit sa'yo dito." Aniya "Halika, kumain muna tayo." Hindi parin ako makapagsalita kaya sumunod nalang ako nang hatakin niya ako.

"Guys, gising na si Friar!" Usal niya bago ako pinaupo. Ang daming pagkain. "What do you want to eat, sweetie?" Hindi parin ako nagsalita,

"Ang ganda mo naman, Ms. Friar! Kaya pala hindi ka makalimutan ni Thoren e." Pabirong sigaw ng isang lalaking may magandang kilay. "Ako nga pala si Nickolai. Ang pinaka gwapo sa AA1 unit." Inabot niya sakin ang kamay niya para makipagshake hands, "Oy oy oy, Nicks, off limits sa baby ko!"

Tumawa lang yung Nickolai at tumayo nang diretso, "Coppied, Chief!" Tumatawang sigaw nito.

May umupo ding apat na lalaki, kasama yung Nickolai at isang babae sa table, "Nga pala Friar, ayan ang lokong si Nickolai, si Toufic, si Theo, si Dipper at si Zaki." Ngumiti yung apat na lalaki sakin, pero yung babae inirapan ako.

"Goodmorning!" Theo
"Konichiwa!" Toufic
"Noona annyeong!" Dipper, hindi pa rin ako makahalaw at makapagsalota dahil sa gulat.

Tinignan ko lang sila. Shit, ngayon ko lang napansin. Napatingin ulit ako sa suot ko. Ibang damit na'to.. "Don't worry, mga babae ang nag bihis sa'yo." Thoren said, as if he can read my thoughts.

"Give those clothes back to me nice and clean, mamaya pag nakapili ka na ng mga damit mo." Sabi nung masungit na babae. "Zaki, be friendly with our Friar.."

Padabog na tumayo yung Zaki at naglakad palayo.

"W..what am I doing here?" Lakas loob kong tanong kay Thoren.

"This house will be your home from now on, Friar." Ahh... Wait, ano daw?!

"Hah?! Pero..."

Ngumiti siya, "You will live with us.. With me, love." Thoren, "I just took what' suppose to be mine. Binawi na kita kay Miguel."

"Ano bang sinasabi mo? Anong binawi--" ako

"Uh, excuse us guys. Chief, sa room00 muna kami." Umalis na sa dining hall yung ibang mga lalaki.

"Hindi ko maintindihan.. Sino ka ba?" Tanong ko sakanya. Bahagya siyang napayuko, para siyang nalungkot. "Please remember me, Friar.." Malungkot niyang saad.

Parang umiiyak na siya, "I.. I can't continue living without you. Akala ko nung nagpromise ako kay Miguel, akala ko kaya kong kalimutan ka nalang. Pero hindi, hindi ko kaya.." Dumukmo siya sa table, tiningnan ko siya at dahan dahang hinawakan ang balikat niya, "Hindi kasi kita... maalala. Pasensya na, pero kailangan ko nang umuwi. Magagalit si Ashton."

"No!" Ang kaninang lungkot niya ay napalitan ng galit, "Si Ashton na ba ang mahal mo ngayon? Hah? Kailangan ba patayin ko si Ashton, para bumalik ka saken ha Friar?!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"S..sor--" pinutol ko ang sasabihin niya, pinipilit kong hindi ipahalata sakanya yung takot ko, "'Wag mong sasaktan si Ashton!" Sigaw ko.

Nag-iba nanaman yung expresyon niya, "Mamaya na tayo mag-usap. Kumain ka." Maotoridad niyang sabi, bago naglakad palayo. Nakakakot siya..

Tumayo narin ako't naglakad para hanapin ang pinto. Pero binibiro yata ako ng tadhana, napakali ng lugar na 'to at hindi ko mahanap ang pinto! Kanina pa ako paikot ikot nyeta.

Kaya mo yan, Raf. Wag ka pang hinaan ng loob.

*Brr*

Dapat talaga kumain na ako kanina e huhu. Nagugutom ako.

Maya maya pa, ay may nakita akong malaking pinto, woooohh makakalabas na ko!

Laking dismaya ko nang makitang isang puting kwarto lang pala ang nasa likod ng pinto. San ba ang labasan dito?!!!

"Hindi ka makakalabas, if that's what you're planning to do." Muntik na akong mapatalon sa gulat nang magsalita si Zaki. "Ano bang nagustuhan sa'yo ni Thoren? I can't see anything special about you.." Iniinsulto niya ba ako?

Napairap nalang siya't naglakad palayo, "Z..zaki right? Please help me get out." Pagmamakaawa ko. I know they are a terror group who have killed a number of innocent people. Pero ngayon na malapitan ko silang nakausap, parang mga ordinaryong tao lang siya.

Lumapit ulit siya sakin, she smirked, "Do you take me for a fool? Gusto mo bang mapatay niya 'ko?" Tinalikuran niya ako, bago muling nagsalita, "Sana kasi ako nalang ang minahal niya." Mahinang sabi niya per narinig ko.

~~~

Ashton

"Sir, Friar is nowhere to be found, three guards were killed and there's a solid blaze trademark on her walls." Nido

"Do not call the police." Ako, 'di nila pwedeng malaman ang personal na koneksyon namin ni Raf kay TM, kundi magugulo lalo ang lahat.

Nabato ko na lamang ang telepono ko sa balita. Dali dali akong umuwi sa bahay, dapat kasi kagabi palang umuwi na 'ko, hindi sana siya nakuha.

Nyeta, Thoren. Ibalik mo sakin si Raphaella!

~~~

Nadatnan kong nagsusuka si Nido, kaya pala, di na halos makilala ang mga itsura ng mga guards sa bahay, sunog sunog ang mga katawan nito. Matapos kong kunan ng litrato ang mga bangkay at imbestigahan ito, tinawagan ko na ang police.

"Inspector, the motive of killing is robery." Pagsisinungaling ko sa police. Inabot ko sakanya ang files na pineke ko. "Unfortunately, the CCTVs in that area are broken, kaya 'di ko pa matukoy ang culprit. But I'm sure na robery, I also confired na madaming nawawalang gamit sa bahay." Mukhang nakumbinsi ko naman siya.. nang ilang segundo,

"If robery lang, why do they have to use a special grenade? Mahal ang granada na ginamit sa pagpatay, ayon sa imbestigasyon. Wala bang signs ng Solid Bla--" I cut him off

"Inspector naman, bakit naman mag-aaksaya ng panahon ang Solid Blaze na pumunta sa bahay ko? Kung sa pagiimbestiga sakanya ang dahilan, madami namang mas tanyag na mga detective na naghahabol din sakanya." Sabi ko habang patawa tawa. I want to keep the authorities out pagdating sa relasyon namin ni Friar kay Thoren. Siguradong malaking news breakout 'to. At siguradong si Friar ang pinaka maapektuhan.

Sigurado akong gagamitin nila si Friar para madakip ang kriminal na 'yon..

Pagkaalis ni inspector, tinawagan ko agad si Thoren. "Mavis, nasan si Raf?! Ibalik mo siya dito!" Matigas kong sambit. Tinawanan niya lang ako sa kabilang linya.

"Asa ka, Miguel. Tapos na ang oras mo sakanya! Wala ka na talagang galang saakin! Dati iniidolo mo lang ako." Mapang-inis niyang sambit.

"Matagal na 'kong nawalan ng respeto sa'yong kriminal ka! Now, bring Rafri back to me!" Sigaw ko

Bahagya nanaman siyang tumawa, "Bring her back to you? Now you talk like you own her." Tsk, "Nakalimutan lang ako ng utak niya, pero hindi ng puso niya. Tandaan mo yan Miguel. Peace!" He mocked me..

Surrender Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon