Part 2

956 14 5
                                    

Ano ba to dito ang boring, sobrang boring, napaka boring. Ganito ba talaga ang mag dedate? Napaka OA ng set-up may pa flowers flowers pa ano may patay? May music pa ang baduy, napaka baduy talaga.

Note: Play the video above and enjoy listening while reading. 😉

Ang tagal naman ni ate. Nakakabagot na, panay paganda di naman gumaganda. Hays.- di naman masamang magsalita mag-isa diba?

Nilamon na ata yun ng CR sa---

Sino nilamon ng CR?- at sino naman tong lalaking to? Bastusan dre? Kinakausap ko sarili ko sumasabat ka ah, sapakin ko kaya to? Kaso sayang ang gwapo nya. Landi.

Who you?- tinaasan ko nga ng kilay, ang ganda ko rin eh no?

Ow ow!- tinaas pa nya kamay nya.
Nakaka nosebleed yung ganda mo I mean nanonosebleed ako sayo. Hihihi di nman sinabi ni kuya na foreigner pala ang dila mo. Hahaha

Habang nagsasalita sya pinagmamasdan ko lang yung bawat buka ng bibig nya, ang mata nya napakabilog, ang tangos ng ilong, ang gandang pakinggan ng boses nya maiinis ka nalang sa sobrang lambing nito, ang sarap pakinggan ng mga slang nya na words. Matangkad sya, actually matangkad sya sakin kunti, maputi bes, mas lalo pang lumitaw ka gwapohan nya sa suot nyang long sleeve na gray. Tapos yung labi nya----

Hey bro!- hoh! panira ng moment tong si kuya luis.

Yow bro! You're 10 minutes late, saan ka ba pumunta?- ang gwapo talaga nito bai. Naku talaga.

Natraffic ako eh sorry naman, oh hi maymay you're here!- wala po ako dito, picture lang po ito.

Diba ikaw ang nagsabi na isasama ako ni ate? Oh bat di mo alam na andito ako? So joke lang pala yun? Ah okay sige bye.- Nagdadrama lang po ako at kunyari aalis na daw ako ng biglang hinawakan ni Edward yung braso ko. Pinipigilan nya ako bai. Hays heaven na this.

Wait may, kuya luis is joking. Alam nya talagang andito ka, na pupunta ka. Nung nakita kasi kita sa picture sabi ko gusto kitang makita sa personal kasi ang ganda mo dun sa picture ang genuine ng smile mo.- ito na naman ako lumulutang na naman ang isip ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Parang nilagyan ng suka ang puso ko ang asim sa feeling.

So you mean na sa picture lang a-a-ako maganda?- sakit bai.

Oo sa picture lang.- aray.

Loko ka pala eh! Ano bastusan? Kuya luis oh si edward ng aano. Akala mo naman gwapo sya. Heh! - sorry feeling close.

Hahaha! Para kayong bata, tigilan nyo nga yan. Mamaya kung saan saan pa yan makarating yang bangayan nyo. Ah sya nga pala may saan si Cora?- yang unggoy mong kasama ang isip bata. Hindi man lang gentlemen, tagos sa puso ang sinabi nya bai? Ampanget ko na ba talaga sa personal? Sagutin nyo ko please!

Wag mo akong tanungin wala ako sa mood.- sino ba kasi ang hindi mabadtrip diba? Ikaw gwapong gwapo ka sa kanya tas sya pangit na pangit sayo. Naku talaga! Nanggigil ako.

Uyyy wala daw sya sa mood, ngumiti ka nga pangit ka na nga ganyan pa hitsura mo. Hahahaa!- kung sapakin ko kaya to?

Di tayo close! Wag ka ngang magfeeling close jan. Ewww! - lalaking to walang magawa sa buhay. Kung makalait kala mo kinagwapo nya yan.

Eww din yang mukha mo, ang cute2 mo naman pala pag ganyan yang mukha mo parang aso.-  aray! Di ko na talaga to makeri bai. Sasapakin ko na talaga to.

Isang lait pa edwardo! Kala mo talaga ang gwapo2 mo eh no? Yang kilay mo,yak ang kapal! Tapos yang mata mo ang laki ewwww!- laitan pala gusto nito eh.

Eh yang mukha mo kaya pinaglihi ka ba sa maasim? Hahaha!- ganun na ba talaga ako kapangit bai? Araaayyyyy ang puso ko.

Sssshhhh! Tama na nga yan paparating na si ate Cora nyo.- patahimikin mo kaya yang mukha ng kasama mo.

Hey babe! Sorry ha I'm late I'm just you know, inayos ko lang make up ko. So how are --- oh! Edward you're here also! So nagkakilala na pala kayo nitong kapatid ko? - no hindi ko yan kilala ate, wala akong kilalang ganyang mukha. Ewww.

Yeah! Ang cute2 nga nya ate akala mo laging galit yung mukha. Hahaha! - yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Jusko hindi pa sya tapos sa panlalait sa akin at talagang sa harapan pa talaga ng ate ko ha? Ate ipagtanggol mo ako sa unggoy na yan.

Ay oo be, ganyan talaga mukha nyan since birth hindi nagbago. Hahaha!- ano na? Wala akong kakampe? Sige magkampihan kayong lahat. I hate you all!

Hoy wag nyo namang laitin si Maymay ang ganda kaya ng batang to. Pang model pa ang height oh diba kahit si Kylie Jenner tataob eh. Diba maymay no?-Ayun! At dahil jan kuya boto na ako sayo para kay ate. Hahaha! Oh ano edward ha? Who you ka ngayon.

Hindi din kuya kahit nga koko ni kylie mas maganda pa sa mukha ni maymay. Hahaha!- pashnea!

Hay naku tama na yan mag oorder na nga lang tayo ng pagkain gutom na gutom na ako eh. Babe ikaw na ang mauna. - Me din is so gutom na.

No babe ikaw na.

Hindi ikaw na babe.

Ladies first diba kaya ikaw lady ikaw ang mauuna.- Bakit ako hindi ba lady?

Hay naku! Ako na nga lang ang aarte nyo mag oorder lang "ikaw babe, no babe ikaw na,ladies first blah blah blah" mamamatay nalang ako sa gutom dahil sa kalandian nyong dalawa. Hayss.- diba nakakairita?

Pagkatapos naming maka order na ng pagkain, syempre inubos ko kaagad yung sa akin. Ay hindi syempre joke lang yun, pabebe din naman akong kumain pag nasa labas at may kasama akong mga strangers pero pag nasa bahay lang hay naku bai kaya ko atang ubusin tatlong plato in 15 mins. Pero hindi naman ako nataba. Hays ganun din ba kayo?

Ayun hindi pa rin nauubosan ng pang aasar tong si unggoy, kulang nalang talaga tusukin ko to ng tinidor tong mata nya eh tapos e uulam ko naku bai ang sarap siguro nun. Yummy!

Ang dalawa namang lovers dito ang sweet2 ni ate masyadong pabebe, parang ewan, nakaka ewan silang tignan. Hays talaga.

Parang ang korny ng mga nakikita ko ngayon ewan ko ba ang korny talaga eh, yung music din ang korny. Gusto ko na agad matapos tong gabing to, nakaka ewan na talaga bai.

May gwapo nga ang sama naman ng ugali. Wala din mababadtrip ka din.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Limited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon