Bwisit talaga yung babae na yon! Almost 1 hour din kaming nasa labas nila Cloud no! Pinagpawisan panyung gwapo kong muka! Buti nalang at wala na yung tandang dalaga na yon at nakapasok na kame, at yung babaeng bwisit?! Ang laki nang tawa na sinalubong saamen nung pagpasok namen! Pasalamat siya di ako napatol sa mga babae...
"Goodmorning section B." AY KALABAW!! Pumasok na pala tong si sir, di ko nakitang pumasok siya. Sobrang nayayamot kase talaga ako.
"Okay class, gusto ko lang kayo iupdate sa parating na Campus Calendar 2017. Isang babae at isang lalake ang kailangan ko para sa section natin." Sabi ni sir, oo nga pala siya ang adviser namin dito. For sure naman ako ang makukuha jan, sa gwapo ko ba naman na to? hahaha!
"So, ang napili ko na contestants ay si Ms.Fernandez, Megan and Mr.Stanford, Denille Martin."
"SIR?!" sabay pa naming sigaw!
"SIR NO!" sabay ulit kami! at this time ang sama nang tingin namin sa isa't-isa.
"SIR AYOKO." Jusko! Mind reader ba siya?! Nagkasamaan ulit kami nang tingin.
"Kelangan sabay kayo lagi? Sino ang mind reader sainyo? Hahahaha!" pangaasar pa netong impaktong Ethan na to.
"SIYA!" sabay nanaman kami. puta ano ba?!
"Both of you, quiet! Walang Sir, sir, no, no at ayoko, ayoko! Kayo ang napili ko, at alam ko na yun din ang gusto nang classmates niyo. Right class?"
"Yes sir!!!" sagot nila! Lalo na yung mga kaibigan ko at kaibigan ni Megan. Sinamaan ko nang tingin sila Cloud, Steve at Ethan. At nakita kong ganun din ang ginawa ni Megan.
"Good. Yun lang naman ang sadya ko dito, wait for your next teacher bye." sabi ni Sir Michael at umalis na. Nakakainis naman oh! Alam kong mapipili ako pero di ko ineexpect na si Megan ang partner ko!
"Lugi akoooo!!" biglang sigaw ni Megan, aba siya pa talaga lugi?!
"Kapal nang muka! Ako tong lugi sayo eh" sigaw ko din at tumingin siya sakin nang masama hahahahahaha!
*bell rings*
Yes buti naman at nagbell na!! makakababa nako at makakaalis na dito sa lugar na kung nasaan ang bwisit.
-
MEGAN's POINT OF VIEW"Bakit kasi kami pa?!!!!" sigaw ko. Sobrang nakakairita!
"Easy lang girl. Hahahaha halatang gustong gusto eh." sabi ni Steph, duh?! ako sasabihin niyang gustong gusto ko?! wtff!!
"Shut the fuck up Steph!" bushet kasi eh! Sa sobrang inis ko lumabas na lang ako nang room, tutal nagbell na din naman kakain nalang ako, gutom na kaya ako!!
Pagkadating ko nang canteen umorder nako nang kakainin ko, beef steak ang inorder ko tapos naghanap na din nang pwesto na makakainan. buti nalang merong umalis -.-
Habang kumakain ako, natanaw ko sila Micha, Steph at Kylie na papunta sa way ko, aba ang mga bruha nagttawanan pa habang ako pikon na pikon na!!!
"Solohista si pikunin! hahaha" Lah? papansin talaga to si steph!! di na nga pinapansin eh
"Eh kung sapakin ko na muka mo?" inis kong sabi, at tumigil naman sila sa pagtawa. Alam nilang pikon na ko eh, at di nila magugustuhan kapag ako napikon.
"Order lang ako food." Sabi ni Kylie
"Sabay mokooo, chicken saken." sabi naman ni Steph tapos nagabot nang pera kay Kylie then umupo sa tabi ko.
"Beef steak saken Kyl." Dagdag naman ni Micha at inabot din ang pera niya.
Habang kumakain kami nakita namin si Sir Michael, kasama ang apat. Papunta sila sa way namin, ano mangiinis nanaman ba sila?!?!
"Megan, next month pa naman ang pageant pero sinabi ko lang nang maaga sayo para maging aware ka. Magpractice na din kayo neto ni Denille kung anong talent ang gagawin niyo." sabi ni sir at lumakad na paalis. Eto namang Denille na to patawa tawa pa!
"Ano, aatras kapa ba?" Tanong niyang pangiinis. Ano ba dapat kong isagot? huhu
"Hindi, bat ako aatras? confident ako sa kagandahan ko!" sagot ko sakanya, totoo naman eh!
"Tch, haha sige." sagot niya sabay lumakad na palayo. URGHHH!!
"Goodluck." sabi nung isa niyang kaibigan bago lumakad. Si Ethan ata yon? oo Ethan ata.
Shet nakakakaba naman yon! Monster ba yong Denille na yon?!
itutuloy...
