One

25 0 1
                                    

"Anak, hindi mo naman kailangan pumunta doon. Kaya ka naming pag-aralin sa kolehiyo ng tatay mo." malungkot na sabi ni nanay habang nakatingin sa akin na nag-aayos ng damit para sa pag-alis ko. Umiling ako.

"Nay, napag-usapan na natin ito diba?" agad tumango si nanay at nalungkot ako ng makitang tumutulo ang kanyang mga luha. Tumayo agad ako at lumapit para mayakap siya.

"Nay, naman e. Huwag po kayong umiyak please. Promise ko po. Kapag mahirap masyado doon, aalis po agad ako." sabi ko at pinahiran ang luha ni nanay. Tumango siya kaya napangiti ako.

"Ate, saan ka punta ikaw?" napatingin kami ni nanay kay Bree ng pumasok ito sa kwarto ko. Dala ang paboritong teddy bear niya.

"By, alis muna si ate ha. Mag-iingat ka lage." tumingin ito sa akin at kunot ang noo nito. Napangiti ako. I swear paglaki nito. Ubod ito ng sungit. Apat na taon gulang pa nga lang. Marunong ng magtaray.

"Iingatan mo sila nanay at tatay." dagdag ko pa at umupo ako sa harap niya. Lumabi ito. Aw. Kawawa naman ng baby ko.

"A-ate alis ka ba kasi di mo na ko love? Ayaw mo na sa akin." naiiyak na tanong niya at nagsimulang umiyak. Agad ko siyang niyakap. Nakita kong tumatawa si nanay habang nilalagay ang aking mga damit sa maleta.

"N-nay, di na ba tayo love ni ate kaya aalis na siya dito?" tanong niya habang humihikbi. Pinapatahan ko ito.

"Bree, mag-aaral si ate mo doon para naman sayo yan. Sige ka kapag hindi ka pumayag hindi magiging guro si ate." napangiti ako sa sinabi ni nanay. Tinitigan ako ni Bree at tumigil sa iyak.

"Talaga ate? Love mo pa rin ako." agad akong tumango.

"Oo naman. Ikaw pa. Love na love ka kaya ni ate." malambing kong sabi at nilagay ko ang aking mukha sa leeg niya at pinangingilan. Humahagikgik naman ito sa tawa.

"Kiara, tigilan muna yan baka mamaya sumpungin yan." nilayo ko ang aking mukha sa lreg ni Bree at hinalikan ang tungki ng ilong niya. Kapag kasi lageng tumatawa si Bree mamaya yan ay umiiyak na.

"Nay, marami po bang gwapo doon sa manila." tumigil sa pag-aayos si nanay at masama akong tinitigan. Napakamot ako ng ulo.

"Krishalane Gomez!" galit na tawag ni nanay sa akin. Naman e. Tiningnan ko si Bree at nakangiti ito habang nakatingin sa akin.

"Bata pa yang kapatid mo tinuturuan mo na."

"E nay naman. Hindi kaya ako. Hinahayaan niyo kasing manuod ng tv yan mag-isa." pagrarason ko.

"Diba po ba nay si James Led, Danel Padila at Enriki Hil doon nakatira?" sinamaan ko ng tingin si Bree pero nagbleh lamang siya sa akin. Ang brat ng batang to. Kurutin ko singit mo e.

"Ito talagang prinsesa ko. Hindi na ba gwapo si tatay para kay Bree ha?" napangiti ako ng marinig ko ang lungkot sa boses ni tatay ng pumasok ito sa kwarto ko at agad kinarga si Bree. Tumatawa si Bree habang sinusundot ang mukha ni tatay.

"Pakainin mo na yan Marc." naiinis na sabi ni nanay kay tatay.

"Ikaw kasi Bree. Galit tuloy si nanay." sabi ni tatay kay Bree at humagikgik lamang siya. Napatawa ako.

"Nay, naman e. Aalis na nga ako magagalit pa kayo sa akin." reklamo ko. Bumuntong hininga si nanay.

"Basta Kiara ha. Pag-aaral ang aatupagin mo doon. Huwag ka munang magboyfriend. Okay lang magkacrush pero naman Kiara hanggang don lang muna." tumango ako kay nanay at ngumiti. Nagthumbs up pa ako.

"Si nanay talaga. Promise po."

Ako nga po pala si Krishalane Gomez. My family call me 'Kiara'. Sa mga kaklase ko at kaibigan 'Kirs' naman. 17 years old at kakagraduate ko lang ng highschool at naging valedictorian. Si Brianna Gomez ang nag-iisa kong kapatid. Mahirap lang kami. Si nanay nasa bahay lang at si tatay naman farmer lang. Kaya nang marinig ko sa kapitbahay namin na kailangan daw ng kanyang amo na pwedeng maging isang worker student pumayag agad ako. Katulong si Marina doon sa manila at nagbakasyon siya dito ng isang linggo. Ngayon ang kanyang balik sa Manila kaya sasama ako sa kanya ngayon..

"Kiara anak. Mag-iingat ka doon ha." malungkot na sabi ni tatay at niyakap ako ng mahigpit. Nagsimulang sumikip ang aking dibdib.

"Kapag nahihirapan ka na doon. Sabihin mo agad sa amin at kukunin ka namin ng tatay mo." humihikbi na sabi ni nanay at hinila ako kay tatay para yakapin.

"Huwag kayong mag-alala Marc at Nari aalagaan ko si Kirs ng mabuti." sabi ni Ate Marina. Tumutulo ang aking luha habang niyakap si nanay ng mahigpit. Nasa kwarto si Bree natutulog kaya lumayo ako kay nanay at pinuntahan si Bree sa kwarto. Huhuhu. Mamimiss ko tong bulilit na to. Mahina kong kinurot ang kanyang pisngi at hinalikan siya sa noo. Kumunot ang kanyang noo. Maldita talaga to. Paglabas ko nakita kong seryosong nag-uusap sila nanay, tatay at ate Marina. Peke akong umubo at lumingon sila sa akin. Agad lumapit si nanay sa akin at niyakap ako ulit.

"Marina kaw na bahala sa anak ko." sabi ni tatay. Tumango si ate Marina at ngumiti sa akin. Hinalikan ako ni nanay sa noo at lumayo sa akin.

"Alis na tayo Kirs?" tumango ako sa tanong ni ate. Nagsimulang tumulo ang aking luha. Agad lumapit si ate Marina sa akin at tinapik ako sa balikat. Naririnig ko rin ang hikbi ni nanay ng lumabas kami sa bahay namin.

"Ingat po kayo dito nay, tay." humihikbi kong sabi at nagmano sa kanila.

Agad akong niyakap ni ate Marina ng nakaupo na kami sa bus papuntang manila. Mahina niyang tinatap ang aking likod.

"Kirs para naman sayo to. Sisiguradin ko sayong hindi ka magsisisi na sumama sa akin at mabait naman si Don Alfredo." sabi niya.

"Hindi lang po ako sanay ate na malayo ako sa pamilya ko." malungkot kong sabi at lumayo ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin.

"Alam ko pero makakaya mo rin yan. Ganyan din ako noon pero nasanay na ako." nakangiting sabi niya. 16 years old pa lang daw siya pumunta na siya sa manila para magtrabaho at ngayon ay 30 years old na siya. Sabi niya masaya daw siya ngayon at nakakatulong siya sa kanyang mga kapatid sa pag-aaral. Nasa America daw nakadestino si Don Alfredo at paminsan-minsan ay dumadalaw daw ito dahil sa kanyang nag-iisang apo. Mas bata daw ito sa akin ng isang taon. Kinabahan ako ng sabi ni Ate Marina na sobra daw itong masungit. Spoiled brat daw masyado. Sa edad na 12 years old may sarili na daw itong condo. Napasinghap ako.

"Bakit po siya may condo? Asan po ba parents niya ate?" curious kong tanong.

"Ang narinig ko kay ate Lucia. Namatay daw ang mga magulang niya dahil sa car accident. Kawawa nga yung batang yun pero maiinis ka na lang kapag ubod na ng sungit." sagot niya habang kumakain ng nilagang itlog. Napailing ako. Kawawa naman talaga. Ako nga, iniisip ko pa lang na mawawala ang aking mga magulang. Nasasaktan na ako paano pa kaya siya?

"Pero huwag ka. Sobrang gwapo ng batang yun. Isang tingin niya pa lang sayo malaglag na panty mo." napatawa ako sa joke ni ate. Malaglag talaga? Mahinang hinampas ni ate ang balikat ko.

"Seryoso nga. Gwapo talaga yun kaya ikaw mag-iingat ka baka magkagusto ka don. Naku. May naririnig ako sa mga kasamahan ko na marami ng naikama ang batang yun. Maryosep talaga. Kaya ikaw pagminamanyak ka ng batang yun sabihin mo agad sa akin ha." napalunok ako ng laway. Jusko.

"O siya. Matulog ka muna. Gigisingin kita pag nasa manila na tayo." tumango ako. I closed my eyes. I silently pray.

Dear Lord, please Po sana Po gabayan Niyo Po ako lage. Ilayo Niyo po ako sa mga temptasyon at alagaan Niyo po si nanay, tatay at si Bree. Mahal na mahal ko po sila. Sana po lage Niyo silang bantayan at ilayo Niyo po sila sa kahamakan.

Ang Masungit kong BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon