Gumising ako ng umagang iyon na mataas na ang sikat ng araw. Bumungad sa aking silid ang maliwanag na paligid.I still feel sleepy dahil sa pagod kahapon. I don’t even want to move an inch.
What was that dream all about?
I felt myself blush again. What happened last night might stay with me for as long as I don’t want it to. Bwisit ka talaga Aaron!I heard a knock on my room at iniluwa ng pinto si Rin.
“Ly? Gising ka na! Anong petsa na oh. Mag-impake ka na rin dahil uuwi na tayo bukas. One last gala na lang natin today.. or would you prefer if we just stay here sa bahay?” Malakas ang boses nitong panggugulo sa tahimik kong paghiga. Tinalikuran ko sya and laid on the other side of the bed.
“Ang ingay mo naman Rin. Pakihinaan nga boses mo. Parang ‘di mo naman alam na hindi ako morning person eh.” Pagsasaway ko dito.
“Hala! 9:30 a.m. na kaya. Bumangon ka na nga d’yan. Maligo ka na’t hihintayin kita dito. Nagugutom na’ko.” Sabi nito at pumwesto sa higaan ko’t kumuha ng magazine sa bedside table.
Hindi ako umimik. Pinakinggan ko lang sya’t hindi na kumilos. I just want to be lazy all day.
Aaron’s coming here too para ihatid ang.. hala wait. Ngayong umaga nga pala ‘yon.
Napabalikwas ako ng bangon.
“Rin! Si Aaron? Sabi n’ya ihahatid n’ya yung painting ngayon.” Naibulalas ko.“Wala namang sinabi si Manang na pumunta s’ya eh kakababa ko kanina from my room.”
Tumayo ako to go to the bathroom. “Maliligo na’ko Rin ah.”
“Ay, ganun? Hindi kita mapabangon kanina pero ng maalala si Aaron maliligo ka na agad?” Tumawa ito and I know where her statements would lead again.
“Ay, oo naman. Pag nagandahan pa sa’kin eh baka magbigay pa ng ibang paintings.” Pagbibiro ko’t uunahan ko na lang s’ya sa mga hirit n’ya.
Mas mabuti na ‘yung sakyan ko na lang s’ya sa mga gusto n’yang ipahiwatig at ng matigil na ito sa kakaasar sa’ming dalawa.
It’s like what they say na if you can’t beat them, join them ang peg.
I showered then at kahit sa malamig na tubig na dumadampi sa balat ko ay hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang halik ni Aaron kagabi.
Ba’t parang naaapektuhan ako? Is this the result of being single for a long time? I don’t have plans on having a boyfriend in the near future. Hindi ko ma-imagine talaga.
Paglabas ko ng bathroom nandoon pa rin si Rin at tinitigan ako.
Bigla itong nagsalita. “Kelan ka kaya magkaka-boyfriend? Ayaw mo ba talaga sa pinsan ko?” She caught me off guard. ‘Yan nga naisip ko sa banyo kanina.
“What the-- No. Quit it.” I felt warmness on my cheeks.
“’Wag ka mag-blush. There’s something you’re not telling me Illya. Gwapo naman si Aaron ah. Kahit gorang na’yun marami pa ‘din naghahabol.” Tumawa ito.
“Tigilan mo ‘ko. Tsaka kung maka-gorang ka d’yan, bakit ilang taon na ba s’ya? Hindi mo pa nga nasabi.” I managed to ask.
“Uy, curious. Tingin mo?”
I rolled my eyes at her and walked na nakatupis lang ng tuwalya to the closet kung nasaan ang mga damit ko pansamantala.
BINABASA MO ANG
Love on a Broken Canvas (An Artist's Love Story)
Fiksi UmumWarning: MATURE-THEMED, SPG, deep and for open-minded only. ***** Enjoy a love story as breathtaking as thousands of colors mixed together and thousands of paintings put on display. Synopsis: Love is the only art in this world with colors you can ne...