Chapter 1

1.2K 18 0
                                    

Jhoana
  "Jho, para kang matanda kung bumuntong hininga dyan," sabi ng bestfriend kong tulad ko na kanina pa naghahanap ng gagawin. Kanina pa kami nakatambay dito sa bahay, nakaupo at walang magawa. Natapos na kasi namin yung ipapasa naming cases para sa isang subject namin bukas. Hindi naman kami makalabas para mag-party dahil masyado pang maaga. Sobrang init pa sa labas and I won't risk my beautiful skinout there!

"Ang boring," I told her. "Sobrang boring"  para itong mantrang paulit-ulit lamang naming sinasabi

  "Bakit kasi nakipag-cool off ka sa boyfriend mo? He's a good catch na nga katulad ng sabi mo. Baka magbreak kayo niyan." Alam kong sarkastiko lang ang pagkakasabi niya ng he's a good catch pero minsan, ang sarap parin niyang pitikin.

  "Excuse me? You told me to break up with him. Sabi mo he's cheating on me at naniniwala naman ako sayo and besides, ayaw ko na sa kanya. Sobrang sakal na ako, like, pwede siyang mag-hi sa girls! But me? I cant even smile at my classmates, basta lalaki. Ugh!"

  "Well, yun na yata ang pinakamaganda mong ginawa ngayong buwan, ang hiwalayan na siya. Humanap ka nalang kasi ng ibang makakapagpasaya sayo." I rolled my eyes after hearing that. Bakit ako maghahanap kung sila mismo ang lumalapit sa akin?

"Hahanap pa ba ako kung marami namang nakapila? And hindi nmn talaga kami nagbreak. Its complicated. Yun ang tamang description para sa amin."

"Duh, Jho! Duh! Magshopping na lang nga tayo." Ngumuso ako dahil sa totoo lang, ayaw ko talagang gumastos. Ayokong lumabas ng bahay. Ayokong makakita ng makasalanang shops!

  "Wala akong pera," pagdadahilan ko saka ako humilatasa sofa. Gusto ko lang mahiga at magpakatamad buong araw. Ganito yata talaga pag malapit nang maging single.

  Well, hindi ko naman mahal ang boyfriend ko and I know that behind my backay may ginagawa siyang kababalaghan kahit na wala pa kaming isang buwan. Ako naman, naghahanap na lang talaga ako ng butas para makipaghiwalay sa kanya.

  Kapag kaya nakita ko na siya, ang taong mamahalin ko, malalaman ko kaya kaagad na siya ang mamahalin ko? Kung sakali bang makita ko nga ay hindi ko na ba siya bibitiwan?

"Wag tayong magshopping. Mag boy hunting nalang tayo," nakangiti kong yaya sa kanya, naniniguradong wala akong magagastos. Umupo na rin ako ng maayos at napansin ko ang pagliwanag ng mukha nito.

  "Sigurado ka ba dyan?" nakangiti rin niyang tanong "Manlalalaki ka? Never mong ginawa yan kahit hindi mo mahal ang nagiging boyfriend mo."

  "Bakit? Nagcheat siya sakin edi gagawin ko rin. Kung ano ang hinukay niya, yun ang makukuha niya. Ayaw niyang makipag break? Fine, okay sakin ang cool off. Huwag lang niya akong ginagawang tanga."

  "Now, thats why you are my bestfriend. Tara na ngat magboy huntingsa mall!" tumayo ito at bigla akong hinila patayo.

  "Hindi tayo bibili ng kahit ano ah?" paninigurado ko ulit.

  "Ikaw lang! Kuripot ka kasi!" sabi pa nito at nauna na ngang maglakad "Halika na!"

  "Basta sasakyan mo ang gagamitin, ah." huminto ito sa paglalakad at nakapamaywang na humarap sa akin.

  "May sasakyan ka naman. Yun nalang." halatang nang-aasar lang siya

  "Sayang ang gas. Nag-oil price hike na naman kaya kagabi. Kaya yung sayo nalang ang gamitin natin tutal ikaw naman nagyayang lumabas ehh," nakangiti ko pang suhestiyon sa kanya. Tumabi ako rito atipinakita sa kanya ang pinakamaganda kong ngiti.

Fake Lovers (JhoBea)Where stories live. Discover now