JHO'S POV
"Okay Mr. Isaiah Beanjamin De Leon. Sana hindi na ulit tayo magkita pa. At kung makikita mo man ako, iwasan mo ako, okay? We're done and I don't need your help anymore." ngumiti lang ito at saka umiling.
"You won't get away, Jho. The damaged has been done. You're now my girlfriend whether you like it or not."
"And why? Artista ka ba? Public figure ka ba? Nakakatulong ka ba sa bansa? Hindi naman diba? So wala akong nasirang reputasyon mo."
"Meron, Jho. May reputasyon akong inaalagaan."
"Ows? Hindi nga?"
"Wala akong nagging girlfriend ni isa tapos bigla kang susulpot at hahalikan ako? Ano naman ang iisipin ng mga nakakita?"
"Duh? Normal couple? Pwede mo naming sabihin sa kanila yung sitwasyon kanina. Ang simple nun." Sinimangutan ko pa siya dahil hindi na ako masaya sa usapan. ang simple kasi talaga ng problema pero pinapalala nya. "Beanj. Beanj, diba? Kapag nagkaroon ng problema, puntahan mo ako sa Ateneo De Manila University." nagulat ako ng bigla itong ngumisi. Ang yabang ng dating! Nakakainis. May nalalaman pang reputasyon.
"Ateneo pala, ah. Sige." Aalis na ako ng bigla ulit itong nagsalita. "Ilang taon ka na?"
"Twenty, ano pwede na ba akong umalis?"
"Talaga? Sa liit mong yan? Twemty ka na? Ate pala kita," mukang hindi makapaniwala niyang sabi sakin.
"Wait, huwag mong sabihing high schooler ka?" Muli akong umayos ng upodahil sa kaba. Child abuse ang ginawa ko kung sakali! Oh no! Lumayo ako ng bahagya sa kanya para hindi na madagdagan ang damages dahil pagnagkataon, patay talaga ako!
"Relax," nakangiti nitong sabi bago lumapit sakin. "I'm not a high schooler. You"re just a year older. Ang OA mo rin e"
"Mas OA ka! Maka-ate ka naman kasi. Aalis na talaga ako."
"Okay." walang alinlangan nitong sagot kaya tuluyan na nga akong tumayo at iniwan sya.
Pabalik na nga ulit ako sa inuupuan ko kanina habang tinatawagan si Jia. Ang dala ko pa namang pera kanina ay nagastos ko na sa pagkain. Wala akong pang-taxi kaya patay sakin si Jia kung hindi pa nya sagutin ang phone nya!
"Hello, Jho?"
"At last! Nasaan ka na? I've been looking for you!"
"No way! Hindi ka pa ba umuuwi? Malapit na ako sa bahay, bakla ka! Akala ko nauna ka na." napahinto ako sa gitna ng mga naglalakad na tao dahil sa sinabing iyon ni Jia. May mga narinig pa nga ako na abala raw ako sa daan pero wala na talaga akong pakialam.
"Hell no! Nanti-trip ka lang, dim'ba? Hindi mo ko iniwan, di'ba?"
"I'm sorry." bakas sa boses nito na hindi nga talaga sya nagbibiro. Agad kong isinilid sa bag ko ang cellphone ko bago bumalik sa lugar kung saan ko iniwan si Beanj. Saktong paalis na nga sila ng mga kasama nya sang datnan ko sila roon. Hindi ko alam na nasa paligid lang pala ang mga kaibigan nya.
"May nakalimutan ka?" tanong nito. iniwan pa talaga niya ang mga kasama nya para lang lapitan ako.
"May sasakyan ka?" inayos pa nito ang buhok ko na para bang matagal na nya talagang ginagawa iyon sa akin.
"Meron."
"Ihatid mo ko." inekis ko ang mga braso ko at nginitian ang mga kaibigan nya na ngayon ay parang curious pa sa kung ano ang pinag-uusapan namin ni Beanj.
"Ayoko nga. Bakit ko naman gagawin yun?"
"Girlfriend mo ako, di'ba? Kaya ihatid mo ko. Wala ka namang choice, e." Huminga nalang siya nang malalim saka hinawakan ang kamay ko.
"Okay, sabi mo e."
Nagpaalam kami sa mga kaibigan niya na hanggang ngayon ay hindi ko parin ang mga pangalan. Kung magpaalam pa ito kanina ay para bang matagal na nya akong inihatid at sundo sa kung saan-saan. Confidence level: Very high.
"Ano nga kasi ulit ang sinabi mong pangalan mo?" tanong ko sa kanya dahil pakiramdam ko talaga ay narinig ko na ang pangalan niya. Positive naman akong hindi ko pa siya nahihila noon.
"Isaisah Beanjamin De Leon." ngumisi ito para bang hnihintay niyang maalala ko kung saan ko siya nakita .
"Hindi pa tayo nagkikita diba?"
"Hindi pa." pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan nya para makasakay ako. "Pero baka nga nakita mo na ako."
"Wow, kala mo kung sinong sikat," bulong ko nalang sa sarili ko dahil ayaw ko naman siyang ma-offend kahit papaano. Pagkatapos kong ituro sa kanya kung saan dadaan ay tinitigan ko talaga siyang mabuti. Hindi ko alam kung bakit familiar ang pangalan at muka niya. Sigurado naman akong hindi siya artista. "Hindi kita nagging kaklase?" tanong ko pa pero tinawanan lang ako netong malakas at muling itinuon ang pansin sa pagdadrive. Jerk.
--
hey fam! mukang matagal pa ang Pov ni Beanj dito so abang abang lang😄
YOU ARE READING
Fake Lovers (JhoBea)
FanfictionNot your typical story of JhoBea. May mga ALE players na magiging lalake kabilang dito si Beadel