Six

9 1 0
                                    

"Totoo ba ang sinabi ni Don Alfredo na aalis si Sir Kid mamayang hapon?" masayang tanong ni Ate Jane. Agad siyang binatukan ni Ate Marina.

"Aray naman Marina." rinig kong reklamo niya. Nakalumbaba ako sa mesa dito sa kwarto namin.

"Pang-ilang beses mo na yang tanong sa akin. Kahapon ka pa ah at ang sagot sa tanong mo. Oo aalis na si Sir Kid mamaya."  at nagtalalon sila sa tuwa. Napanguso ako. I want to join them but I can't kung sasa-

"Kirs bakit hindi ka pa nagpprepare?" napalingon ako kay Manang na bagong pasok sa kwarto. Nagtataka itong tumingin sa akin at ganun rin si Ate Jane at Ate Marina.

"Bakit po magpprepare si Kirs?"

"Saan po siya pupunta?"

Sabay na tanong ng dalawa kay manang. Tumingin sa akin si manang bago sumagot.

"Sasama si Kirs kay Sir Kid mamaya dahil siya ang magiging personal assistant nito." sagot ni Manang.

"ANO?" sabay na sigaw nila. Tumingin silang dalawa sa akin. Umayos ako ng upo. Lumapit si ate Marina.

"Kirs, bakit hindi mo sinabi agad sa akin? Huwag kang mag-alala kakausapin ko si Don Alfredo." nag-alalang sabi niya at mabilis na tumalikod sa amin. Agad akong tumayo at pinigilan siya.

"Ate huwag na po dahil pumayag na rin naman ako." mahinahon kong sagot.

"Kirs naman. Nangako ako sa mga magulang mo na aalagaan kita ng maayos. Kung alam ko lang na ito pala ang ipagagawa ni Don Alfredo sayo hindi na sana kita dinala dito." galit na sabi niya.

"Marina relax ka nga lang diyan." saway ni Ate Jane sa kanya. Tumingin siya ng masama kay ate Jane at binalik rin ang tingin sa akin.

"Hindi ako papayag Kirs. Mag-empake ka at iuwi kita sa Bohol. Ayokong mapahamak ka dito baka kung ano pa ang gagawing masama sayo ni Sir Kid." agad kong hinawakan ang kamay niya at nagmamakaawang tumingin sa kanya.

"Marina, hindi naman sobrang sama ni Sir Kid." sabi ni Manang. Tumango ako. Alam kong mabuting tao si Sir Kid. Nang ipinagtimpla niya ako ng gatas alam kong mabuting tao siya kahit sinabi niya sa akin na hindi niya alam iyon at nagssleep walking lamang siya. Alam kong nagsisinungaling lamang siya. Hindi ko lang alam kong bakit kailangan niya pang magsinungaling e hindi naman dapat ikahiya ang ginawa niyang kabutihan sa akin. Maybe, he doesn't want to know to everyone that he care to the people surrounding him. He feel ashame doing charity action despite of his bad attitudes.

"Ate, magtiwala po kayo sa akin. Promise ko po na mag-iingat ako kay Sir Kid." sabi ko. Bumuntong hininga siya as sign of defeat. Napangiti ako.

"Basta kapag nahihirapan ka na. Sabihin mo agad sa akin." agad akong tumango. Niyakap ako ni ate Marina. I hug her back.

"Alam mo bang para ka ng kapatid sa akin kaya alagaan mo ang sarili mo." tumango ako at ngumiti. Sumali rin si manang at ate Jane sa yakapan namin ni ate Marina.

"Thank you po ate." masayang sabi ko.

"Ang advice ko lang sayo Kirs. Huwag kang madaling matempt kay Sir ha." natatawang sabi ni ate Jane habang tinutulungan akong mag-empake. Sila ni ate Marina. Binatukan siya agad ni ate.

"Ano ba Marina! Kanina ka pa ha." naiinis na sabi ni ate Jane. Natawa lang ako sa dalawa.

"Grabe naman kasi yang bunganga mo kung ano-ano ang lumalabas at ito lang masasabi ko sayo Jane. Ang bata pa ni Kirs para sa ganyan." galit na sabi ni ate.

"Ano bang masama? Kaya nga sinasabi ko kay Kirs para aware siya sa lalaking makakasama niya." komento ni Ate Jane.

"Oo nga Kirs. Umiwas ka kay Sir Kid ha. Ang hot pa naman ng batang yun." napatampal ako sa noo sa sinabi ni ate Marina. Nag-apir pa sila ni ate Jane.

"Correct ka diyan sis. Nakita mo ba ang anim niyang abs? Naku Marina. May asawa't anak na ako pero tuwing nakikita ko ang kanyang abs napapatulo ang laway ko." napapikit ako ng mariin sa mga sinasabi ni ate Jane.

"Ang landi mo Jane. Bata ang minamanyak mo gaga ka." natatawang hinampas siya sa braso ni ate.

"Sorry naman. Sobrang gwapo lang kasi ni Sir at ang hot pa." napangiwi ako ng makitang tumango si ate Marina sa sinabi ni ate Jane. Umiiling ako habang nakikinig sa kanilang conversations tungkol kay Sir Kid. Kanina kung ano-ano ang sinasabing lait ni ate Marina tungkol kay Sir Kid e ngayon ang daming puri ang sinasabi. Psh. Ibang klase talaga ang batang yun. Ihate man siya dahil sa magaspang niyang ugali nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ng mga babae sa kanya dahil sa sobrang gwapo niya. Pati matatanda nagagawa niyang akitin . Tulad ng dalawang kasama ko.

"Nakita mo ba ang size ng und-"

"Stop. Alis nga muna kayo. Disturbo lang kayo e." naiinis na sabat ko sa kanilang pag-uusap. Kung ano-ano na kasi ang naririnig ko.

"Ay. Oo nga pala nakalimutan kong may gagawi-" napatigil siya sa pagsasalita ng may narinig kaming sigaw sa labas ng kwarto namin.

"MANANG!" rinig ko ang galit sa boses ni Sir Kid. Nakita kong lumaki  ang dalawang mata ni ate Jane.

"Sir Kid?"

"Where is that fucking maid who has a big mole on her flat nose?" napatigil sa paglalakad si ate Jane at nakita ko ang paglaglag ng kanyang panga ng marinig ang sinabi ni Sir Kid. Damn that kid. Doesn't he know that we're human too? Why does he need to be rude? Mabilis na lumabas si ate Jane at umiiling si ate Marina.

"S-sir." rinig ko ang pag-uutal sa boses ni ate Jane.

"Ganyan ba si Sir lage ate." hindi ko makapaniwalang tanong. Tumango si ate at tumingin sa akin.

"Ano kaya ba?" tumango ako at nag-alinlangang ngumiti. Parang gusto ko ng magback-out.

"Masasanay ka lang. Kaya nga ayaw namin na nandito si Sir Kid. Kung ano-ano kasi ang lait na maririnig sa bibig niya." sabi niya at tinap ang aking balikat. That kid.

"Mag-iingat ka don ha at ang mga paalala ko sayo. Iwasan mo si Sir Kid kung maaari." paalala ni ate Marina ng hinatid niya ako sa labas ng gate. Hindi ako makapagpaalam kay Manang at kay Jane kasi may nililinis sila sa second floor. Nakita kong kumakaway si kuya guard sa akin.

"Hi ganda." masayang sabi niya sa akin. Ngumiti ako at nakita kong ngumiwi si ate Marina.

"Hello po." sabi ko. Kinuha ko ang dala na bag ni ate at pinatong iyon sa maleta. Hinihintay ko si Don Alfredo. Ang utos kasi ni Don Alfredo ay sabay kaming ihatid ni Sir Kid sa condo. Gusto ko sanang tumutol kasi ayokong makasabay si Sir Kid pero hindi ko magawa kasi nahihiya ako. Isang hamak na katulong lamang ako.

"Ingat ka don ha. Nandito na ang kotse ni Don Alfredo." lumingon ako sa gilid at nakita kong binuksan ni kuya guard ang gate at lumabas ang kotse. Tumango ako at ngumiti kay ate. Niyakap niya ako ng mahigpit. May lumabas na lalaki sa kotse at kinuha ang aking maleta at bag. Nilagay niya iyon sa likod ng kotse at binuksan ang pinto sa passenger seat. Kumaway ako kay ate Marina at pumasok. Halos mahulog ang mata ko ng makitang matalim ang titig sa akin ni Sir Kid. Makakatabi ko siya? Kagat labi akong umupo sa tabi ni Sir Kid. Galit siyang umusog palayo sa akin at sumiksik sa gilid. Sinarado ng lalaki ang pinto at umikot. Pumasok ito at umupo sa driver seat. Katabi niya si Don Alfredo na nakangiti sa akin. Ngumiti ako pabalik. What the hell. Buong byahe katabi ko ang batang to. Napapikit ako ng mariin ng nagsimulang umalis ang kotse.

Ang Masungit kong BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon