Two

20 0 0
                                    

Note:
Hindi pa po ako nakapunta sa manila at wala po akong alam sa mga lugar. Ksya itong nababasa niyo ay gawa-gawa ko lang po to. Boholana po ako kaya sana po intindihin niyo po ang mga tagalog words at hindi din po ako magaling sa english. Totoo po ang sabi ng iba na kapag Bsed-Math daw ang kurso hindi po magaling sa english. Hehehe.😀

***
"Sa Northeast Subdivision po kuya." sabi ni ate ng sumakay kami ng taxi. Lumilingon ako sa paligid. Gabi na kaya maraming lights ang nakikita ko ngayon at namamangha ako sa ganda ng view. Wow. Grabe. Excited na ako bukas.

"Ano masasabi mo Kirs? Maganda ang manila diba?" tumango ako at ngumiti.

"Huwag kang mag-alala bukas ipapasyal kita." napangiti ako at naexcite na agad ako. Tumigil ang taxi sa isang malaking bahay. Mas malaki pa sa bahay ng mayor sa amin.  Presidente ba ang may-ari nito? For the 17 years of my existence, I can say it's my first time seeing a big house like this in personal. Halos malaglag ang aking eyeballs ng lumabas ako sa taxi at nakita ko ang buong laki ng bahay. Lumilingon ako sa paligid habang nakasunod kay Ate Marina. Tumatawa ito habang nakatingin sa akin na natulala dahil sa bahay.

"Manong P musta po?" masayang tanong ni Ate kay manong guard. Ang sosyal talaga may guard pang nalalaman. Sabagay, kung ganito rin ang bahay ko importante talagang may bodyguard.

"Heto gwapo pa rin. Ikaw? Mas lalo kang tumaba. Hahaha." napangiti ako sa sagot ni kuya. Hinampas siya sa braso ni ate. Napatingin siya sa akin kaya nahihiyang ngumiti ako.

"Hello po."

"Magandang gabi iha. Ang ganda mo namang bata ka." hinampas siya ulit ni ate sa balikat. Napangiwi ito.

"Matanda ka ng gorang ka." galit na sabi ni ate.

"Ang sabihin mo galit ka kasi siya sinabihan kung maganda e ikaw mas lalong tumaba." pang-iinis na sabi ni kuya. Napatawa ako. Bagay sila ni ate Marina.

PPEEEEPPPPPP! PPEEEEPP!

Napatalon ako ng may narinig akong malakas na tunog sa likod ko at nagulat ako ng lumingon ako. May tumigil na sasakyan sa harap ko. Napatulala ako. Oh my God! Paano kung hindi siya tumigil siguradong tigok na ako ngayon.

"Kirs." takot na tawag sa akin ni ate Marina. Naiiyak na lumingon ako sa kanya. Nakita kong lumunok ng laway ang dalawa.

"ARE YOU BLIND? GET YOUR FUCKING ASS OUT OF MY WAY, YOU STUPID!"

Hinila ako ni ate at tuluyang umalis ang kotse. Tumutulo ang luha ko.

"Kirs okay ka lang ba?" nag-alalang tanong ni ate. Mas lalo akong umiyak.

"Huwag ka ng umiyak ganda." niyakap ako ni Ate Marina.

"A-ate akala ko po mamamatay na po ako." humihikbi kong sabi.

"Sssh. Pagpasenyahan mo na si Sir Kid badtrip lang yun." mahinahong sabi niya. Nakita kong tumango si kuya.

"Oo nga Kirs. Ganun talaga si Sir Kid masasanay ka din."

Nanginginig ang aking buong katawan ng pumasok kami sa bahay. Hinawakan ako sa kamay ni ate. I smiled back when she smiled to me. May nakita akong lumapit na babaeng matanda sa amin. Ngumiti ito ng tumingin siya sa akin.

"Marina ito na ba si Krishalane?" masayang tanong niya. Tumango si ate.

"Hija, ako nga pala si Manang Lucia. Ang katiwala dito." mabait na sabi niya. Ngumiti ako sa kanya at nagmano. Mukha siyang nagulat sa ginawa ko.

"Ang bait mo namang bata ka. Naalala ko tuloy ang aking mga apo." ngumiti lamang ako kay Manang.

"O siya. Kumain muna kayo."

Sumunod ako kay ate papunta sa kusina. Lumilingon ako sa paligid at napasinghap ako kasi sorang ganda sa loob. May malaking chandelier pa. Wow. Parang natatakot tuloy ako magstay dito at baka may mabasag pa ako. Huhuhu. Huwag naman sana. Ayokong makulong. Lumaki ang mga mata ko ng makita ko ang mga pagkain sa lamesa. Kinagat ko ang aking ibabang labi. Ang sasarap ng mga to.

"Hi ako nga pala si Jane. Ikaw si Kirs diba?" tumango ako at nahihiyang ngumiti kay Jane.

"Ang ganda mo namang bata ka." sabi niya bago umalis. Napakamot ako sa ulo.

"Umupo ka na Kirs. Kain na tayo." sabi ni ate Marina at umupo ako sa tabi niya. Grabe. Ang sarap ng pagkain.

Grrr. Lord please patulugin Niyo po sana ako. Gusto ko na po talagang matulog. Ikot dito. Ikot doon. Ghad. Tiningnan ko si Ate Marina na katabi ko sa bed. Tulog na tulog ito at humihilik pa. Siguro sobrang pagod sa bhaye kaya heto knocked out. Ganun rin si ate Jane at Manang na magkatabi sa bed. Nakakainggit. Gusto ko na ding matulog. Huhuhu. Tumingin ako sa clock na nakasabit sa pader. 11:45 pm na pala. Hala. Maaga pa ako gigising bukas pero hindi oa ako natutulog. Pinikit ko ang aking mga mata at pilit matulog. Galit kong binuka ang aking mga mata at maingat na bumangon sa kama. Lumabas ako sa kwarto at pumunta sa kusina.

Tahimik akong naglalakad at iniiwasang makalikha ng anong ingay. Dito kaya si Sir Kid magstay? Dahil sa takot ko kanina hindi ko masyadong nakita ang kanyang mukha ng sumigaw ito. Nakakatakot ang kanyang boses. Tsk.

"AY BUTIKI!" gulat ko ng may makita akong anino pagpasok ko sa kusina at nabigla ako ng may tumakip na kamay sa aking bibig.

"Shut up! Will you?" bulong niya sa likod ko at ramdam ko ang inis sa boses niya. Tumango ako at binaba niya ang kanyang kamay. Muntik pa akong matumba ng tinulak niya ako palayo sa kanya. Bwiset.

"Tss."

Napapikit ako sa aking mata ng binuksan niya ang ilaw sa kusina. Unti-unti kong binuksan ang aking mata.

"Who are you?" lihim akong napasinghap ng makita ko si Sir Kid na matalim ang tingin sa akin. Magulo ang kanyang buhok at w-wala siyang damit na pantaas. M-my virgin eyes. Lumunok ako ng laway at iniwas ang tingin sa kanyang katawan.

"Po?" natatakot kong tanong. Kumunot ang kanyang noo.

"Are you fucking deaf?" agad akong umiling.

"H-hindi p-po S-sir." nauutal kong sagot. Damn it Kirs. Hindi ka na sana lumabas sa kwarto at pumunta dito. Kinagat ko ang aking labi.

"How old are you?" maawtoridad na tanong niya.

"17 p-po Sir Kid." sagot ko. Nalaglag ang kanyang panga at napatingin ako sa kanyang labi. Ang pula. Bakit parang ang unfair? Wala man lang akong makikitang pores sa mukha ng batang to? Ang kanyang makapal na kilay na sobrang bagay naman sa kanya. Ang ilong. Sobrang tangos. Tapos ang kanyang mga mata naka-

"I'm know I'm handsome. Stop the obvious."

Agad kong iniwas ang tingin sa mukha niya at binaba ang tingin sa sahig. Nakakahiya ka Kirs. Bata yang kaharap mo. Corrupting minors yan. Pero nang tingnan ko kanina hindi naman siya parang bata. Sobrang tangkad nga niya e tapos may boses pa siyang na-

"What's your name?"

"Krishalane po pero Kirs na lang po Sir Kid." sagot ko ng hindi tumingin sa kanya.

"Don't fucking call me Kid."

"Ho?" nagtataka kong tanong at inangat ang tingin sa kanya.

"Stop saying 'po' and 'ho'. I'm not fucking old." galit na sabi niya. Bakit ba mura ng mura ang batang to? Heh. Walang manners.

"Pero po Sir Ki-"

"I told you don't fucking call me Kid." napatalon ako sa takot ng hinampas niya ang lamesa.

"Sabi po kasi ng mga magulang ko na dapat po marunong akong rumespeto sa amo ko." matapang kong sagot at umigting ang kanyang panga. Nakita kong kinuyom niya ang kanyang kamay.

"Are you lecturing me now?" galit na tanong niya habang humahakbang palapit sa akin. Napaatras ako sa takot.

"So-s-sorry p-po Sir Kid." nauutal kong sabi. Nanginginig na rin ang aking katawan dahil sa takot. Mabilis na tumulo ang aking luha.

"GET.OUT." mabilis akong tumakbo palayo sa kanya. Mahina akong humihikbi ng humiga ako sa kama. Ang sama niya. Ubod nga ng gwapo pero ang sama naman ng ugali. I want to go home now.

Ang Masungit kong BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon