HOPELESS ROMANTIC

509 6 8
                                    

[ Beware of a typos, grammatical errors. ]

No proofreading '

---
SIMULA

September, 2019

"Love, why so unfair?"
Humihikbing sabi ko sa lalaking mahal ko.

Sobrang sakit ng nararamdaman ko, 'yong puso ko parang hinihiwa, naninerbyos at literal na sumasakit sa kaloob-looban ko.

"Makakahanap ka din ng para sayo, Elle."

"Hindi ko maintindihan. Ginawa ko naman ang lahat pero bakit kailangan pang maging ganito? Ang Sakit sakit eh."

"Good-bye, Elle."

Pagkasabi niya ay tinalikuran niya na ako.

Napaluhod ako.

God. Bakit ako pa? Bakit ako lang ang nasasaktan? Ang unfair.

"Hindi ko na kaya. Please save me."

"Elle?"

Narinig kong may tumawag sa pangalan ko pero hindi ko ito nilingon.

"Elle? Anong nangyari? Bakit ka naggaganyan?"

Naramdaman kong nilapitan niya ako.

"Elle. Siya na naman ba?"

Niyakap niya ako. Patuloy lang ako sa pag-iyak sa dibdib niya.

"Kent..."

"Shh... Magiging okay ka din."

"Bakit hindi niya na lang sabihin na mas gusto niya si Flora kesa sakin? Na sawa na siya? Na ayaw niya na sakin? Bakit kailangan niya ako saktan? Bakit? Ang sakit sakit."

"Shh... Crush niya lang naman niya 'yun 'di ba? Ikaw ang mahal niya."

"Hindi ko na ramdam Kent."

"Tahan na."

Pagkatapos ay tumahan na din ako. Pumunta kaming batchoyan nina Aling Nena at nilibre niya naman ako. Binilhan niya ako maliit na stuff toy na.

"Ayan. Yakapin mo sa gabi." Kinindatan niya pa ako. "Hmm... Thank you Kent. Don't worry, iingatan ko itong si Kentoy."

Alas sais na nang hinatid niya ako sa bahay.

Hindi alam ni mama na may mabigat akong nararamdaman. Nung gabing iyon ay tahimik akong umiiyak hanggang sa nakatulog na ako.

KINABUKASAN ay napagdesisyunan kong umambsent sa Accounting Subject ko. Tutal sabado naman kaya sigurado akong walang pasok si Ian at nasa bahay lang nila ito.

Pinuntahan ko siya sa kanila, as expected nagulat siya. Binati ko ang nanay niya at mga kapatid.

Pumunta kami ni Ian sa kabilang bahay nila na medyo malayo sa tindahan nila.

Ngayon, kaming dalawa na lang dito. Walang tao, tahimik.

"Ian..."

CRUCIAL THINKER FILESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon