CHAPTER 2: First day

3 0 0
                                    

Omg! Ang liwanag, ang sakit sa mata. Puro puti nakikita ko. Nasa heaven na ba ako? Kinuha na ba ako ni lord?!

"Anak inumin mo tong tubig para mabawasan yang tama mo." Nagulat ako sa nagsalita, si mommy... Nabukas lang pala yung kurtina kaya ako nasikatan nang araw -.- akala ko pa naman nasa heaven nako hoho.

"Thanks." tipid kong sagot at ininom ang malamig na malamig na tubig.

"3 o'clock kana nakauwi, buti nalang at hinatid ka nang mga kaibigan mo. Maligo kana Megan, its already 7:00 may pasok kapa nang 8." sabi niya at lumabas na nang kwarto ko.

Sobrang sakit nang ulo koooo!! Ano ba nangyare kagabi?! Tangina lasing na lasing ata ako hoho. Nakailang shots ba ko kagabi? Hay nako naman!

Tumayo na ako sa kama ko at pumunta sa cr at naligo na syempre alangan mag party ako sa cr?! duh.

After a minutes lumabas na din ako nang cr, hindi ako puede mag tagal no malalate nako sa school ko hay nakoooo! Pagkalabas ko inayos ko na sarili ko, nagbihis, nagkilay, pulbo then liptint yun lang naman daily routine ko sa muka ko. hehez

*vibrate, vibrate*

FROM: MICHAELLANG
Text Message: Hoy! Nasan kana? Nandito na kame sa gate, inaantay ka namen.

Pagtingin ko sa time nang cellphone ko, SHET! 7:30 na babyahe pa ko. Lumabas nako nang kwarto ko at bumaba, nakita kong kumakain si Mommy tsaka yaya Pipay pero di nako sumabay.

"Alis nako." pagpapaalam ko sabay lumabas na nang bahay. Jusko, buti nalang may taxi na dumaan! Pinara ko at sumakay na ako.

"Sa Stanford Univ po." sabi ko kay manong driver at usually in-non na niya ang fair rate.

Salamat at walang traffic! Kaya after 10 minutes nandito na din ako at nakita ko na sila Steph, Kylie at Michaella.

Nagbayad na ako at lumabas na ako.

"Ang tagal mo ah?" bungad naman ni Kylie.

"Ay sorry kanina pa ba kayo nandito? hahaha." pagpapakatanga kong tanong.

"Malamang! Almost 30 minutes na din no! Napakatagal mo talaga kahit kelan Megan." dagdag naman ni bruhang Steph. duhh eh sa late nako nagising eh

"Dami pang kuda, tara na pasok na tayo." sabi ko at naglakad nako papasok nang school.

"Goodmorning po." bati saamin nang ilang nakasalubong naming students, syempre kami nginingitian namin sila. Hindi ko maipagkakaila sainyo na hindi kami kilala dito sa Stanford, simula ba naman kasi kinder nandito na kaming apat. pero di pa kami mga close non kasi grade1 kami naging magkakaclassmates.

Habang naglalakad kami papuntang hallway para tingnan ang section namin, biglang may nakabangga saken! Ay hindi pala, MAY BUMANGGA! Sa sobrang lakas nang impact napa-upo ako, huhu sakit sa pwet. :(

"Wtf!" rinig kong sabi ni Micha.

Hinihintay kong may maglagay nang kamay para tulungang itayo ako pero wala! Maski sila Steph, Kylie at Micha siguro expected nila tutulungan ako! Tapos pagkaangat ko nang ulo ko aba!!!!!!!!

"IKAW NANAMAN?!" sabay naming sigaw, halata sa muka nang mga kasama namin na nagulat sila.

"Magkakilala kayo bro?" tanong nang isa sa kasama niya.

"Saan at paano kayo nagkita ha?!" sabi naman ni Micha -.- juskooooo

"Hindi kami magkakilala Steve, siya yung babaeng nabangga ko sa cb last night." sabi niya sabay ngumiti nang nakakaloko!! aba aba!!

"So siya pala yon Megan?" sabi naman ulit ni Micha

"PUEDE BA MICHAELLA?! BAGO KA MAGTANONG JAN TULUNGAN NIYO MUNA AKO MAKATAYO KASE ANG SAKIT SAKIT NANG PWET KO!!" sabi ko sakanila! Oo di pako nakakatayo! Ang sakit talaga nang tewup ko huhu.

"Next time kasi wag paharang harang sa daanan ko ha?" sabi naman ni kunag at ngumiti nanaman nangnangaasar!! >_< amp!!

"Daanan mo?! Wow. Sino kaba para maging daanan mo to?!" sigaw ko sakanya sabay ayos nang uniform ko. Alam kong nagtitinginan na samin ang ibang students pero the hell i care

"Ako lang naman si Denille Martin STANFORD."

The more you hate, the more you love ❤️Where stories live. Discover now