HUMAN MEAT

521 10 4
                                    

[ Lots of typos, grammatical errors, misspelled. ]

No proofreading '

———
SIMULA

ALAS SAIS na ng gabi pero gising pa din ang diwa ni Aril Farn. Hindi siya makatulog dahil sa kumakalam na sikmura. Tinignan niya ang kapatid na natutulog sa karton na tanging mga braso lang nito ang ginawang pang-unan sa ulo nito.

Nasa bukana sila ng sementeryo. Madilim sa loob at tanging poste lang na nasa highway ang nagsisilbing liwanag sa kinaroroonan nila.

Ulila na sila, maagang namatay ang nanay niya at hindi niya din kilala mga kamag-anak niya kung mayro'n man. Labing dalawang taon pa lang siya at ang kapatid ay walong taong gulang pa lamang. Todo sila sa pangangalakal pag-umaga para makapag-kita at makabili ng makakain. Ngunit nitong nakaraang linggo lang ay halos hindi na siya makakain.

Bumangon siya sa pagkakahiga. Pumasok siya sa madilim na bahagi ng sementeryo.

May nakita siyang basurahan doon, hinalungkat niya 'yon at nakakita ng isang zest-o juice na hindi pa nabuksan.
Nakakita din siya ng kapira-pirasong tinapay na hindi pa inuuod.

'Siguro may nilibing dito kanina.'

Dali-dali n'ya kinain ang mga ito, hindi inalintana ang amoy na nanggaling sa basurahan.

Pagkatapos niyang kumain ay aalis na sana siya nang may nahagip siyang bulto ng katawan ng tao.
———

CRUCIAL THINKER FILESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon