Load
Nandito na kami ngayon sa Prana Restaurant at nagdidinner. Dahil fruits and vegetables lang ay vegetarian kami ngayon. Masarap naman yung pagkain dito kaya masarap din yung kain namin.
"Oh Maxen, pang-ilang rice mo na yan?" tanong ni daddy Magsisimula na naman ata siya sa pang aasar kay Maxen.
"Dad pangatlo ko pa lang to, unlike to Ate Anne, nakakaapat na kanin na siya." sagot ni Maxen
"Oy hindi ah, grabe ka Maxen pangalawa ko pa lang 'to." protesta naman ni ate
"Ah! kaya pala ganan ka kalaki, hahaha."
"Tama lang naman katawan ko ahh, diba mommy."
"Sa tingin ko anak, kailangan mo ng magdiet, medyo tumataba ka na eh." sagot ni mommy na natatawa tawa pa
"Ok, DIET ANNE DIET SHERRYL LIANNE DIET." kinakausap ata ni ate sarili nya eh
Nabalot kami ng sandaling katahimikan. Maya maya nagsalita si Isie.
"Guys, ganito bukas ang schedule natin ay snorkeling, payag ba kayo?"
"YES, I like that." sabi ni mommy
"Wala bang takot dito sa isda?"
"WHAT sa isda takot? Eh hindi naman nangangain yon."
"Maxen meron kasing ayaw sa mga isda kahit na maliliit lang yon, hindi ko din alam kung bakit, pero alam ko meron talaga." ani Isie
"They're crazy."
"They are not crazy, they just get scared on fishes."
"They are."
"Bahala ka nga. Basta bukas guys ihanda nyo na yung mga gagamitin ha."
"Ok."
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nakahiga na ako ngayon sa kama. Di pa ko makatulog. Kaya naisipan kong maglaro muna sa cellphone ng Skater Boy.
Nang nasa kalagitnaan na ako ng Level 30. Biglang may tumawag, so meaning nataya ako.
Calling.... Unknown Number....
Hindi muna ko nagsalita, hinayaan kong siya ang maunang makipag-usap, tutal siya din naman ang unang tumawag.
"Hello, is this Alethea Laurice Villaflores?"
"Yes, I am, who's this?"
"Uhmmm, Your sim has won a 500 cash, to redeem your award, just load this number and I will send you the money. 50 pesos load, it's TM."
"Wow ha, ano ko bobo, sa panahon ngayon marami talagang manloloko ano, sasabihin mo pang nanalo ako para lang paloadan ka, sorry pero nagkamali ka ng tinawagan."
Call ended....
Bago nya pa ko babaan ako inunahan ko na siya.
Bwiset!! Sasabihin pang nanalo ako, no thanks na lang di ko kailangan yon.
Dahil nabadtrip ako ay napagdesisyunan ko ng matulog. Ayoko ng maglaro. Nakakainis nataya pa ako dun.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Alee gising na, uy. 7:30 na."
"Wait lang Isie inaantok pa ko."
"Nagpuyat ka ba kagabe, saka sino yung katawagan mo, may boyfriend ka na tapos niloko ka. Di mo man lang sinasabi saken. Ang daya mo. Sino yon? Gwapo ba?"
"Easy easy, wala akong boyfriend, wala pa yon sa plano ko, saka kung magkaro'n man sayo ko unang sasabihin yon. Kaya tumigil ka na dyan."
"Eh sino yung katawagan mo kagabe, bakit mo inaaway?"
"Manloloko lang yon, sabe nanalo daw yung sim ko nang 500 pesos, para daw makuha ko ay paloadan ko daw yung sim nya. Ano sya chix?"
"Ah 'kala ko kung sino ng katawagan mo eh, 'wag kang magpapaniwala sa mga ganon, Alee."
"Syempre naman noh, lugi ako, 'pag ako naloko."
"Tara baba na tayo, nakaready na yung breakfast, Fish naman tayo ngayon."
Mabilis lang kaming kumain, dahil mga excited na sa snorkeling.
================================================================================
Author's Note:
Hi readers!!
Kung sino man kayo salamat sa pagbabasa.
Pwede kayong magcomment para makilala ko kayo.
Sorry kung medyo mabagal yung update.
Don't forget to smile...... :) :) :) :) :)
YOU ARE READING
Hiding Behind Her Tears (Ongoing)
Teen FictionAlethea was happy in her life. She was contented, she had all the things that a simple girl would dream on. Looks,money,friends,and family. She loves her best friend, Maisie. She trust her more than anyone. They're happy in their friendship. Not un...